chapter 17

15.2K 331 7
                                    

Nang umalis si zerep, ay tuloyan nang bumuhos ang nagbabadya kong luha na kanina ko pa pinipigilan.

Inayos ko na mga damit ko, iniwan ko lahat ng binili nya para sa akin.
 

Pumasok ako sa kwarto ni grey.
Nakapatay na ang ilaw,  siguro ay tulog na ang bata. Nang makalapit ako sa kanya ay nakarinig na ako ng hikbi.

"Baby si mommy to, umiiyak ka ba? "

Binuksan ko ang ilaw at hinawakan ang balikat nya.

Inalis nya ang kumot at hinawi nya ang kamay ko.
gulat na gulat ako sa ginawa nya sakin.
bakit galit din ba sya? 

"Totoo ba mommy? na binabayaran ka ni daddy? para alagaan ako?  Hindi mo to kusang ginagawa? " nagsusumamo ang mata nya nanghihingi ng kasagutan sa mga tanong nya.

halos di ako makapagdalita sa gulat.
Maaring narinig nya ang sigawan sa baba.
nanlulumo akong sinalubong ang tingin nya.

"opo mommy! narinig ko! rinig na rinig ko na mukha kang pera! kasi ginagamit mo ako para magkapera !" napalitan ng galit ang kaninang lungkot sa mata nya

"No anak! alam mong mahal kita! diba alam mo yun? diba nangako ako sayo na hindi kita iiwan? nangako ako sayo na aalagaan kita? anak maniwala ka mahal kita! kahit hindi ka galing sa akin." 

Halos di ko na masabi ang huling salita,
hirap na hirap ako dahil sa patuloy na pagluha ng mata ko, nahihirapan ako kasi ang sakit sakit sa puso.

"SABIHIN MO MOM! TOTOO BA NA BINBAYARAN KA NI DADDY?  "

Sigaw nya habang tuloy tuloy ang agos ng luha nya,
nanghihina ako  nanghihina ako ayoko nakikita nasasaktan ang anak ko.

"ye - yes binabayaran ako ni daddy mo per-"

Hindi nya na pinatapos ang sinasabi ko

"SINUNGALING KA! *Sob* SINUNGALING KA!  AKALA KO MAHAL MO AKO? AKALA KO ANAK TALAGA ANG TURING MO SAKIN? KAHIT NA HINDI MO AKO KADUGO! YUN PALA ANG LAHAT AY DAHIL LANG SA *Sob* SA PERA!!!!!  "

Sinigaw nya lahat kahit na halos maghalo ang sipon nya sa luha nya at hirap na hirap labanan ang hikbi.

Lord! di ko na po kakayanin kung pati ang anak ko ay iiwasan ako, parang awa mo na.

di ko nakayang sumagot sa kanya.

"lahat ba mommy? lahat ba nang ginawa mo dahil lang sa pera? lahat ba nang pagmamahal mo ay nagmumula sa pera? "

Humahagulgol na ang bata,
Hindi na ako nakasagot, kahit gusto ko ipagtanggol ang sarili ko.
alam ko na bata pa sya para maintindihan ako.

"SINUNGALING KA! SINUNGALING KA!!! " sigaw nya uli

Biglang bumukas ang pinto, mula sa pagkakaluhod ko ay kitang kita ko ang galit sa mata ni zerep.

"Anong ginawa mo sa anak ko !"

Hinila nya si grey paalis sa kwarto at malakas nyang sinarado ang pintuan.

Naiwan ako magisa.
bakit di pa ako nasanay?
magisa naman na talaga ako noon pa man, wala na akong puwang sa kahit na sino. kinuha ko ang gamit ko at lumipat sa guest room.

Wala naman ako magagawa ganun talaga, kailangan ko silang pakisamahan. dahil sa pangako ko na hindi ko sila iiwan. kahit anong mangyare kasi mahal na mahal ko sila.

Nang humiga ako ay tahimik akong umiyak.

"bakit hindi mo pa kasi ako isinama sa magulang ko? bakit hinayaan mo
pa ako maranasan to? bakit ano bang malaking kasalanan nagawa ko sayo!? bakit kailangan mo ko pahirapan!? saglit mo lang silang pinahiram sakin, kinukuha mo na ba sila agad?  "

Napuno nang hikbi at hagulgol ko ang kwarto

Tumayo ako para uminom nang tubig, ngunit nakaramdam ako nang pagkahilo kaya napaupo ako bukas na lang siguro

Humiga ako uli at bumalik sa pagiyak ko

A/N : sorry sobrang ikli naubos na luha ko kakaiyak bukas naman

WANTED : MOMMY (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon