chapter 6

22.7K 474 16
                                    


Nang makapasok kami sa kwarto nya ay  nakaramdam ako ng kaba,  bakit kaya?  Dumeretsyo sya sa isa pang kwarto.
Nagtaka naman ako pero siguro ay naiihi lang sya . tama! di ako dapat na sumunod tama!

Naghintay lang ako na lumabas sya dahil nakakahiya naman.  nagtaka ako lalo nang nagrinig ko syang nagsasalita. Tinagilid ko ang ulo ko para mejo marinig sya nang bumukas ang pinto.

"Ano ba!  Bakit di ka sumunod?  Mukha akong tanga salita nang salita rito anjan ka pa pala! " iritado nyang sabi.

Nilakihan nya ang pagkakabukas nang pinto tyaka ko napagtantong hindi yun banyo.

"Abah malay ko ba kung cr yang pinasukan mo ano susundan kita?  Hindi ka ba natatakot hah!  Naku baka marape kita jan kasalanan ko pa!!  " Pananakot ko sa kanya. malay mo epektibo.

Nanlaki ang mata nya at namilog ang bibig at unti unting lumabas ang nakakaloko nyang ngiti na napunta sa malakas nyang Tawa.  doon ko lang narealize kung ano ang nasabi ko na dahilan nang paginit nang pisngi at tenga ko.

Buseet kasing lalaki to masyadong sexy kita mo! namamanyak tuloy ako
Lorrrddd patawad

"Wag ka magalala asawa naman kita it means sayo naman ako kung magkakataon. magpaparape naman ako HAHAHAHA"

pumasok na sya kasama ang malademonyo nyang Tawa.
Minsan talaga naiisip ko gaano ba kasama ang nagawa ko bakit ganitong buhay ang meron ako.

"Pumasok ka na rito mauusap tayo wag ka magalala PAPARAPE AKO!! HAHAHAHAHAHAHHAH"

talagang hindi ako tatantanan neto.

Nang makapasok ako ay seryoso na sya.. pero namumula WAG AKO!  alam ko nagpipigil sya nang tawa buseet ka !! makakabawi rin ako sayo.

"so ano na bilisan mo inaantok na ako " parang tinubuan ako nang inis

"haha relax ito ang kontrata basahin mo at pirmahan mo anjan na rin ang mga rules na dapat sundin at ang mga bagay na hindi mo dapat gawin ."

Nilapag nya ang papel sa aking harapan, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko parang may kung ano sa isipan ko ang nagtatalo pero hinayaan ko na lang at kinuha ang papel sa aking harapan.

Kontrata para sa magiging Ina at asawa ko
Ako si *Name*, *age* ay sumasang ayon na maging ina sa iyong anak at maging asawa mo ng *kung gaano katagal* at susunod sa mga patakarang nakasulat sa kontrata. Ako ay magiging huwarang ina at mabuting asawa para sa ikakaayos ng pamilyang ito.

Mga Patakaran:
1. Gagawin ko ang duty ko bilang ina at asawa
2. Handa ako sa mga consequences na magaganap sa kontrata na ito
3. Walang ibang makakaalam ng kontrata
4. Hindi ako mahuhulog habang nangyayari ang kontrata
5. Magiging masaya lang tayo katulad ng isang pamilya
6 Hindi ako makikipagrelasyon habang ako ay nasasakop nang kontrata

SERYOSO? 

"Seryoso ka rito?  "

"mukha ba akong nagbibiro haha "
Nakangisi sya kaya mas lalo akong hindi naniwala

" pirmahan mo na yan para masaya diba wag mo ako susuwayin o kahit anong rules jan.  Dahil di mo gugustohin pag nagalit ako "

Yun lang sinabi nya at tumayo na sya para lumabas agad ko namang pinirmahan at tinago sa lamesa nya ang kontrata

"Sandali lang zerup! "

Pigil ko nang palabas na sya. 
Nilingon nya ako nang mejo iritado.

"Hindi zerup its ZEREP O ZEREF! Isa pang zerup mo hahalikan kita!"

Napatikom ang bibig ko sa sinabi jya ay grabe naman yun parang namali lang

Napahawak ako sa labi ko naku ang first kiss ko ay dapat mapunta sa mapapangasawa ko lang, kaya dapat magbehave ako.

Sumunod na ako sa kanya at lumabas na rin.

"Saan nga pala ako matutulog? "

"anong saan edi sa tabi ko asawa kita hindi man tayo kasal ikaw ang ina nang anak ko "

Nagslow motion ang paggalaw nang bibig nya at nablanko ang bawat salita ang pintig nang puso ko ay lumakas bumilis malakas na malakas umabot ako sa puntong tibok na lang ang naririnig ko

"Ayos ka lang ba?  Bat bigla ka napatulala jan? "

Doon ako bumalik sa ulirat pero ang puso ko ay ganun pa rin kabilis ang pintig neto

May sakit ba ako? Sana wag naman ako kunin ni lord ngayon pa lang ako magkakapamilya eii

Nilingon ko sya at tumabi na sa kanya

"Masanay ka na araw araw ganito ang buhay mo kasama ako at ang ibang gawain dito kasama si grey "
Malamig nyang sabi

Nang makahiga ako ay tumalikod ako sa kanya at nagsalita

"ikaw ang masanay araw araw nyo na akong kasama at kausap madaldal ako at makulit. hahaha kaya ikaw ang magsanay hahaha baka bigla mo na lang ako ipatapon sa kung saan dahil sa kadaldalan ko. "

"Talaga edi aasahan ko na pala mawawala ang maluhalhating katahimikan nang bahay na ito haha "

Gumagalaw sya nararamdaman ko

"che hindi naman bahay to eii mansyon to ang panggap mo!  Sabi mo kanina mejo mayaman yun pala sobrang yaman nyo pala manloloko ka niloko mo ko "

Pangiinis ko sa kanya makabawi man lang hahaha

"hindi kita niloko konti lang naman inangat ko mula nang iwanan ako kaya mejo lang dba "

Pagpapaliwanag nya kahit alam nya mali sya abat hindi papatalo ang isang to

"kahit na dapat sinabi mo agad nagsout sana ako nang maayos para hindi ako napagkamalang katulong at hindi ako mukhang tangang manghang mangha kanina sa ganda a nang mansyon nyo.  Diba diba mali ka talaga eii!"

"hahaha Lucy ang Daldal mo nga sana nga ay tutuboan ako ng pagkairita sayo sa sobrang kadaldalan mo pero mukhang mabibigo ako kasi mukhang magsisimula ako magustohan ang kadaldalan mong babae ka! "

Ayan nanaman ang puso ko humahataw nanaman ang tibok neto anong gagawin ko?  Ano sasabihin ko tulong naman! 

"che nambobola ka nanaman alam ko maganda ako wag mo na ipagduldulan sakin tanggap ko na talaga!"

Pagbibiro ko para mawala ang awkward na sitwasyong kinalalagyan ko

"hindi ko sinabing maganda ka ang sabi ko madaldal ka sobrang daldal!"

Natatawa pa syang lumapit sakin naramdaman ko yung bango nya ay kumakapit sa ilong ko at palapit ng palapit patapang na patapang ang amoy grabe pang lalakeng pang lalaki

Nakaramdam uli ako nang paggalaw pero ang sumunod ay hindi ako naging komportable dahil naramdaman ko ang kamay nya ngayon ay nakayakap na sa tyan ko

GRABE LORD YUNG PUSO KO LALABAS NA ATA!!!  GUSTO NYA NANG BUMUKOD SA KATAWAN KO

WANTED : MOMMY (EDITING)Where stories live. Discover now