Chapter 1

32.4K 670 18
                                    

Lucy's point of view

Binibilisan ko na ang pag bibihis, kasi kailangan ko na talaga magmadali para makapasok pa sa susunod ko pang trabaho.

Tss! 6 hours nanaman ako liliit nanaman ang sasahorin ko nito!! Nakakainis naman kasi lagi na lang talagang traffic sa Edsa, kaya lagi akong late. Mas better naman sisihin ko si edsa kesa yung sarili ko 'di ba? Hahahahaha nagagawa ko pa talagang lokohin yung sarili ko kesa magmadali.

Natatawa kong tinapos ang pagaayos nang makaalis na.

Sa gitna nang napaka bagal na usad ng mga sasakyan, mapapaisip ka na lang talaga bakit ka naging tao kung pwede namang daga na lang, tapos wag na lang pala kasi mas mahirap sa tao 'yon.

Bakit naman kasi may mahihirap pa sa mundo, nakakainis naman talaga, woy yawa! Nakakasawa na maging mahirap araw araw, kung pwede naman na every other day.

Nang makababa sa sasakyan, derederetso ang lakad ko papasok sa likurang parte ng fast food chain na pinapasukan ko nang may humila sa pantalon ko.

Hindi ko po makita ang daddy ko. humihikbing reklamo ng batang lalaki. Pupwede po ba magpatulong?

Lalong naghinagpis ang batang lalaki.

Maliit ito at maputi, kulot ang buhok at may kahabaan din. mapula ang labi at may makakapal na pilikmata. Sa tantya ko ang bata ay nasa apat o limang taong gulang na. Aba'y napaka gwapong bata naman nito!

Agad akong nakaramdam nang awa sa bata, umayos ako nang pagkakatayo saka ako nagsquat para pantayan ang tangkad nya.

Naku kang bata ka!! mga ganyan itsura mo, makikidnap ka nang wala sa oras! Saan ka ba naman kasi nang galing? eksahiradang pagkakasabi ko.

Nagbago naman agad ang timpla ng kanyang mukha at handa nang magpaliwanag.Sumisingot niyang sinagot ang mga tanong ko

Sinundan ko lang po yung pusa nawala na po ako, nasiraan po kasi ng sasakyan ang daddy ko. Hindi ko na po alam ang daan pabalik.

malungkot n'yang tugon.

Napagdesisyonan kong mas maiigi kung pulis ang maikakakuha sa kanya. Hindi ko na naisip na may trabaho akong pinuntahan.

Hala tara, pumunta tayo sa presinto at ipagbibigay alam natin na nawawala ka. Marahan kong paliwanag sa kaniya.

Sumama naman ang bata sa akin. Ramdam ko na talaga, naku siguradong hindi ako makakapasok dahil dito pero ano magagawa ko? Pabayaan ang napaka cute na batang ito? Baka mamudos pa to rito o kunin ng sindikato. Oh 'diba? Bandang huli konsensya ko pa, yawa talaga.

Nang makarating kami sa pinaka malapit na presinto agad naming hinanap ang pasukan.

Nang makapasok pa lang sa presinto, dinig na dinig na ang sigawan ng mga tao.

"YANG PUTANG INA NYAN!!! YAN ANG NAGNAKAW SA LUGAR NAMIN!!! "

Madali kong tinakpan ang tenga ng bata. Ang daming nagaaway sa presinto.

Pagkapasok pa lang namin ay nakaramdam na agad ng takot ang bata at agad na yumakap sa binti ko.

"Miss anong kailangan nyo? " magalang at may pagtatakang tanong ng isang pulis.

"ah kasi h" Hindi ko alam paano itutuloy ang sasabihin ko kung ako mismo natatakot sa presinto.

"Mommy umuwi na tayo natatakot po ako rito!" Pagmamadaling sabi ng bata, kaya agad kong binalik ang

Huh? Mommy?

Sinubukan kong lumingon at hanapin ang tinatawag ng bata na mommy. Nakailang lingon ako pero wala naman akong makita. Nang lingonin ko uli ang bata, nagmamakaawa ang matang nakatitig s'ya sa akin. Agad kong naintindihan ang gustong sabihin ng bata, kaya agad kong binalik ang tingin sa pulis at nagpaliwanag.

WANTED : MOMMY (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon