chapter 28

17K 336 7
                                    


Nang makalabas kami sa hospital, dumeretso kami sa isang mamihan.
Sa una ay pinagtalunan namin tong tatlo.

Pero ang nanalo ay Ako! hahaha makakapalag ba sila malakas to!! 

Masayang masaya ako, dahil nakakain ako nang mami.
samantalang ang dalawang lalaking kasama ko ay hindi maipinta ang mukha nila. hahaha

"Anak? baka makasama sa mga baby ang mga pagkain dito. hindi tayo nakaksigurong ligtas ang pagkain dito! "nagaalalang sabi ng ama ko.

alam ko na dahilan nya lamang iyon para matutulan ako, samantalang nakaka tatlong sinangag na ako. hahaha

"Glen at papa! kainin nyo na yan baka lumamig, baka pag nakain nyo yan di na kayo kumain sa mamahaling restaurant.hahaha "

Napabuntong hininga ang dalawa at napipilitang kumain.
Nang masubo nila ang tagisang kutsara nang pagkain, parehas ding nanalaki ang mata nila. hahaha

"Aba! oo nga sobrang sarap ah "  manghang puri ni papa

"hahaha oo nga! kala ko puro bacteria lang laman hahaha.  " pacool na sinabi ni chibibebe, ayaw nya lang aminin na nasasarapan talaga sya. hahaha

"sabi ko sa inyo! maganda ang taste nang mga anak ko sa pagkain!"pagyayabang ko habang hinihimas ko pa ang tyan ko.

Masagana kaming kumain, buti na lang talaga may driver kaming kasama, dahil may magddrive haha busog na busog ang dalawa sa pagkain.

Habang nasa sasakyan kami ay humiga ako sa binti ni chibibebe. 

"Chibibebe paguwi natin sa bahay pagbalat mo ako mangga ahh! tapos kunin mo sa kwarto yung tinatago kong bagoong. hahaha "nagugutom nanaman ako sa iniisip ko, ano ba naman yan.

Ang sarap talaga sa pakiramdam na may nagaalaga sayo.

"Sige! basta iinom ka nang gatas bago ka matulog okay? "may autoridad sa pagkakasabi nya nun.

Naluha ako sa kondisyong binigay nya,
Simula nagbuntis ako sukang suka na ako sa gatas.

"*Sob* ako na lang gagawa *sob* okay na masugatan ako *sob* kesa masuka ko lahat nang masasarap na kinain nang mga babies ko .*sob* huhuhuhu " pagiinarte ko na alam kong hindi nya matatanggihan

3...

2..

1..

"Hush baby gagawin ko na okay? tumahan ka na okay? Wag ka na umiyak andito na tayo ohh! "
Natataranta nyang sinabi

"manong kunin mo yung mangga paki deretso sa kusina " utos nya sa driver namin

Yun lang ang sinabi nya at inalalayan na ako bumaba nang sasakyan.

Hahaha panalo nanaman ako sabi sa inyo kumapit kayo sa may kapangyarihan,  papalag ba sila? sa laki nang tyan ko?hahaha

Tuwang tuwa nanaman ako, sabay kaming papasok sa bahay, nang makarinig kami nang sigawan.
nauna na si papa sa loob nasusuya daw sya sa kasweetan namin.hahaha

"SURPRISE TITO!!!!!!!  "

baritong boses mula sa loob nang bahay para ako natulos sa kinatatayuan ko.

Nanigas lahat nang ugat at laman ko, tumitibok ng mabilis ang puso ko.

Hindi ako pwede magkamali, hindi ang boses na yun! ang boses nang lalaking naguulit ulit, nang masasakit na salita sa isip ko, sa panginip ko at nagtatak sa buhay ko.

Unti unti ko nilingon si Glen, alam nya! may alam sya! madilim ang mata nyang nakatitig sa bahay, lalo humigpit ang pagkakayakap nya sa beywang ko.

"Alam mo may alam ka!? bakit di mo ako nilayo? " nagmamakaawa at Naluluha kong tanong.

"baby kumapit ka sakin, ilang beses ko ba sasabihing di kita pababayaan? wala kang dapat ikatakot nasa tabi mo ako. "

Kaninang inis na nararamdaman ko, ay napalitan nang lakas nang loob, dahil sa sinabi ni chibibebe.

ipinagpatuloy namin ang paglalakad.

"Ipakikilala ko kayo sa anak ko, tyaka ang nobyo nya pagkapasok nila  " excited na sigaw ni papa.

Rinig na rinig namin ang sigawan nang may tatlong tao, may bata malamang ay si Grey yun, masaya sila masayang masaya.

Kumapit ako nang mahigpit kay glen, sa taong alam ko hindi ako iiwanan.
Ito na ba ang panahon para makita ko sila?  

Unti unti uli kami naglakad papasok sa bahay masaya ako ngayon araw at itutuloy ko iyon, kahit anong mangyare.

Nang makapasok kami, natagpuan namin silang nasa Sala.
naglakad pa kami nang sumigaw ang Driver na umagaw nang atensyon nang lahat.

"SIR GLEN KAY NAILAGAY KO NA ANG MANGGA DINE, UNA NA AKO SIR "

Pagkatapos ay kami naman ang nilingon nang mga bisita.

Nakita ko pa kung paano manlaki ang mata, nang isang boung pamilyang nakatingin sa amin ngayon.

Ang mata ni zerep mula sa pagkakagulat ay napalitan ito nang mababang mata puno nang galit at sakit.

Hinanap ko si Rea, pero wala sya asan sya?  Bakit hindi sya kasama nila Grey?

Nakaramdam ako nang paghapit ni Glen, kaya agad na kami dumeretso sa kusina.  nang makita kami ni papa ay agad kami sinabihang daluhan muna ang mga bisita.


WANTED : MOMMY (EDITING)Where stories live. Discover now