chapter 35

17.2K 327 5
                                    

"Ire pa misis!!!!!! " mas mukhang yung nagpapaaanak ang naiistress.

"ayan na isa pa!! Ayan na baby boy ulit! "

My gosh Violet ayaw mo ba lumabas anak si kuya Blue at Red mo lumabas na!

Tinodo ko ang huling ireng nakaya ko

"HAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!! "

nanghina ako, ngunit nakarinig ako nang isang iyak kaya nalaman ko na nakalabas na ang anak ko!

At unti unti na akong nilamon nang panghihina at nang dilim.

Nagising ako sa ingay.

"ito si blue wag ka makulit! " sabi ni zerep

"hindi nga ito si blue! " pakikipagtalo naman ni Glen kay zerep

Dumilat ako sa inis at agad na natahimik ang boung kwarto.
Tinignan ko ang dalawang lalaking nagtatalo nanaman.

"Ang ingay ingay nyo! nagpapahinga naman ako! " bulyaw ko sa dalawa

"Ito kasi si Glen! napakatanga sinabi nang ito si Blue ang kulit! " pagsusumbong ni zerep

Sumasakit ang ulo ko sa dalawang ito.

"Ito nga si blue ikaw ang makulit hindi ako! " pagtatangol ni glen sa sarili

"Ilapit nyo dito yang mga anak ko at ako ang magdedesisyon ang iingay nyo! "naiinis kong singhal sa dalawa

Nilapit nang dalawa ang mga anak ko kitang kita ko na iisa lang ang mukha nila, kaya mahihirapan kang kilalanin, pero nakaagaw nang pansin ko ang maliit na balat na kulay pula sa dibdib, nang isang bata napakaganda nun.

"ito si Red " sabay hawak ko sa batang bitbit ni Glen.

Bagay na bagay sa kanya ang pangalan nya humikab ang isang bata at unti unting dumilat ito.
Namangha ako sa pagkakaasul nang mata nya, kakulay ito nang Mata ni Papa!

"Ito si Blue " sabi ko pagkahawak ko sa kanya.

Bagay na bagay sa kanya ang pangalan nya.

Nag taka akong bigla asan ang bunso ko?

"Asan nga pala si Violet? " tanong ko na nagpatahimik sa lahat napayuko sila at nagiwas nang tingin sa akin.

"Nasa Nicu si Violet, masyado pa syang mahina. maaring ang dalawang anak mo ay naging normal, kahit na pitong buwan pa lang si Violet ay hindi kinakaya mahina pa ang baga nya. "

Nanghina ako sa narinig ko sobrang lungkot ang bumabalot sa akin, bakit naman ganito.

Ibig sabihin kailangan nya pang obserbahan?
Hindi ko na napigilan ang luha sa akin mga mata.

"Gusto ko sya makita papa " kahit na nahihirapan ay pinilit ko na tumayo pero dahil sa nanlalambot pa ang mga tuhod ko ay agad na akong natumba buti na lamang at sinalo ako ni zerep binuhat nya ako papunta sa wheelchair.

"Sasamahan na kita tara " naaawa syang tumingin sakin.

Tinulak nya na ang wheelchair palabas nang kwarto, Dumeretsyo kami sa kwartong may nakalagay na NICU.

"Doc asan po si baby violet? " pagtatanong ni zerep.

"wala po sya rito, nasa NICU 2 po sya kasi sila ang mga batang mas kailangan nang bantay. "

Tumango si zerep at nagpatuloy na sa paglalakad
nang makarating kami sa nicu 2 ay agad namin tinanong kung saan makikita si baby violet.

" Sa ikatlong crib po " sabi ng nurse.

Pumasok kami sa nicu may nasa limang crib nang bata roon.

Dumeretsyo kami sa ikatlong crib pero walang bata roon.

"Zerep wala rito si Violet! nasan na sya? Nawawala ba sya? " kinakabahan ako.

"Miss asan ang baby rito? bakit wala? "

"sir kinuha lang ata nang doctor para sa test. "

Kalmadong sagot nang nurse

"sandali lang sir, hahanapin ko po! "

Agad naman akong kinabahan sa sinabi nang babae

"balik muna tayo sa kwarto natin hintayin natin mahanap si baby "pakikiusap ni zerep sakin.

Alam ko pinakakalma nya lang ako, pero hindi ko magawang kumalma nang makalabas kami ay nakita namin ang pagkakagulo nang mga nurse at pedia sa labas.

"SINONG DOCTOR BA ANG KUMUHA NURSE JANE? " sigaw nang isang Pedia

"Babae po Doc! di ko po nakita ang mukha nakamask kasi kala ko nga po si Doc Sanidrin. pero nasa operating room daw sya kanina. "

Tinambol nang kaba ang puso ko at lumabas ang mga luha ko nawawala ang anak ko?

Nang makapasok kami sa kwarto ay agad pinaalam ni zerep ang nangyayare kay papa at Glen.

Nang tignan ko si Glen biglang naging galit ang kanyang mukha.

Samantalang si papa naman ay nagsimula nang tumawag sa kung sino sino nang may pumasok na mga bantay sa kwarto namin
.

"hanapin nyo! kunin nyo ang lahat nang cctv footage sa lugar na to! " utos ni papa tyaka umalis ang mga lalaki

Babaeng doctor, ang kumuha wala naman ibang may galit sa akin kundi si Rea lang.

"Hindi na mauulit ang nakaraan tito, wag ka magalala hindi ko hahayaan may mangyare sa magina ko! " galit na sinabi ni zerep kay papa

Nilingon ko sa Glen na kaninang galit nyang ekspresyon ay biglang lumamig at mahinahon masama nyang tinignan si zerep.

Bakit glen? Bakit?

WANTED : MOMMY (EDITING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora