chapter 2

25.1K 618 8
                                    

Nang matapos maglaba at makalabas ako ng banyo, naabutan ko ang batang si grey na natutulog sa sopa.

Naku! kawawa naman talaga 'tong bata to, malamang ay nakatulog s'yang kakahintay sa akin.

Ambang bubuhatin ko ang bata nang magising sya.

"Mommy tapos ka na po ba maglaba? Pwede na po ba tayo matulog?" Antok na antok n'yang tanong, na may namumungay na mata.

Tuloyan ba nga ako naawa sa batang ito. Bakit may mga ganitong sobrang pinagpala ano?

"Tara na sa kwarto matutulog na tayo, gusto mo ba ng bed time story? Baby? " Paglalambing ko para makabawi naman sa paghihintay n'ya.

Namimilog ang matang tinitigan n'ya ako, na parang naluluha at napaawang ang bibig ng bata sa saya.

"Sige mommy first time ko po makikinig ng bed time story!! " hindi nawawala ang mangha sa kan'yang tuno at pagkasabik sa kwento .

"Tara na? "

Mabilis kami lumakad papunta sa kwarto at humiga sa kama.
Dahil wala naman akong libro ay nagsearch na lang ako sa internet .

"okay baby humiga ka na magkkwento na si mommy!! "

Hindi ko maintindihan pero parang mas excited pa ako sa kanya.

"Yehey! "

Humiga ang bata at pilit na isiniksik ang sarili n'ya sa akin. Pagkatapos ay niyakap n'ya ako nang mahigpit na mahigpit.

Sobrang sarap sa pakiramdam! Ang tagal na noon' huling may yumakap sa akin nang ganito.

" Isang araw ay may magkaibigang bata na naglalakad sa gitna ng kagubatan. Sila ay si Jose at Juan.
Nang may nakita silang puno ng saging na natumba na ay pinuntahan agad nila ito, si Juan ay nakaisip na hatiin nila ang saging. Hinati nga nila ito ngunit ang parteng may bungga ay kinuha ni Jose, hindi niyabinigyan si juan ng kahit na konti. Nang makuha n'ya na ang gusto ay agad niya itong nilayasan. May nahulog na isang saging at dinampot n'ya ito at nais n'ya sana itong kainin, nang may matandang humingi nito sa kan'ya, hindi nag dalawang isip si Juan at binigay n'ya ito sa matanda at -"

Hindi ko na natapos ang kwento nang makita ko na mahimbing nang natutulog si grey. Pinagmasdan ko s'yang maiigi at hindi ko maiwasan ang hindi ngumiti.

Mali ba? Mali ba na akinin ko ang hindi akin? gusto ko lang naman maranasan 'yong ganitong pakiramdan kahit saglit lang .

Ipinikit ko na ang mata ko upang magpahinga, pagkatapos ay niyakap ko nang mahigpit ang bata, saka ako nilamon nang kadiliman at antok .

Nagising ako sa mga halik sa pisngi ko.

"Mommy good morning po! "

Ang boses at salitang iyon ang gumising sa'kin. Agad nanlambot at tumaba ang puso ko. Ang sarap naman sa pakiramdam nang ganito ang umaga ko .

"Goodmorning baby nagugutom ka na ba ?"

Napangiti nang malaki ang bata

"Medyo po mommy hihihihi " bungisngis ng bata na lalong nagpasaya sa puso ko.

Sana laging ganito, sana hindi na sya hanapin pa, kahit sino, kahit ang magulang nya, masakit man pero gusto ko ang ganitong pakiramdam na may anak .

" Oh s'ya maupo ka sa sopa at magluluto si mommy ng almusal ah?"
Malambing na sabi ko sa kanya

"YES MOMMY !" masiglang sinabi ng bata

Nakakatuwa talaga, kung alam ko lang ganito kasaya maging nanay!? matagal na sana ako nagpabuntis haha. Asadong asado ka, wala ka nga jowa sino bubuntis sayo?

WANTED : MOMMY (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon