chapter 16

16.2K 354 14
                                    

dumaan ang marami pang linggo,
nanatiling ganun ang sitwasyon namin.  ngayon ay mas ramdam ko na ang pagkukulang ng oras ni zerep sa akin.
hindi lang pala si Grey ang mahahati dalawa pala sila.

Habang nasa hapag kainan kami ay nagtanong si Grey.

"Mommy Anong kulay maganda para sakin? nagugulohan kasi ako sabi ni Nieghel kulay Black daw, sabi naman ni Arjhay ay Blue. ano maganda mommy?  "

kamot ulo at Nagugulohan ang bata sa kulay ng gusto nya. sobrang cute nya talaga!

"Para kay mommy is Blue kasi sobrang gwapo mo! haha " pambobola ko pa sa kanya kasi halata namang naglalambing lang si grey.

"mommy naman! ano naman conect nun?hahaha " namula ang pisngi ng bata pilit na nilalabanan ang hiya.

"wala! hahaha pero sa totoo lahat nang kulay baby bagay sayo!"

Napakamot nang ulo ang anak ko.
napalingon ako kay Rea at zerep nakatingin lang sila sa amin

"ahm Para sakin little Baby black! sobrang ganda nang kulay na yun.
kahit anong ipartner mo sa ganung kulay ng damit ay bagay! diba baby? " tinanong nya si zerep

Napatango si zerep pero sakin sya nakatingin.

Simula nang dumating sya rito, yan na ang tinawag nya kay zerep.
nahiya na rin ako tawagin sya na Hon, nakakahiya naman sa sweetness nila ehh!

"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo!"
Malamig na tugon ni Grey at walang emosyon nya tinignan ang babae.

Nanlaki ang mata ni Rea sa sinabi nang anak nya.

you fucking deserve it Bitch!

"ikaw na bata ka!! napupuno na ako sayo ahh!! yan ba ang tinuturo sayo nang nanay nanayan mo?!!  " galit na galit na sigaw nang namumulang si Rea

Tumayo na sya, tumayo na rin ako! ano karapatan nya!

"Wag mo sinisigawan ang anak ko!  " binabantaan ko syang tumigil pero sa totoo lang gusto ko din na pumalag ng masamplelan

"Anong anak mo! anak ko yan!! akinera ka lang!  " Gigil nyang tugon.

"Hindi ikaw ang mommy ko! si Mommy lucy lang ang nanay ko! wala nang iba! "

malamig na Sinabi ng bata tyaka sya tumalikod na para umakyat.

"Yan! yan! ang tinuturo mo sa bata! " galit na bintang ni Rea

"Hoy hindi ko yan tinuturan! kung gusto mo kasi turuan mo sy!a mukhang hindi ka naman nandito para sa ANAK MO eh!" matapang kong sagot. wala na anak ko dito kayang kaya ko na yang palagan nang di nagiingat.

"TAMA NA YAN!  NASA HARAP KAYO NANG GRASYA! " sigaw ni zerep

Useless lover! fuckyou! magsama kayo nang babae mo! 

Biglang nanlambot ang kaninang tigreng ekpresyon ni rea, bumalik sa pagmumukhang kawawa.

"Kita mo ba yun Baby! ayun ang tinuturo nyang yaya ni Grey sa kanya! hindi mo pa kasi paalisin yan dito bou na nanaman tayo! "

Nanigas ako sa kinatatayuan ko sa narinig ko.
So alam nya na?  Sinabi ni zerep? 

"Oh ano akala mo? hindi ko alam? na binabayaran ka lang para magalaga sa bata?  Wala ka maloloko dito mukha kang pera !"

"Mukhang Pera? " nanginginig ang boses ko

Akala ko mahal nya na ako? mali ata ang inakala ko, mali nga siguro ako.

Tinitigan ko si zerep, hindi sya makatingin sa akin napayuko sya.

" kung mukha man akong pera! marunong naman ako magalaga, hindi katulad mo! mukha ka na ngang pera! hindi mo pa galingan ang pagiging nanay nanayan mo! "

Wala nang natitira sakin ngayon, kaya hanggat kaya ko pa, tinalikuran ko na sila.

Nang makaakyat ako ay dumeretso ako agad sa kwarto namin, kinuha ko ang lahat ng gamit ko.

"Saan ka pupunta? "  nagtatakang boses nang lalaking inakala kong mahal ako

"SAAN KA PUPUNTA! "

Hindi ko pa rin sya sinagot patuloy pa rin ako sa pag iimpake nang gamit ko,
Mabilis nyang hinila ang siko ko.

"Sagutin mo ako saan ka pupunta!"

Bibilisan ko pangako! bibilisan ko bago tumulo ang luha ko!

"Wag ka magalala hindi ako katulad mo.  Hindi ako aalis! hindi ko ipapako ang pangako ko! mananatili ako sa tabi ni Grey. lilipat lang ako nang kwarto doon sa kwarto ni Grey. " mahinahon kong turan

kailangan ko kumalma, baka bigla ako maglumpasay kakaiyak dito.

Namumula na ang mukha, nya halatang asar na asar na sya.

" bakit hindi mo pagbigyang maging ina si rea kay grey?  Saglit lang naman yun bakit hindi mo sya hayaan? " 

Tila may patalim ang bawat salita nya na isa isang sinasaksak sa puso ko

"Hinahayaan ko Zerep! hindi lang sya nagpapakaina!  Mas inuuna ka nya kesa kay grey, kaya ganun ang bata sa kanya!  "

Pagpapaliwanag ko kahit hirap na hirap na ako magsalita

"Hayaan mo sya lucy sya naman ang tunay na nanay dito! "

Yun ang huli nyang sinabi bago umalis sa harapan ko.
Bakit parang ako pa ang masama?  Kasalanan ko ba lahat nang maling mangyayare ?

Paulit ulit na nageecho ang salita ni zerep sa isip ko.
ang sakit ang sakit sakit kasi galing sa kanya.

WANTED : MOMMY (EDITING)Where stories live. Discover now