chapter 21

17K 358 6
                                    


Nagising ako sa kwartong kulay puti.

Asan ako?  Luminga linga ako, kaninong kwarto to? 

Akmang tatayo ako, nang makaramdaman ako nang hapdi sa kamay ko. Nang tignan ko ito ay nagulat ako na may nakasaksak na dextrose doon.

Tyaka ko pinilit alalahanin ang  mga nangyare, pero wala ako maalala! ang sigaw na lucy lang huling naalala ko.

Inayos ko ang pagkakahiga, pinakiramdaman ko ang sarili ko at ang tyan ko. 

Nang bumukas ang pinto, ay niluwa neto ang gwapong gwapo si Glen.
Hala anong nangyayare sa akin?
Nagmukhang chibi si glen sa paningin ko!grabee! ang kyuuut hahaha!!!!!

"Gising ka na pala! pasway! buti na lang at sinundan ko kayo nung impakto mong pinagtrabahohan! " masungit nyang sabi

Kinabahan ako sa sinabi nya, paano nya nalaman.

"anong pinagtrabahohan?  " umaasa ako iba isasagot nya, kasi hindi ko alam pero biglang nakaramdam ako ng takot.

"yung nagpanggap ka na mommy? Wag ka matakot, sa itsura mo halatang takot ka! napagutosan ako na bantayan ka at imbestigahan ka yucy balasi! tss...  wala ka nga naalala. "

Tila mas lalo ako kinain nang kaba at pagdududa.

"Sino ka ba? Asan ako? "

Natataranta kong sagot.
hala di kaya nasa laboratory ako ng mga baliw na scientists? oh ng mga sindikato?

"tsk papaliwanag ko sayo okay?  Kababata mo ako, ang tawag mo noon sa akin ay KULAY GLEN!  at ang tawag ko sayo ay YUCY BALASI, nawala na lang yun pagkatapos nang bigla ka mawala sa mga suarez "

Malungkot nyang pagkukwento,
ngayon lang ako nakarinig nang tungkol sa nakaraan ko. 

"ang iyong ama ay si Don conrado Suarez, matagal ka na nilang hinahanap.
hindi ka matagpuan kasi iniba ang apeleyido mo, at tinago ka rin nang mga Vasquez. kahit na noong pumanaw sila ay sinabihan nila na walang isang kapamilya nila ang kukuha sayo para hindi ka mahanap nang magulang mo.  "

Parang may konting linaw tungkol sa nakaraan ko sa sinabi nya,
ibig sabihin ang boung pagkatao ko ay nababalot nang kasinungalingan?  Sadyang pinagkaitan lang ako nang kaligayahan? kahit may tyansa naman palang maging masaya ako.

Tumango ako,  para ipagpatuloy nya ang pagkukwento.

" kaya nang nagtrabaho ka sa jollibee ay sinusundan na kita yucy. ikaw lang kasi ang kaibigan ko dati, kaya gusto kita mahanap.
kaso naunahan ako nang Hernandez na yun. kaya nagtrabaho ako sa paaralan nang anak nya, para nakikita pa rin kita. ilang mga Vasquez ang kumikilos para patuloy ka itago sa amin, pero hindi na pumayag ang iyong ama. "

Parang puzzle na nabuo ang pagkatao ko sa paliwanag nya

"Bakit ba nila ako kinuha?  " Nagtataka kong tanong,

gusto ko talaga malinawan lahat sakin.

"ang bagay na yan, ay dapat marinig mo mula sa ama mo. matagal syang nangulila sayo lucy, gustong gusto ka nya lapitan at yakapin, pero di nya magawa dahil masyadong agresibo ang mga Vasquez. ikaw lang ang masasaktan at mahihirapan kaya mas pinili nya na lang manahimik at maghintay.  para sa pagkakataon na mapunta ka samin at ito na nga yun yucy balasi hahahah !"

Natawa ako sa sinabi nya.

"Gusto ko sya makausap? "parang tanong pero nakikiusap kong sabi sa kanya.

"Nasa labas sya Yucy, kinakusap nang doctor tungkol sa kalagayan mo, alam mo na ba? "

Tango lang ang sinagot ko sa kanya, sapat na para maintindihan nya na ang sagot ko.

Malungkot nya akong niyakap.

"Hayaan mo Yucy, andito si kulay glen ah! namiss kita! dati lage tayo naglalaro nang Beauty and The beast !! Haha kapal nang mukha mo noon lagi mo ako ginagawang halimaw sa gwapo kong ito hahah!!"

Sabay kaming natawa sa sinabi nya,
naalala ko na may kalaro ako dati, pero di ko akalain na sya yun! haha.

Nanatili ang pagkakayakp nya sa akin mula sa tagiliran #.

"ipapaalam mo sa kanya ang tungkol sa mga bata?  "usisa nya habang inaabuso ko ang pagyakap sa kanya.

Nagulat ako sa tanong nya, oo alam ko alam nya na  pero nakakagulat pa din.

"Hindi na kita mong pinalayas na ako! ayoko mabuhay nang miserable ang anak ko !" nakasimangot kong sagot

"Hayaan mo na! pasalamat ka wala pa akong asawa! tutulongan muna kita magpalaki nyan, tyaka para hindi ka rin mapahiya kung sakali na magkita kayo sa daan.
alam mo ba yucy? sobrang nalungkot buhay ko noong nawala ka sa amin, kasi wala na talagang nagiingay sa buhay ko. halos doon na nga ako tumira sa bahay nyo kakaabang sayo."

Napangiti ako sa nalaman ko, hindi ko alam na ganito pala ang tunay kong buhay.

Nakayakap pa rin si kulay glen, nang bumukas ang pinto.
pumasok ang doctor at ang matandang lalaki l.

SYA!!  diba sya yung lalaki sa puntod nang mga vasquez?  Ano ginagawa nya rito?

"Tito anjan ka na pala? "

Tito!? So sya din ang daddy ko?  Hala anong nangyayare sa buhay ko?

WANTED : MOMMY (EDITING)Where stories live. Discover now