chapter 19

15.9K 374 17
                                    

Hindi ko alam, paano ko nakakayang panoorin ang lalaking mahal ko.

Nakatayo syang walang saplot, nakatalikod sya sa akin. habang ang babaeng sumira sa kaligayahan ko ay nalauhod sa kanyang. harapan patuloy ito sa kanyang ginagawa habang ang lalaking mahal ko ay nakatingala na at patuloy sa pagunggol,
Hindi nagtagal ay inihiga nya na si rea.

Hindi ko na kinaya na panoorin pa ang mga sumunod na pangyayare, tumakbo akong umiiyak para makapunta sa kwarto ko.

Siguro ay tapos na ang kontrata ko.
Inayos ko na ang mga gamit ko, nang maisip ko si grey.

Paano na ang pangako ko sa kanya? paano ko yun gagamapanan?  Siguro ay sapat na nandyan ang tunay nyang ina.
kita ko naman na masaya sila, masaya sila sa umaga, tanghali at sa gabi.
hindi na ako kailangan dito.

Nang makakita ako nang papel ay agad kong naisip na sulatan si grey, tama! kailangan alam nya na mahal ko sya, mahal na mahal ko sya bago ko sya iwanan.

Dear Grey,

        Hi anak! alam ko sa mga oras na binabasa mo na ito ay wala na si mommy. sa tabi mo oo anak pero alam ko sa puso mo nandyan si mommy. aamin si mommy na binayaran ako nang daddy mo, para bantayan ka anak pero sa simulat simula palang mapulot kita ay totoo ang pagmamahal na pinakita ko sayo, totoong pagaalaga at pagiingat, totoo lahat nang pinakita ko sayo! ikaw ang unang tao nagparamdam sakin na kailangan mo ako, pero alam ko na nanghihiram lang ako kaya ngayong alam ko na. Na masaya ka sa tunay mong nanay, ay hahayaan ko na kayo lumigaya anak. kahit hindi ka nagmula sa akin ay mahal na mahal kita! kahit magkaroon ako nang sariling pamilya ko malayo sa inyo hindi ko kakalimutan na ikaw ang unang anak ko. sana wag mo kakalimutan si mommy ahh? kahit na masaya ka na sa tunay mong mommy.  anak aalagaan mo ang katawan mo ahh?! kumain nang marami! gumising nang maaga, magaral ka nang mabuti aalagaan mo ang sarili mo, kasi wala na si mommy wala nang magpprotekta sayo.
kaya sana anak wag mo pababayaan ang sarili mo, kahit na ipagtanggol ka pa nang ibang tao ahh! mahal kita anak totoong totoo mahal na mahal kita

Nagmamahal
Mommy

Pagkatapos ko magsulat, ay sinilid ko na agad ito sa drawer.
bukas ko to ilalagay sa unan nya ihahatid ko muna sya bago ako umalis. hindi ko sya kayang titigan habang umaalis. kaya dapat wala sya rito sa araw na yun.

Pinikit ko na ang mata ko, kahit alam ko na mahihirapan ako matulog dahil sa nakita ko kanina.

Unti unti na rin akong kinain nang antok.

Kinabukasan

Paggising ko ay masaya kong inasikaso, ang almusal ni grey.

Nang makababa sya ay kinausap ko agad sya.

"Anak! kain ka na singag at itlog, may ham ohh! niluto ko to para sayo. "
Masigla ko pagkakasabi

Napatingin sakin ang bata at nagtaka, ngunit kinain nya rin naman ang niluto ko tuwang tuwa ako

"Grey anak hahatid kita ahh! hintayin mo ko dyan, hugas lang ako nang kamay! " nagmamadali kong sabi

"Okay "

Yun lang ang sinagot nya, pero tuwang tuwa ako sa kasi kinausap nya na ako kahit papaano.

Mahaba ang beyahe namin sa araw na ito, dahil may traffic.
Kanina pa ako daldal ng daldal, kahit di sya sumasgaot ay alam ko na nawiwierdohan Sya sa ginagawa ko ngayon.

"Anak alam mo ba kung paano magpunas nang pawis? " usisa ko

"yeah" sumagot sya na parang di interesado sa sinasabi ko.

"alam mo ba kung paano magtimpla nang gatas? " pangungulit ko

"Yeah"

Patuloy ang mga tanong ko hanggang sa makarating na kami sa paaralan

Bumaba si grey ay bumaba na rin ako.  Agad ko syang niyakap.

Ilang minuto bago ako lumayo,
samantalang ang bata ay nagugulohang nakatingin sa akin.

"magiingat ka lagi anak ahh! mahal na mahal kita! paniwalaan mo man ako o hindi. "

Ngunit parang wala syang narinig sa mga sinabi ko, tinalikuran nya ako at mabilis na naglakad palayo sa akin ang bata.

Habang patuloy sya sa paglalakad ay hindi na napigil ang luha ko, patuloy na tumulo nakikita ko ang anak ko na lumalakad palayo sakin.
malayong malayo na sya hindi ko na maaabot pa.

Ikaw ang unang nagparamdam sa akin na bou ako anak! hinding hindi kita kakalimutan poging si grey!

Patuloy pa rin ang mga pasaway na luha sa aking mata. 

WANTED : MOMMY (EDITING)Where stories live. Discover now