chapter 32

18K 351 13
                                    

wala na akong takas dito,  pinasok ko nato! kailangan ko to panindigan, pero sabagay sya naman ang tatay, kaya kahit papano ay may karapatan din sya.

Naalala ko kung paano ako napagkaitan ng tunay na pamilya, Tunay na tatay, nanay at iba pang kamaganakan.

Tanggap ko na kailangan ko to pag daanan, Pero ang hindi ko kinaya ay ang lumayo si glen, dahil sa kanya!
Si Glen! na walang ginawa kundi magalaga sa akin.

Nahirapan ako nung umalis sya, kasi magisa na lang ako sa kwarto ko. hindi ko na sya magigising pag nagtritrip ang baby ko.

bukas na rin pala ang lipat nila Grey
hindi ko inaasahan na ganito kabilis ang mangyayare, Hindi ko inaaaahang dadating to, ang alam ko lang ay nalaman nilang lahat, kaya si Grey ay sabik na lumipat dito,  nagsorry na rin sya dahil nagtampo daw sya. naalala ko pa nung matapos namin magusap sa loob nang opisina ni papa,  kinausap agad ako ni grey

"Mommy! i Just want to say sorry for what I've said last time. I'm sorry nagalit lang po ako, kasi akala ko po di nyo talaga ako minahal mommy, but now i realized it.
nang umalis ka, walang gumagawa nang breakfast ko, walang naghahatid na mommy sakin. sorry mommy! "Sobrang lungkot nya habang sinasabi nya yun.

"Okay lang yun baby, naiintidihan kita! masyado ka pang bata para sa ganung kalalim na sitwasyon okay? I love you  kuya Grey. "

"Waah mommy I'm going to be kuya Yey! Nga pala mommy nung umalis ka, nagsimula nang mabaliw si daddy, lagi syang sumisigaw sa telepono kapag kausap nya ang private investigator na naghahanap sayo, lagi mainit ulo nya mommy, tapos pinalayas nya si Rea, pero si Rea mommy hindi umalis pero halos mukha syang multo sa bahay. " 

Madaldal talaga ang batang ito, kinwento nya pa sa akin ang halos tatlong buwan at kalahati kong pagkawala sa mansyon.

Naputol ang pagiisip ko nang magring ang cellphone ko.

Kinuha ko iyon at sinagot
"hello? "

"HAHAHAHA no Lucy! hindi sila babalik sayo, hindi sila babalik sayo! kukunin ko ang lahat nang para sakin sa mangaagaw na tulad mo!  " nakakilabot man ang boses nya ay binalewala ko na lang.

"Binalik na ang tokhang! sumuko ka na Rea, mahirap na baka manlaban ka. Wag ka masyadong madameng alam, baka itumba ka. Hahaha"

Pinutol ko ang tawag! ang babaeng walang ginawa kundi manira! 
Pero bakit nya to ginagawa?  Nung umalis ako bakit di nya pa nilubos lubos anong meron sa pagkatao mo rea?
nahihiwagaan ako sayo, wag ka magalala makikilala rin kita.

Pumikit na ako at nagpahinga sobrang daming nangyare ngayong araw,
talagang hindi mo masasabi kung anong mangyayare bukas, dahil di mo hawak ang mundo.

Pinikit ko ang mata ko at nagpakain sa antok na nararamdaman ko.

Kinabukasan ay isang malakas na katok ang nagpagising sa akin

TOK TOK
TOK TOK
TOK TOK

"MOMMY!! ANDITO NA AKO MOMMY!!  " sigaw nang batang nagpaganda nang umaga ko, kahit na hindi maganda ang pagkakagising ko.

Nang buksan ko ang pintuan ay agad akong nabuwal nang hindi lang pala si Grey ang nandoon 

Kamuntikan na tumama ang likod ko sa gilid ng kama, buti na lang may sumali sa akin pinulupot ni zerep ang kamay nya sa bewang ko 
At inayos nya ang pagkakatayo ko.

"Magiingat ka naman! hindi lang ikaw ang masasaktan! lagi mo iisipin na may dinadala ka at pwede sila masaktan sa kunting mali sa gagawin mo! "pasinghal nyang sabi.

Agad ako tinubuan nang inis sa sinabi nya

"Aga aga mo manermon! lumayas ka rito! bumalik ka sa asawa mo at sya ang sermonan mo wag ako!"

Pagmamataray ko pero imbis na mainis ay napangisi pa sya

"Fierce huh? " nakangisi parin sya, kaya parang kumulo ang dugo ko sa sa sinabi nya.

"Pasok na Grey at palalayasin ko tong Daddy mo! "

Minadali kong hilahin si grey pero bigo ako dahil mas mabilis syang nakapasok kesa sa inaakala ko

"Not so Fast hahaha " pambwebwesit nya.

"Zerep masama sa buntis ang mastress, kaya kung pwede lumayo ka sakin? bukod sa ambaho baho mo ay umiinit ang dugo ko sayo, umalis ka sa kwarto ko hanggan't ligtas pa kami nang anak ko!!! "

Hindi zerep pahihirapan kita! agarang nagbago ang emosyon nya, kaninang jolly ngayon ay parang kinain na sya nang lungkot.

Pumungay ang mata nya at yumuko

"Ganun ba? sige tawagin mo ako pag may kailangan ka ahh!
Tyaka wag masayadong malikot, makakasama yan sa anak natin."  pagkasabi nya nun ay lumabas na sya.
sya rin ang nagsarado nang pinto.

Nilingon ko si Grey para malaman ang reaction nya, nang makita ko na medyo naawa sya sa daddy nya ay nakaramdam ako nang guilt, mali ba ginawa ko? tama naman diba? dapat lang sa kanya yun diba? 

lahat ng bagay na ginagawa mo may kapalit, tanggapin mo lahat ng sakit, dahil kulang pa yan sa pinaranas mo sakin!

WANTED : MOMMY (EDITING)Where stories live. Discover now