chapter 33

17.7K 344 14
                                    


Lumipas ang mga araw at patuloy ko syang pinapahirapan, pero matibay ang loko.

Miss na Miss ko na si Glen,
Naisin ko man na araw araw nandito si Glen, ay hindi pwede naging malamig sya simula lumipat dito si zerep.

Naalala ko pa nung huling tambay ko sa manggahan.

"Bilisan nyo na kasi naglalaway na ako!! " sigaw ko sa dalawang nagtitigan pa rin nang masama.

"Ako na magbabalat! " sabi ni Zerep

"Hindi ako na! mamaya marumi pa ang kamay mo. " pakikipagtalo naman ni Glen

Nagpatuloy sila sa ganun, hanggang inabot ako nang gutom. 
Sa huli si zerep ang nagbalat at si Glen ang umakyat sa puno, si grey naman ay nagaaral nang maayos gusto nya raw maka section one.

Laging ganito ang scenario sa bahay, minsan nakakapagod na kaya si Glen ay sumusuko na.
Samantalang si Zerep naman ay nakikipag kompetensya pa rin.

Nakakasawa na minsan, nagiging dulot sila nang pag kastresss ko,
Umabot nang pitong buwan ang tyan ko,  lagi na ring sumasakit ang balakang ko kaya lagi silang nagtatalo.

Naglalakad lakad ako, hapon na yun ng byernes.
Nang makita ko si Zerep sa likod nang puno at nakikipag usap.

"Rea ano pa bang problema mo?  Tigilan mo na paninira mo kay Lucy!  Isang beses na ako naniwala sayo! nasira mo ang buhay ko, buhay nang magiging asawa ko at magiging anak ko! " gigil na gigil na sabi ni zerep

Alam ko na masama makinig sa usapan nang iba, pero uhaw ako sa impormasyong meron sa kanila, kung bakit nagkaganito ang pagsasama namin.

"Oo at ang gago ko kasi naniwala ako sayo!tigilan mo na at alam ko na ang totoo! sinabi na ni tito sakin na pinasusundan nya talaga si lucy, hindi dahil matagal na silang realasyon kundi dahil sa pamilya mong walang kwenta! At hindi mo na ako matatakot ngayon dahil alam ko na lahat !!! "  napupuyos sa galit si Zerep

Anong meron ? Pinababantayan ako ni papa laban sa pamilya ni rea? bakit ano ba meron sa pamilya nya?

Ano yun? Nang mapagtanto ko kung anong pamilya meron sya tyaka ako kinabahan.

Isa syang Vasquez? 

Nagulohan ako lalo sa narinig ko, alam nya na Vasquez si rea. ano pinanakot ni rea bakit nya to ginagawa? 

"itigil mo na pagiging desperada mo! isama mo na si Glen para matigil na ang pagpapangap nya dito, dahil kahit si tito alam na ang kagagohan nyo! Mga tuta kayo nang Vasquez at nagtulong kayong dalawa para paghiwalayin kami, dahil sa baliw mong nobyo! hindi! hindi na Rea kaya kung maari ay wag ka na ring tatawag sa number ko! "

Tila isang bombang sumabog, ang bawat detalyeng nalaman ko rebelasyon na umuukit sa puso ko.

Si Glen? Si Glen na nagalaga sakin? kasali sya, alam nya?  ano motibo nya bakit ganun?

Unti unting tumulo ang luha ko sa sakit nanararamdaman ko bakit?  Bakit parang pakiramdam ko napagkakaisahan ako? lahat ng nanakit sakin ay ang mga taong mahal ko, bakit ganito bakit? 

Hindi na napigilan ang hikbi na gustong kumawala sa aking bibig, kasabay nang pag buhos nang tila ilog na luha sa aking mga mata.

Kaya ako nasaktan ay dahil kay Glen at rea.
walang kasalanan si zerep, ibig sabihin ang taong pinagkatiwalaan ko nang lubos lubos ay ang taong walang pusong gumawa nang paraan para madurog ang boung pagkatao ko, sa galit sa taong mahal ko?

Unti unti nanlambot ang tuhod ko, kaya napaskwat ako habang umiiyak. nakalimutan ko na nakikinig ako kay zerep, narealize ko lang yun nang makita ko sya sa harapan ko.

"narinig mo ba ang lahat?" mababang boses ang gamit nya.

Tumango ako para makumpirma ang sinasabi nya. di ko na kaya sumagot.

"Sorry Hon, di ko alam kung paano ko sasabihin sayo ang lahat, natakot ako sorry hon, kinain ako nang selos ko, kaya lumayo ang loob ko.
dahil sa mga maling impormasyong sinasabi ni Rea, nang isang beses kitang sundan ay lalo kong nakumpirma,  tama sya dahil naabutan ko kayo magkayakap "  pagpapaliwanag nya

Pinagmamasdan ko ang kanyang mga mata na nagmukhang talon, dahil sa sunod sunod na pagdaloy nang luha.

Ang lalaking mahal ko ay nasa harap ko. ngayon umiiyak, dahil sa pagkakamali nya hinding hindi ko sila mapapatawad! dahil sa paglalaro nila sa buhay ko! sa buhay nang mga anak ko! 

Agad ako tumayo para dalohan ko si Zerep, nang makaramdam ako nang mabilis na paghilab nang aking tyan.

"Ahh ahh yung tyan ko! " 

Nataranta si zerep sa pag inda ko nang sakit, kaya agad nya ako binuhat papasok nang bahay.

WANTED : MOMMY (EDITING)Where stories live. Discover now