Chapter eleven

6K 171 3
                                    

In my twenty-eight years of existence..ni hindi ko naranasan na bulyawan ako at bigla nalang talikuran ng isang babae.

Sa pagkakaalam ko,tinitingala ako at pinag-aagawan..yung iba nga,lahat ng efforts ginagawa mapagtuunan ko lang ng pansin.

Kaya naman sa inasal ni Glydyl ngayon ay pakiramdam ko biglang umakyat ang lahat ng dugo ko papunta sa aking ulo.

Ni hindi man lang ba nya na-appreciate ang efforts ko?

Nagawa kong hubarin ang suot kong coat dahil sa pag-aalala ko sa kanya na baka lalamigin sya.No,nilalamig na nga pala sya dahil napansin ko ang panginginig nya.

Pero anong ginawa nya?nagalit pa sya?

Baka nakalimutan nya na ako si Cress Rolex Rafonso.

Mabilis kong hinawakan ang kanyang braso bago pa sya makahakbang palayo sa akin.Pero hindi ko inaasahan na ganoon pala kalakas ang paghila ko sa kanya dahil nagulat nalang ako nang bigla syang mapasubsob sa aking dibdib.

Ramdam kong hindi nya nagustuhan ang biglang pagkakadikit ng katawan namin dahil mabilis nyang naitukod ang kanyang kabilang kamay sa ibabaw ng aking dibdib para mailayo nya ang kanyang sarili.

Sinagad na naman ako ng inis dahil sa kanyang inasta.Hindi ko alam kung bakit pinaparamdam  nya sa akin na parang may nakakahawa akong sakit.Hindi ko sya hinayaang makawala.Hinuli ko ang kanyang kabilang kamay at pinagdaop sa isa pang kamay nya na hawak ko.Tumaas ang aking kamay at marahang hinawakan ang kanyang baba.Itinaas ko ang kanyang mukha bago ko sya tinitigan sa kanyang mga mata.

"Hindi pa ako tapos magsalita kaya hwag na hwag mo akong tatalikuran!"Wala naman sa plano na bulyawan ko sya..but i can't help it!

"Wala naman po kasi akong sasabihin."

Bakas sa kanyang mukha ang takot.Natigilan pa ako nang mapansin ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata.

"Fuck..."

Bulong ko nalang dahil hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat kong maramdaman sa kanya.Hindi ko naman ugali yung mang-alo ng babae pero ano nga ba itong ginagawa ko ngayon?

"Do you know what time is it?hindi mo ba inisip  na maaaring ikapahamak mo ang pagala-gala sa kalye sa ganitong oras?"

Alright.Nag-aalala ako sa kanya.Damn it!

"Nagta-trabaho po ako at hindi gumagala."

See?she know how to reason out!

"Nagta-trabaho ng gabi?"salubong na ang aking kilay dahil sa pagtitimpi.

"Wala pong dahilan para ikwento ko sa inyo ang mga pinagagawa ko sa buhay ko.Ikaw na din ang may sabi na wala na tayong pakialaman sa isat-isa!kaya...pwede po ba pakawalan nyo na ako?nangangalay na po ako sa katitingala sa mukha nyo."

Narinig nyo?ang tapang nyang makipag-usap sa akin!Ito ba ang babaeng ikukulong ko sa buhay ko habambuhay?baka mamamatay ako ng atake sa puso kapag nagkataon!dahil wala nalang syang ibang gagawin kundi ang galitin ako!

"Ang hirap talagang makipag-usap sa isang bata."

Kitang-kita ko ang paniningkit ng kanyang mga mata bago sumagot.

"Hindi na ako bata,Rolex!"

Sa unang pagkakataon ay tinawag nya ako sa aking pangalan.Hindi ko alam na ganoon pala talaga kaganda ng aking  pangalan  kapag si Glydyl ang bumanggit nun.Muntik na akong mapangiti dahil sa naisip.

THIS.IS.CRAZY.

Maktol ko sa isip bago ko pinakawalan ang kanyang baba.

"I'll take you home."

Hindi ko inaasahan ang kanyang pagpanic.Malakas nyang hinila ang kanyang mga kamay na kasalukuyang hawak ko bago sya nagsalita.

"Ayoko!kaya ko namang umuwing mag-isa,Rolex!"

"Glydyl!"buo at may pagbabanta sa aking boses.

"Hwag mo akong obligahin...ayokong magkaroon ng utang na loob sa'yo!"

Napa-facepalm ako ng wala sa oras.Ito na nga ba ang dahilan kung bakit mas nanaisin kong hindi magpatali sa isang relasyon!dahil ayoko talagang makipagtalo ng ganito!

"Ang tigas din ng bungo mo eh,noh?"

Malakas na tili ang pinakawalan nya nang walang babala na hinapit ko sya sa kanyang baywang at bahagyang inangat gamit ang kabila kong braso.

Mabilis kong tinungo ang kinapaparadahan ng aking sasakyan at kaagad na binuksan ang passenger's seat pagkatapat ko doon.

Pilit ko syang ipinasok pero biglang nawalan ng balanse ang aking mga paa kaya nang mapahiga sya sa may upuan ay bigla ding bumagsak ang aking katawan sa kanyang ibabaw.

Kung natigilan sya mas lalo na ako.Naramdaman ko na ang kanyang dibdib kanina pero kaagad kong binalewala ang kakaibang init na kaagad na umahon sa aking katawan.

But now...ibang usapan na ito.

Para akong nahipnotismo nang mapatitig sa kanyang mga mata.Halos hindi ko mapigilan ang lakas ng heartbeat ko dahil pakiramdam ko ay nagwawala ang aking puso sa sobrang kaba.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na mapalapit ako sa isang babae.But with this kid,i can't name the intensity inside me.

"T-tama po kayo...I'm s-still a kid."

Hindi ko napigilan ang hindi mapangisi lalo pa at nabanaag ko ang panginginig sa kanyang boses.

"Kanina lang,sabi mo hindi kana bata.."kinagat ko ang aking  pang-ibabang labi.

"Kanina iyon!ang importante ay yung ngayon."

"Hmm..gusto kong patunayan."

Sabi ko bago ko inilipat sa kanyang labi ang aking paningin.

"P-patunayan ang alin?"

Pilit nyang ipinilig ang kanyang ulo pero hindi iyon naging hadlang para hindi ko magawa ang aking misyon.

Kusang bumaba ang aking mukha at mabilis na tinawid ang pagitan ng mga labi namin.

I taste the softness of her sweet lips.Kaya sa muli kong pag-atake sa kanyang labi ay nawala na yung marahang paghalik ko kanina.

Gusto ko syang halikan ng dahan-dahan pero nauuwi iyon sa malalim at mapusok na halik!

Her lips is addictive na para bang makalimutan ko narin na kailangan din pala naming sumagap ng hangin para huminga.

Hindi ko alam kung ano ang sumagi sa aking pagkatao.Ni hindi ko na napigilan ang aking sarili na hwag syang siilin ng malalim na halik sa kanyang labi.

Kapwa kaming humihingal nang kusa kong ilayo ang aking mukha.Para akong nawalan ng sasabihin habang nakatitig parin sa kanyang mala-anghel na mukha.

Muling bumaba ang aking paningin sa kanyang namumulang labi.I-i want to crashed it again with my lips.Damn!

Ibig kong mapangiti nang bigla nyang pinaglapat ang kanyang mga labi at ikinubli iyon sa akin.Siguro nabasa nya ang aking iniisip.

"Tama ka...you're still a kid."

Asar ko sa kanya na syang ikinainis nya.I love to see her expression  like that.

Ewan ko ba...kailan pa ako natutuwa na makita ang kanyang naiinis na expression?

Sa pagkakaalam ko,all these years.I hate her to the moon and back.Dahil iniisip ko na isa syang gold digger.But now,i don't know anymore!hindi ko na kilala ang aking sarili.

"Damn you!"bulyaw nya.

Hindi ko maintindihan kung ano ang ikinagalit nya.Yung panghahalik ko ba sa kanya?o,yung tawag ko sa kanya na kid?

Hmm...this is so interesting!

☆☆☆

Curse..in the name of loveWhere stories live. Discover now