chapter 20

16.7K 350 6
                                    


Masakit pero gagawin ko, iiwanan ko pa rin ang batang unang nangparamdam na buhay ako. 

paalis na ako nang makaramdam nanaman ako nang pagkahilo,
Pakiramdam ko babasag na ako sa sahig, nang may mga kamay na sumalo sa akin pinulupot nya ang kamay nya sa beywang ko para alalayan ako.

"Miss lucy okay ka lang ba? "
Nagaalala nyang tanong

"Ahh ehh oo ayus lang ako! medyo nahilo lang ako. "  pagsasabi ko nang totoo

Tinayo nya ako nang maayos, tyaka ko lang nakilala kung sino sya .

"ikaw si glen diba?  Hi? thankyou tyaka pasensya na noong nakaraan." 
Nahihiya ako dahil sa  ginawa ni zerep nakaraan

"Ayos ka lang ba talaga? "di pa rin naalis sa mata nya ang pagaalala.

Tyaka ko naalala magpapacheck up pala ako, siguro bukas na lang.

"Diba sinabi nyang okay na sya?  Alisin mo na yung kamay mo "

Nagulat kami sa boses mula sa likuran

"Muntikan na syang matumba! okay lang?  Alam ko kanina ka pa nakatingin! alam ko ring alam mong di sya okay! "  pagsagot ni Glen kay Zerep

Omygad the useless and selfish monster is here!

" Ayos na ako Glen! salamat ahh! una na ako "

Sabi ko para maputol na pagtatalo nila

"No! ihahatid kita! baka kung mapaano ka pa lucy "
Nagaalala nyang sabi

Napatingin naman ako sa kanya ang gentleman nya naman

"Ayos lang na- " tumango tango pa ako pero kesa masagot ko pa sya ay hinila agad ako ni zerep

"Ano ba! wag mo ako hilahin! " naiirita kong sinabi dahil mas nahihilo ako

Binuksan nya ang passenger seat nang sasakyan at binalibag nya ako roon.

Ahh!! yung tyan ko sumasakit!

Pagkaupo nya sa Driver seat,  agad nyang pinaharurot ang sasakyan.

"Totoo pala ang sinasabi ni Rea! talagang mukha kang pera! hindi ka ba makuntento sa pera ko? para dumikit dikit ka pa sa iba ? " galit na galit sya pero hindi ako makasagot dahil sa sakit nang tyang kong nararamdaman

Ahhhhh! yung tyan ko sinilip ko ang pang ibaba ko wala naman dugo pero ang sakit

Ahhhh! ang sakkkkiiitttt!!

Dahil sa iniinda kong sakit nang tyan, hindi ko namalayan na nasa mansyon na kami.

Nang buksan nya ang sasakyan ay agad nya akong hinila, mahigpit at masakit ang pagkakahawak nya sakin pero mas masakit ang tyan ko.

Anak kung nariyan ka sa tyan ni mama kumapit ka lang anak!

Alam ko! ramdam ko na may laman na to.

"MANANG KUHANIN NYO ANG GAMIT NANG BABAENG ITO! "

nataranta ang mga katulong
Sa inutos nang amo nila!

Ahhhhh! yuuung Tyaaaan ko!

Huminga ako nang malalim.

"Ahh kaya ba?  Kaya ba nagmamadali ka sa kontrata mo kasi may lalaki ka na?  Sumagot ka! " galit na galit nya ak9ng sinisigawan.

"kaya ba?  Kaya ba hindi mo na ako inaasikaso, kasi may lalaki ka nang ibang pinagkakaabalahan?  Napaka landi mo!  Hindi ko maisip bakit kita dinala rito, gayung di pa naman kita kilala mukha kang pera manggamit!! "

Iyon na ata ang pinakamasakit na narinig ko sa buhay ko.
tila namanhid ang boung katawan ko sa sinabi nya at lumandas ang mga luhang hindi magpapapigil.

"SUMAGOT KA!  KAYA BA HINDI MO NA GAGAWIN ANG PANGAKO MO KAY GREY AY DAHIL SA LALAKI MONG GOLD DIGGER KA! SINUNGALING MANLOLOKO! "

hindi ako makasagot, hindi ko kinakaya ang sinsabi nya.

Nang maibaba nila ang gamit ko, nilapag nya ito sa harapan ko.

"Lumayas ka na rito!  Tapos na ang kontrata mo!  "

Hindi ko alam kung may natitira pa bang sakit, ang sakit sakit nang mga sinabi nya.

Yumuko ako sa mga gamit ko, kinuha ang Atm na pinaglalagyan nang pinasahod nya sakin. tyaka ko binato sa kanya

Nagulat sya sa ginawa ko nanlaki ang mga mata nya.

"AYAN NA!  AYAN NA YUNG PERA MO! HINDI KO GINALAW YANG KAHIT NA SINGKO!  SALAMAT SA PAGPAPAHIRAM SAKIN NANG ANAK MO! SALAMAT SA KUNTING PEKE MONG PAGMAMAHAL SALAMAT SA ALAALA SALAMAT SA PAGPAPAKAIN, PAGPAPATULOY SALAMAT SA MASASAKIT NA SALITA MO!  SALAMAT AHH! AT SANA MAGING MASAYA KA TYAKA NGA PALA SALAMAT SA REGALO MO AH SOBRANG NAGUSTOHAN KO!  HINDI MO AKO KAILANGAN PAALISIN KASI AALIS AKO NANG KUSA! KAHIT HINDI MO SABIHIN! "

Boung lakas ko sya sinigawan, kailangan ko makaalis rito! kailangan ko makaalis, para kung sakali na mabuhay ang nasa sinapupunan ko ay hindi sya mamulat sa miserableng buhay.

Tinignan ko sya sa huling pagkakataon, hindi ko mabasa ang ekspresyon nya.

Nang lumabas ako ay nakita ko ang nakangiting si rea.
salamat sayo dahil sa sampal mo nagising ako.

Lakad takbo ang ginawa ko palabas nang masyon, pero damang dama ko pa rin ang sakit nang aking tyan.

Nang makalabas ako ay hindi ko na kinaya, napaupo na lang ako.

Hilong hilo ako nanlalabo ang paningin ko

"LUCCYYY! "

Huling sigaw na narinig ko bago ako kainin nang dilim.

WANTED : MOMMY (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon