chapter 23

16.3K 342 6
                                    


Nakasibangot man, ay nilapitan pa rin ako ni Glen.

"Urong doon! di tayo kakasya. "
Masungit nyang turan

Kung pagmamasdan mo sya, ay parang may tatlong araw na syang hindi  natutulog.

"Glen? kung hindi ka talaga teacher anong totoo mong trabaho? "
kuryoso kung tanong, malay mo diba?

Tumagilid ako para makahiga sya sa tabi ko,
nang makaayos na sya ay tumagilid din sya, yumakap sya sakin at pumikit na.

"Tss negosyante lang ako, pero mas malaki nang konti sa negosyong nang dati mong amo. " nang dumilat sya ay madilim na tingin ang ibinigay nya sa akin. 

Hinigpitan nya ang yakap nya, tyaka ngumisi.

"mabilis ako mainis, pag sobrang antok na antok na ako, kaya please kantahan mo na ako. "naiirita pero naglalambing ang boses nya, para syang chibing galit haha.

Ay ou nga pala! nakalimutan ko!

" i found my self dreaming in silver and gold like a scene from a movie that every broken Heart knows we're we on walking in the moonlight and you pulled me close split the second and you disappeared and then i was all alone "

Ito yung unang kanta na narinig ni zerep na kinanta ko.
sakit lang kasi totoo ung kanta, in just a second and you disappeared, kung gaano ako kabilis naging masaya, ganun din sya kabilis nawala.

"I woke up in tears with you by my side A breath of relief and I realized
No we're not promised tomorrow "

Nung isang umaga lang masaya kami.
gumising at matulog, sabay kami laging kumain.
ngayon, wala na sila sa tabi ko, tanging ito mga babies na nasa tyan ko lang ang natira sa akin, pero kontento na ako, masayang masaya na ako.

"So I'm gonna love you like I'm gonna lose you  I'm gonna hold you like I'm saying goodbye
Whenever we're standing i won't take you for granted cause we'll never know when we'll run out of time
So I'm gonna love you like I'm gonna lose you I'm gonna love you like I'm gonna lose you "

Hindi na kinakaya nang puso ko,
pagnaalala ko yung araw na umalis ako. wala na, Wala na lahat kasi binitawan ko at binitawan ako.

"In a blink of an eye , just a whisper of smoke ,
You could lose everything , the truth is you never know "

Bawat bigkas ko sa mga salita ay nasasaktan din ako,
buti na lang talaga nilubos lubos ko bawat minuto nung panahong magkakasama pa kami.

" So I'll kiss you longer baby, any chance that i get I'll make the most of the minutes and love with no regret "

Lalong nanikip ang dibdib ko,
nang maalala ko, kung paano ko binigay ang sarili ko sa lalaking mahal ko, yung mga gabing punong puno kami nang pagmamahalan.

naalala ko din yung gabing nakita ko sila ni rea, gabing tinigil ko na ang pagiging multo ko sa bahay nila.

Habang kumakanta ako, ay di ko mapigilan ang pagsinghot, dahil na rin sa patuloy kong pagiyak. Di ko na talaga kinakaya ang mabibigat na alalang tumatak sa isip ko.

Nawala ang iniisip ko, nang mas lalong humigpit ang pagkakayakap ni glen.

"hussshhh. tumahan ka na.. kesa makatulog ako sa kanta mo, nawalan na ako nang gana ang panget kasi nang boses mo! " Naiinis nyang sabi.

Sinimangutan ko sya sa sinabi nya.

"kaya hindi na muna ako matutulog, ikaw na muna ang matulog.
masyado ka kasing bida bida! gusto mo ikaw lagi ang makakatulog! isang araw na akong walang tulog kakatitig sayo patulogin mo naman ako! "

Natawa ako sa sinanabi nya, naawa ako na ewan, pero mas nanaig ang natatawa ako maliban sa mukha syang chibi sa paningin ko cute cute nya pa mainis.

"Matulog na tayo okay?  Akin na yang unan, dito ka hihiga sa muscle ko okay ba?  "

iniisahan pa ata ako neto ahh!
agad nyang kinuha ang unan ko at inihiga nya ako sa braso nya, tila ay yakap yakap nya ako.

Sana, sana yung taong mahal ko, nagawa nya rin sakin to.
sana makalimutan ko na sya, sobrang sakit ang pinaalala nya sa akin.
sobra baon na baon yung sakit.

Kahit na nakapikit ako, ang ingay pa rin nang isip ko.
natahimik lang ito nang may marinig akong himig.

"hhhhhmmm hhmmm "

Ang sarap sa tenga.
kahit na huni lang yun, ay nakakarelax at parang hinihele talaga ako.

Hinimas himas nya pa ang buhok ko, tyaka sya bumulong sa sintido ko.

"Wala nang magpapaiyak sayo Yucy, andito na si kulay Glen. "

Mananaba nanaman sana ang puso ko sa narinig nang dugtongan nya ito.

"Ako na lang ang magpapaiyak sayo! HAHAHA tulog na! "

Bwesit ka talaga hahahah

WANTED : MOMMY (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon