Prologue

14.2K 231 1
                                    

'Bakit ba napakabilis nyong magtiwala sa isang tao,Lolo?ipapakasal ninyo sa akin ang kanyang apo para gawing kabayaran ng kanilang pagkakabaon sa utang sa ating pamilya?paano pala kung ang babaeng iyon ang maging dahilan para mawala sa atin ang ating pinakaiingatang kayamanan?'

Parang umaalingawngaw parin sa aking pandinig ang tinig na iyon nang sinimulan kong ihakbang ang aking mga paa sa ibabaw ng mahabang red carpet.

Isang buwan na ang lumipas simula nang lisanin ng aking Lolo ang mundo.Sa kanyang pagkawala ay isang nakakayanig na habilin ang kanyang iniwan sa akin.

Kailangan kong pakasalan ang isang bilyonaryo na ubod ng sungit at matanda pa sa akin ng sampung taon!

At the age of eighteen..hindi ko buong akalain na nandito ako ngayon at naglalakad sa mahabang red carpet na ito...upang isuko ang aking kalayaan sa isang tao na ni minsan ay hindi ako nagawang tingnan.

He hates me to the moon and back...

Hindi ko alam kung ano ang kanyang dahilan..

Dahil ba,isa akong anak mahirap?

Dahil ba,lumaki akong ulila?

Dahil ba,ginawa akong pambayad utang sa kanyang pamilya?

Napapitlag ako nang maramdaman ang marahas na kamay na dumantay sa aking braso.

His rough hand touch against my soft skin.Bumaling doon ang aking paningin...ang kamay na ito ang magdudulot sa akin ng sakit kapag mapunta na ako sa kanyang pangangalaga.

Umangat ang aking mukha..ang kanyang malamig na mga titig ang sumalubong sa aking paningin.

Biglang nanlambot ang aking mga tuhod.Na kung hindi lang siguro ito matatag ay baka kanina pa ako nakasalampak sa sahig.

Sinalakay ako ng matinding kaba sa aking dibdib.

Kaba...na ni minsan ay hindi ko pa naramdaman buong buhay ko.

Gusto kong pumikit at umusal ng taimtim na panalangin..na kung pwede lang sana ngayon na ang katapusan ng buhay ko sa mundo.

Pero madaya ang puso...

Within his cold stare...its made shiver down to my spine.

Within his rough touch...its made my heart beats so fast.

Hayyy...why,why this man is so gorgeous sa kabila ng kanyang mapanganib na pagkatao?

Am i ready to face it for the rest of my life?

Huminga ako ng malalim...then i decide.

Yes i do!

☆☆☆

Curse..in the name of loveحيث تعيش القصص. اكتشف الآن