chapter 38

18.1K 310 6
                                    


Pawis na pawis na ako, Nang makita ko syang tumayo.
tinakbo ko uli ang pagitan namin, kailangan ko syang maunahan!

Hindi ko nakita na may hawak na syang dos por dos, agad nya hinampas sakin yun, tinamaan ang kanang braso ko.
Napaatras ako sa sakit.

Palapit nang palapit ang naririnig kong putokan.

Akmang hahampasin nya uli ako, sinalag ko iyon at pilit na kinuha sa kanya ang kahoy.

Hinagis ko ang kahoy sa malayo, dahi di ko na iyon kayang gamitin isang kamay ko na lang ang magagamit ko. dahil napalo ang isang braso ko kanina.

" Ikaw ang may kasalanan nang lahat! lucy masaya na ako eh! mamahalin na ako ni Glen! tapos dumating ka  nagkaroon pa nang kondisyon bago nya ako mahalin! nang dahil sayo nalaman nyang Vasquez ako! Lumayo na ako para mabuhay nang payapa, pero tama sila dapat matagal ka nang pinatay, dahil perwisyo ka! "

Napuno ako sa sinasabi nya, boung lakas ko sya sinapak. tangina nyo! kayo nang lahi mo! pahirap kayo sa buhay ko, hinding hindi na mauulit yun, dadaan muna kayo sa bangkay ko! bago nyo magawa yun sa anak ko.

Nakatulog sya sa sapak ko.
Kasabay nang pagpasok nang dalawang lalake.

"Bilisan mo Lucy kunin mo na si Violet!bago magising si Rea! " pasigaw na sinabi ni glen

"Wag ka sumigaw, dahil sayo kaya magigising yan! " pagalit na sinabi ni zerep

Nang makita kong tulog na tulog si violet ay binuhat ko na sya papunta kila Zerep.

Anak kumapit ka lang! ililigtas ka ni mama. hindi hahayaan ni mama na maging katulad kita. 

Parang nagslowmotion ang bawat pangyayare sa akin.
ang pagtakbo ko papunta kay violet at ang pagkuha ko sa kanya, tibok lang nang puso ko ang naririnig ko.
nakikita ko pang nagtatalo ang dalawa
bumubuka ang mga bibig nila, pero wala akong naririnig. tangi ang tibok nang puso ko at hirap na paghinga nang anak ko.

Jusko wag nyo po pababayaan ang anak ko! 

Habang tumatakbo ako ay nakita kong tumatakbo rin si Glen. slow-motion talaga ang nangyayare,  may sinisigaw syang di ko naririnig si Zerep naman ay bumunot nang baril at kinasa ito.
nakatingin sa lugar na medyo malayo nakaramdam ako nang init sa tagiliran ko at ang unti unti netong paghapdi kasabay nun ay alingawngaw nang putok nang baril.

"BABYYYY NO! "

hindi ko namalayan ang pagyakap sakin ni Glen at ang unti unti panunuot nang sakit sa kanyang mukha,  sunod sunod na putok ang narinig ko.

Kasunod nun ang paulit ulit ring putok nang baril.

Bumagsak si Glen sa harapan ko
Umagos ang dugo mula sa kanyang likod, na tila buhay na umaalis sa kanyang katawan.

Mabilis ding kinuha ni Zerep si Violet sakin at pagpasok nang iilang pulis,
Hudyat na maari ko nang lapitan si glen.

"Glen tumayo na dyan! hindi to joke time wag naman dito! "

Ngumiti sya at agad na hinawakan ang kamay ko.

"Baby mahal na mahal kita, bata pa lang tayo sinumpa ko na ikaw ang mapapangasawa ko, baby ginawa ko lahat nang mali maligtas ka lang, kaya sana mapatawad mo ako naging makasarili ako, gumamit ako nang tao, mailayo ka lang sa kulungan mo. "

Nanginginig na ang boung katawan ko, Naghalo na ang luha ko sa mga dugo ko sa Mukha.

"No Glen tumayo ka dyan? wag ka magsalita nang ganyan dadalhin kita sa hospital! "

"Baby wag na, sapat na tong kaparusahan ko. ramdam ko na hindi ko na kakayanin, kaya wag ka na magaksaya nang oras, yakapin mo na ang chibibebe mo! " ngumiti pa syang pagkatamis tamis sakin  kahit na bakas na bakas sa kanya ang sakit

"Glen naman eii! tumayo ka Dyan wag ganito! di mo ko iiwan diba? di moko iiwan Glen, mahal mo ako at mahal mo si red si blue at si violet. Mahal mo kami please Wag ganito! " hindi na ako nauubosan nang luha, kahit na hirap na hirap ako dahil sa sakit ay mas kinaya ko para kay glen.

"Lagi mong tatandaang mahal na mahal kita, sobra sobra! kaya sana kahit, kahit ngayon lang, baby manatili ka sa tabi ko. ikaw ang gusto ko makasama hanggang sa huli kong hininga ko. " 

Patuloy ang pagaagos nang luha ko. nakayakap sya sakin unti unting nanghina ang katawan nya.
Ang kamay nyang nakayakap sakin ay bumagsak na.

"Glen glen GLEEEEEENNNNNN!!!  "  ang iyak ko kanina ay naging hagulgol na

WANTED : MOMMY (EDITING)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt