chapter 29

17.2K 370 12
                                    

Kung mamalasin ka nga naman talaga!sinununod namin ang gusto ni papa, humarap nga kami kila Zerep.

Nanlaki lalo ang mata ni Grey, nang makita ang tyan ko agad sya lumapit sa akin.

"Mommy i missed you so much! huhuhuhu di mo lang alam kung ilang buwan na ako umiiyak bago matulog. kasi- kasi iniwan mo ako, mommy? baby po ba tong nasa tyan mo? " may pagka mangha sa boses nang bata habang nakahawak sa tyan ko sobrang laki.

Nagtaka ang aking ama sa sinabi nang bata, maski ang iilang katulong na nandun

Nilingon ko si Glen at tinangohan nya ako kaya nagsimula na ako magsalita sa masayang tuno.

"Yes kuya! may mga kapatid ka na kay mommy at babies, kasi tatlo sila dyan tignan mo malaki." tuwang tuwa ko pinaliwanag sa kanya. 

Ang bata ay nanlalaki pa rin ang mata nya sa pagkamangha halos di nya masara ang bibig nya.

"narinig mo yun daddy! may kapatid na ako hahaha " mayabang nyang sabi sa daddy nya, Tyaka nya nilingon ang daddy nya

"kapatid mo yan Grey, kung akin yan. " malamig at mababang sagot ni zerep

"Edi hindi mo sila kapatid Bata, kasi ang mga babies na nasa loob neto ay galing sa akin. " lalaking lalaking sagot ni Glen hinimas himas nya pa ang tyan ko, naku yare hinimas nya nanaman.

Nagsimula na magumbokan ang mga siko at tuhod nang babies ko. dahil ang humahapit sa katawan ko ang damit, kitang kita nang lahat yun.

Ganun talaga ang mga babies pag hinihimas sila ni Glen.
para bang alam nila na si Glen ang humahawak, kasi tumutugon sila.

"Kita mo bata? gumalaw sila kasi hinawakan sila nang daddy nila. "
Mayabang na sabi ni Glen haha mamaya papalakpakan ko ito

Lalo namangha si Grey sa nasaksihan.

"Magkakakilala pala kayo hahaha tara na kumain na kayo at doon tayo makapagkwentohan. "

Nilingon ko si Zerep naabutan ko syang masama ang titig sa akin.
mamatay ka kakatingin letche!

"Mauna ka sa lamesa kukunin ko lang bagoong mo, alam ko kung saan mo yun tinatago "  nakangisi pa sya

"haha sige bilisan mo lang ahh! "
Sumunod ako sa mga nauna nang magkapantay kami ni Zerep ay hinwakan nya ang braso ko

"Anak ko ba yang dinadala mo?! " matigas nyang bulong.

Hinawi ko agad ang kamay nya at tyaka sya sinagot

"Haha paano mo naman nasabi yan?  Haha baliw ka ba? diba si Glen ang KALAGUYO KO? hahaha pero joke lang. haha umalis ako sa bahay mong hindi buntis. wag ka magalala! well kung ayaw mo maniwala pwede ko naman ikwento sayo paano namin ginawa." nakangisi kong sagot sa kanya kaya tumalikod na sya.

Pero ang totoo ang bilis nang pintig ng puso ko, ay parang matatanggal na sya.   isang pintig na lang malalaglag na sya.
nanginginig ang mga tuhod ko, kaya minaigi ko na ang sumandal muna at huminga nang malalim.

Hindi ko alam kung saan ako humugot nang tapang at lakas para magawa yun, pero nagawa ko pa rin.

Nang makaupo na kaming lahat sa hapagkainan ay agad nagsalita ang aking ama.

"So saan kayo nagkakilalang lahat? "
Nilingon sya nang inosenteng bata at sumagot

"Ahh si mommy po ba lolo?  Nahanap ko sya dati,  napagkamalan ko na sya ang nanay ko pero sinabi nya hindi sya tapos nagtrabaho sya kay daddy, bilang mommy ko! pero hindi sya sumahod kasi nung umalis sya binalik nya sa daddy ko ang lahat nang pera nya.  " simpleng pagpapaliwanag ni Grey

"Tapos nung umalis sya ay nagiwan sya nang sulat sa akin at bitbit ko yun araw araw. hindi ko pa yun kaya basahin kaya hindi ko muna papabasa sa kahit na sino haha. " malungkot na pagkkwento ng bata.

Napalingon naman sa kanya si Zerep na nagtataka, hindi nya siguro alam na nagiwan ako nang sulat kay Grey.

Nang lingonin ko si papa ay parang mas nagulohan sya, sa sinabi nang bata.
natawa naman ako nang makita kong nakatakip nang bibig si manang sa gilid. hahahah

" baby! bakit naman doon mo tinambak lahat nang bagoong baka naman langgamin tayo sa kwarto.  "
Pagalit na sabi ni glen na kakarating lang hawak ang isang grapoong bagoong

"Haha Chibibebe naniniguro lang ako hahaha " sobrang kyut nya di ako kinakabahan pag galit sya.

"Ay ewan ko sayo! sumubo ka muna jan magbabalat na ako nang mangga mo " galit pero magbabalat awww.

Nang magsimula sya ay natuwa ako, kaya binilisan ko kumain nang mapalingon ako kay zerep, may lungkot sa mga mata nyang nakatingin sa mga manggang binabalatan ni Glen.

Sayang kung sana minahal mo ako! ikaw sana nagbibigay nang pangngailangan nang mga anak mo! hindi ang ibang tao.

WANTED : MOMMY (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon