chapter 25

17K 314 6
                                    


Nang magising ako ay maayos na ang kwarto at damit, yun pala ay lalabas na ako nang hospital. samantalang hindi ko makita si glen  na agad kong kinalungkot.

"Papa asan si Glen?Tyaka ang bango mo papa! ano ginamit mong pabango?"  tanong ko na kamot ulo, habang ang mga taohan nya ay tinutulongan ako na malipat sa wheelchair ko.

"nagpalit ako nang deodorant anak, ginamit ko ang brand na gamit ni Glen, kaya siguro mabango ako sa pang amoy mo ." tango tango pa syang kumbinsido na sa desisyon.

Medyo inamoy ko si papa, ang bango nya talaga. bago kami makapasok sa sasakyan  ay may lumabas na roong chibi na may bitbit na Christmas lights.

"BEBE!!!!!  HALIKA RITO !"

Naiiyak kong sinabi, hindi ko maintindihan ang dahilan pero nakakapagtakang talagang naging ganun ako.

Lumipas ang ilang araw, linggo at buwan, ay patuloy ang pamumuhay ko, maaring nabaon ako sa lungkot, totoo at hindi ko maikakaila yun, pero andyan si papa at si Glen para pasayahin ako.
Apat na buwan na ang tyan ko, ramdam ko ang araw araw nilang pagalon sa tyan ko, ilang araw na lang ay malalamn na namin kung ano ang mga babies ko. haha nakakatuwa pero mas excited si Glen at papa dahil sila ang pakiramdam ko naghihirap haha.
Naalala ko pa yung madaling araw na nagising ako.

"chibibebe! " sigaw ko, alam ko na nasa cr lang sya kasi umiihi yun ng 3am.

Nang bumukas ang pinto, ay sinimulan ko na umiyak dahil kung hindi ako iiyak, hindi nya ako ibibili nang gusto ko. haha

"Chibibebe gusto ko nang balot "
Humihikbi pa ako para medyo kumbinsido.

"Baby saan mo naman ako pakukuhanin nang ganun? " antok nyang sinabi

Isip isip

Magisip ka lucy kung hindi hindi mo makakain ang gusto mo!!! 

"Ako na lang pala ang bibili "

Tumayo ako, dinahan dahan ko pa para mapigilan nya pa ako. haha
Hindi nga ako nagkamali nang hawakan ko ang doorknob,  ay nakayakp na sya sa akin mula sa likod.

Sweet talaga nitong lalaki na to eii,
siguro kung una ko sya nakilala ay nainlove ako sa kanya.

"Ako na baby okay?  Magbibihis lang ako, ikaw magpahinga ka na kasi mas kailangan mo yun okay? sige na! " malambing nyang pagkakasabi

Hinalikan nya ang sintido ko bago umalis.

"Magiingat ka Chibibebe ahh!  "

Tumango lang sya at umalis na,
Nang makabalik sya ay may lima syang balot na dala,  nang hawakan ko ang balot ay agad ako nandiri sa amoy

"Ayoko nyan!!!  Ilayo mo yan sakin huhuhuhu! " 

Lumipat pa ako sa kama nya, para umiwas sa balot na nasa kama ko.
Umiyak nanaman ako, kasi hindi nanaman nasunod ang gusto ko.

"Shhh! tumahan ka na baby, ibaba ko to tumahan ka na. may iba ka pa bang gustong kainin?  "

Nagaalala nyang tanong, sinagot ko lang nang iling at agaran na akong tumalikod.

Nang makaakyat sya, ay tinabihan nya ako.
yumakap nanamn sya mula sa likod ko.

"Baby okay ka lang ba? gusto mo patulogin kita? " mababa ang boses nyang sabi sakin

Nilingon ko sya agad na sumiksik sa kili kili nya.
Natulog kami magkatabi nung gabi na yun. ganun ako pag umiiyak, lagi nya akong tinatabihan kaya halos magngangawa ako nang pagbawalan sya ni papa. pero bandang huli pumayag din si papa, dahil alam nya aalgaan ako ni Glen.

Ngayong araw na to ay isang normal na araw, na may normal na almusal.

"Iha anjan ka na pala! halika na kumain na tayo. "

Nang makaupo ako ay nalaman ko kung ano ang paguusapan nila, yun pala ay ang ika limang buwan ng pagbubuntis ko bukas.

"Iha, magpapacheck up tayo bukas nang umaga, para jan sa mga apo ko tapos mag cecelebrate tayo nang hapon okay may importante akong bisita bukas.  Haha maliban kay glen ay may ibang lalaki pa akong trinato bilang anak, simula nang mawala ka kaya gusto ko makilala mo. isa sa mga magagaling sa tinuruan ko "

Tinignan ko si Glen, alam ko na naiilang sya sa ganitong usapan.

"Sige papa kayong bahala, pero pag sinabi ni glen magpapahinga na ako, magpapahinga na ako ahh. "

Nagulat si glen sa sinabi ko

"Abah! bakit naman iha? " may malisya ang ngiti ni papa.

"Syempre papa, isa sya sa nakakaalam nang dapat kong ginagawa. baka malibang ako ay makalimut ako diba? "

Pagpapaliwanag ko nang lumingon ako kay Glen, nakita ko ang malaking ngisi nyang tinatago.

Kung makakalimutan ko man si zerep, gusto ko syang pagaaralang mahalin.
sya ang klase nang taong gusto ko makasama. 

Sana nga, kamusta na kaya ang panganay ko? naiiyak nanaman ako sa naisip ko. 

WANTED : MOMMY (EDITING)Where stories live. Discover now