chapter 24

16.7K 323 6
                                    

Nagising ako sa kalabit ng nurse, nang tapunan ko sya ng tingin ay bumulong sya.

"Ma'am Blood pressure po. "

Tumango lang ako, tumalikod ako kay Glen para mag paBp, nang bigla nya ako yakapin mula sa likod.

Yakap mula sa likod.
Zerep.

Bigla bumilis ang tibok nang puso ko, pakiramdam ko maiiyak na ako.

"Ma'am babalik po ako, nagloloko ata yung gamit ko. saglit lang po."

Hindi ko sya sinago, Wala ako halos naririnig kundi kabog nang dibdib ko.
Kasabay nang pagpikit ko ay ang pag tulo nanaman nang luha hindi maubos ubos.

Nang humigpit ang yakap ni Glen, ay hinawakan ko iyon. namimiss ko na si zerep, yung yakap nya, namimiss ko na pagkaisip bata nya.

Busy ako sa pageemote, nang maisipang kong harapin si glen.

"Yucy balasi umiiyak ka nanaman ba?  "

Nagreact ang boung katawan ko sa pagsasalita nya, sinisik ko ang ulo ko sa kilikili nya. dahil sa kakaibang amoy! sobrang bango pala nang kili kili neto. 

Ang luhang dahil kay zerep kanina ay nagiba.
ang dahilan, gusto ko kumain nanaman nang mangga sinawsaw sa sukang maanghang.

"UWAAAAAAAHH BEBE!!  GUSTO KO NANG MANGGA AT SUKANG MAANGHANG UWAAAAAHHH!  "

Kitang kita ko sa mata nya ang pagtataka, kahit na ako ay nagtaka sa mga kinilos ko.

"Abah Yucy! sumosobra ka na! saang empyerno mo ako paghahanapin noon ?" galit nyang sinabi

Galit sya galit si glen.

Hindi ko alam saan galing ang luha sa akin, bigla ako nakaramdam nang sobrang pagkalungkot, kaya umiyak nanaman ako.

"Bebe gusto ko nang mangga may suka maanghang! Kung hindi mo ako ihahanap ako na lang !" nalulungkot ako sobrang pagkalungkot

Akmang aalisin ko ang dextrose ay agad nya iyong pinigilan

"Okay baby kumalma ka! huminga nang malalim, inhale exhale okay? ibibili na kita hintayin mo ako, anong mangga ba gusto mo? "

Parang biglang nagliwanag sa paningin ko si Glen, para syang napalilibutan nang mga Christmas lights at ang mga mata ko ay naghugis puso.

"Manggang kalabaw o kung may makita kang apple manggo,  hindi hinog ang gusto ko puting puti  paghinog yun sayo ko papakain yun! "

Pagbabanta ko pa, ang kanyang mata ay nakatitig lang sa akin may halong pagkamangha at pagkairita.  hindi mo maintindihan basta ang lalim nang tingin nya.

"Hintayin mo ako "

Mabilis syang lumabas

Hindi ko na alam ilang oras ako umiiyak, nang bumukas ang pinto.
Gabe na ata, hindi ko kasi makita sarado ang lahat dito.

"Anak bakit ka umiiyak? asan si Glen? "
Nagtataka siguro si papa

"Papa si gleeenn papa huhuhuhuhuhu  "
Napahinto ako sa amoy ni papa.

"Pa lumayo ka nga! ang baho mo naman eii si glen kanina pa sya hindi bumabalik.  Tulongan mo ako pa tawagan mo sya kasi baka kasi baka wala syang mabili.  "

Nagtataka ang amang lumayo sa akin

"Anak kakaligo ko lang! hayss buntis ka nga pala saan ba sya nagpunta anak? " nagaalala nyang tanong sakin

"hindi ko po alam.  " namimilog nanamang ang mata ko at magsisimulang umiyak muli.

"*Sob* asan na si glen huhuhu *sob* kailangan ko si glen ilabas nyo sya! "
Paghihisterya ko nang dumaan nanaman ang ilang oras ngunit wala pa si glen.

Humahagulgol nanaman ako, nang bumukas ang pintoan parang nag slowmotion ang lahat, lalo na pag pasok ni Glen na may hawak na maliit na plastik.

MALIIIT! 
ILAN LAMAN NUN! 

"Ilan yang binili mo ! " galit na galit na pagkakasabi ko

"Limang oras ka umalis glen paguwi mo yan lang dala mo! "

Gigil na gigil ako bakit nya to ginagawa sakin bakit!!! 

"hindi mo alam pinagdaanan ko makuha lang yang tatlong mangga na yan! "

Nang umupo sya, ay agad ko syang sinakyan sa likod  nagsimula ako atakehin ang tenga nya! 
KINAGAT KAGAT ko ang tenga nya, totoong pinanggigilan ko sya.

"Aray! aray! lucy!  Tigilan mo ako pagod ako!  TITO!!  tulongan mo naman ako kawawa ako sa anak mo!!  " paghingi nya nang tulong, ngunit ni isa sa mga tao ay walang kumilos pagkatapos ko kagatin ang tenga nya ay ang pisngin naman.

Ano bang nangyayare sa akin T_T?
Kawawa naman si Glen, pero nageenjoy ako sa ginagawa ko, kesa kainin ang mga mangga ay humiga na ako sa kama at hinila si Glen. pinahiga sya tulad kanina.

Nang makahiga ang lalaki agad ako sumiksik sa kili kili nya at natulog, inaantok ako parang gusto ko nang Dragon fruit kaso ayaw ko na umalis ang kili kili ni Glen, kaya magtitiis muna ako.

(A:N) Bat ang weird ng trip ng mga Buntis?

WANTED : MOMMY (EDITING)Where stories live. Discover now