chapter 22

17K 355 12
                                    


Di ako makapaniwala sa nakikita ko! grabee! totoo ba?  pakiramdam ko luluwa yung mata ko, sobrang panlalaki.

Ommoo!! 

"Ms suarez ako si Doctor Guzman.  sasusunod ay magiingat ka na, pasalamat ka makapit sila, kung hindi ay malamang nabawasan na sila! " mahinahon pero may pananakot sa pagkakasabi ng doctor.

Ano daw sila? 

"Ano hong sila? " pagtataka ko, kasi baka namamali ako ng dinig.

"Hindi nyo ho ba alam? tatlong sangol ang dinadala mo! kaya kailangan mo nang matinding pagiingat! isang buwan at kalahati ka nang buntis, kaya magiingat ka yun lang. excuse me "

Umalis na ang doctor

Habang ako ay naiwang nakatunganga sa mga nangyayare tatlo?!

Abah kaya pala ang takaw ahh! Tatlo pla kayo jan ahhh! haha kapit lang mga babies

"Ayos ka lang yucy nababaliw ka na ba?  Bakit ka nakangiti?  " nagtatakang tanong ni Kulay Glen

Nagulat ako biglang nagsalita si glen sa gilid ko.

"hahaha hindi! masaya lang ako! imagine!?tatlo agad silang sabay sabay na dadating sa buhay ko haha!! "

Tuwang tuwa ako nakatingin sa mukhang chibi na si Glen. hahaha

Nang may umubo napabaling ako sa matandang kasabay nang doctor kanina.

"Glen anak, iwan mo muna kami kung ayos lang? " pakikisuyo ng matanda

"Opo tito, lucy babalik ako ahh!magpahinga ka muna!"

Bago sya umalis ay hinalikan nya ang sintido ko.
naghugis puso naman ang mata ko, kasi imagine nakiss ka nang chibi? hahaha ewan!  mukha syang emoji sa paningin ko.

"Anak "

Nahihiyang turan nang matanda,
Inihanda ko na ang kamay ko para sa malaking yakap.

"Papa hindi mo ba ako yayakapin? "

Naiiyak ang matandang mabilis akong niyakap.

Ang sarap naman isipin na may tatay pa ako, pag mamayari ko talaga.

"anak patawarin mo ako! natakot ako na saktan ka nila! kaya hindi kita nakuha agad! " puno ng pagsisi ang bawat salita na  sinasabi ni papa.

Katulad kanina, ay nakikinig lang din ako sa sinasabi nya.

" ano po bang nangyari? gusto ko po malaman, para tuloyan po akong malinawan. "

Pagtatanong ko, nagliwanag ang mukha nya at inumpisahan nya na nga magkwento.

"Dati kong matalik na kaibigan si albert at brenda, ang tinuring mong mga magulang. sobrang tindi ng pagsasama namin, kaya hindi ko akalain na dudukotin ka nila. para sa pera dinukot ka nila at humingi sila nang ransom 15million, binigay ko agad.
napagalaman ko kasi na natalo ang pera nila sa casino,  pero mali na nagbigay ako dahil gumastos na ako nang daang milyon. hindi ka naman nila isinauli sa akin. Ilang taon anak, ilang taon ka naming hinanap "

Naiiyak na ako sa kinikwento nya

"kaya nang malaman ni glen na namamasukan ka bilang katulong, sa isang mayaman ay agad nyang sinabi sa akin. tyaka naman ako humanap nang pagkakataon, para malapitan ka anak. gustong gusto kita yakapin doon, pero ayaw ko na layuan mo ako sa takot."

Hindi pala sinabi ni glen, kung ano ang totoo kong trabaho roon.
Pagpapaliwanag nang matiwasay nang matanda.

" nakakatuwa na nakita kita, kung kailan kailangan kailangan mo kaming pamilya mo! haha hindi ako makapaniwala magiging lolo na ako! "
Tuwang tuwa nyang sinabi

"Hindi ko na uli hahayaan na magdusa ka anak,  sana mapatawad mo ang papa ahh!sya nga pla sino ang ama nang mga apo ko ?" usisa nya.

Tanging yuko lang ang sinagot ko,  tila walang salitang gustong lumabas sa bibig ko. itinikom ito nang sakit, poot at pagkamuhi.

Hindi ko namamalayan na lumuluha na pala ako. naging hudyat yun nang paglapit nya pinunasan ni papa ang mga luha ko.

"napakaganda mo iha! kamukhang kamukha mo ang iyong ina. kahit sa pagluha'y ay parehas kayo, parehas din kayong hindi ko kayang panooring umiiyak. hayaan mo iha wag ka na umiyak, kaya natin silang palakihin na walang tulong nang ibang tao. "

Niyakap ko muli si papa,
doon na nagsimula ang paghagulgol ko.

"Papaaa! ang hirap nang pinagdaanan ko! " hikbi at hagulgol ang lumukob sa boung kwarto, habang kinikwento ko sa kanya ang lahat nang nangyare sa akin.

Para akong bata, na ngayon lang nakauwi at walang ginawa kundi magsumbong sa magulang kung paano ako inapi ng ibang tao.

"shhh! tahan na anak...  hindi yan mkakabuti sa mga apo ko, magpahinga ka muna at babantayan ka rito ni glen. tyaka ng taohan ko sa labas, aasikasohin ko lang ang tutuloyan mo, pag alis mo rito. " parang sinisigurado nya saking uuwi din sya, at di na aalis pa.

"magiingat ka papa! "Malungkot kong turan

"syempre anak! ngayon pa bang alam ko na nasa tabi na kita? magpahinga ka na!" hinalikan nya rin ako sa sintindo, tulad nang ginawa ni glen kanina.

Lumabas sya sya ring pagpasok ni glen

"Yucy inaantok na ako." nakasimangot nyang sinabi

"Hahaha halika rito! matulog ka sa tabi ko, kakantahan pa kita! "

Natawa sya sa idea ko! haha parang magaalaga nanaman ako nang isip bata haha

Si Grey kaya kamusta na sya?  Nabasa nya na kaya ang sulat ko?

WANTED : MOMMY (EDITING)Where stories live. Discover now