chapter 36

17.7K 320 7
                                    


Habang nakatitig pa rin ako kay Glen, ay bigla tumunog ang cellphone ko.
lahat sila ay napatingin sa cellphone, kinain nang katahimikan ang boung kwarto, tanging ang ingay lang mula sa cellphone ko ang maririnig mo.

Kinuha ko ito at marahang sinagot, nang di ako makuntento ay niloud speaker ko.

"HAHAHAHHAHAHAH! ano lucy nagaalala ka na ba sa anak mo? Hahaha diba mangaagaw ka? pwes! ipaparamdam ko sayo kung paano maagawan nang anak. ipaparamdam ko rin kung paano mawala ang kaisa isa mong babae! hahahaha!
gusto mo ba syang kunin? puntahan mo ako! isauli mo ang lahat sa akin! " Naghehisterya nyang sigaw.

"NAPAKAWALANGYA MO! HAYOP KA! IBALIK MO ANG ANAK KO! IBABALIK KO KUNG ANO GUSTO MO!!! WAG MO LANG SASAKTAN ANG ANAK KO!!
"
halos mapigtas na ang mga ugat ko sa lakas nang sigaw ko, gigil na gigil ako. tanginamo! hayop ka! pag nakita kita ipapamukha ko sayo kung bakit wala ka ng meron ako.

"HAHAHAHHAHAHAHAH mababaliw ka kaya? pag pinadala ko sayo ang ulo nang Anak mo? HAHAHAHAHAHA! "

Tila binuhosan ako ng malamig na tubig sa narinig ko.
ang kaninang galit ay kinain na nang pangamba ko.

"Gagawin ko lahat nang gusto mo, isauli mo lang sakin ang anak ko Rea.
wala syang kinalaman dito, wala syang Alam, napaka duwag mong babae ka! kung matapang ka, bakit hindi ako harapin mo?  pag nanalo ka sakin ibibigay ko sayo ang gusto mo, sino ba si Zerep O si Glen? HAHAHAHAH patay na patay ka diba? baliw na baliw ka, pwes! tatapatan ko kabaliwan mo, tignan natin yang kayabangan mo! "

Matapang ako nung dalaga, pero ngayong may anak ako di ko alam kung anong tapang ang meron ako, at kung ano ang kaya kong gawin para sa anak ko.

Nakita ko nanigas sa kinatatayuan nila ang dalawang lalaki.

Inayos ko ang Sarili ko, masakit pa ang pwerta ko, pero hindi yun pwede maging dahilan.
hayaan mo na mabinat, kesa hindi ako kikilos.
anak ko ang hawak nya kaya nanay ang dapat na lumaban sa kanya!

"Anak huminahon ka, anak hindi mo kakayanin yun.
anak kakapanganak mo palang mahina ka pa!" nagaalala ang papa ko, pero hindi pa rin ako pwede tumunganga na lang basta sa tabi Habang yung anak ko nanganganib.

"hindi mo alam papa kung ano ang kaya kong gawin para sa anak ko. " Malamig kong tugon

"Glen sana masaya ka sa ginawa mo. "
Ang kaninang nakatulala ay tinubuan nang pagkataranta.

"Alam mo na? Alam mo na ang lahat? "
Takang takang tanong nya.

"Lucy hayaan mo ako magpaliwanag, hayaan mo ko sabihin yung dahilan ko! "pagmamakaawa nya.

"Delekado ka dati, kaya nang malaman ko na vasquez pala ang babaeng baliw na yun nagpanggap akong kakampi nya lucy.
maniwala ka hindi ko ginusto to! " nagpapaliwanag sya na parang maibabalik si violet sa simpleng paliwanag nya.

naninikip ang dibdib ko sa palaisipang nahihirapan ang anak ko.

"Tumigil ka na Glen! alam na namin ang lahat, ipagpanalangin mo lang na walang mangyare sa anak ko. kundi ako mismo ang papatay sayo " Madilim na pagkakasabi ni Zerep

"ikuha nyo ako nang damit, at sabihin mo samin Glen, kung saan maaring makita si Rea at ikaw papa dito ka lang bantayan nyo ang anak ko. siguradohin nyo papa na maraming nagbabantay dito parang awa nyo na po at pag tumawag po ako sa inyo kontakin nyo na ang mga pulis."

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa mga panahon na to, namamanhid ang mga tuhod ko pero mas namamanhid ata ang puso ko.

Anak? hintayin mo si mama ahh! hindi hahayaan ni mama na magdusa ka tulad ko. kumapit ka lang anak! kumapit ka lang hindi ka pababayaan ni Mama.

Naghain si papa nang pagkain sa lamesa.

"Kumain ka muna anak, kailangan mo nang Lakas para sa anak mo.
alam ko ang nararamdaman mo anak! yan din ang ginawa nila sa amin nang nanay mo na naging sanhi nang pagkamatay nya. kaya pakiusap anak, magpakatatag ka alam ko malakas kang bata at isang mabuting ina.
wag mo iiwanan ang tatlong anak mo okay? kahit anong mangyare lumaban ka! "

Habang nag sasalita si papa ay patuloy ang pagbuhos nang luha ko, hindi ko hahayaan na gawin nila sa anak ko ang ginawa nila sa akin.
hinding hindi mangyayare yun! dadaan muna sila sa ibabaw ng bangkay ko.

Sa lalim nang iniisip ko ay naramdaman ko ang kamay na humawak sa kamay ko, mabilis akong napalingon.

"Ang tapang mo Hon, di ko akalain na ganito ka.
oo una iniisip ko mabuti kang ina kay grey pa lang, pero may mas lala pa pala.
wag ka magalala ahh! kasi kasama mo ako, magtutulongan tayo! wag mo isiping magisa ka sa laban na to, atin to para sa anak natin."

Salitang nagpalambot sa puso ko na kanina lang walang nararamdaman.

WANTED : MOMMY (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon