Chapter fifteen

6.4K 183 4
                                    

Glydyl's POV

Sa mundong ito ay walang kinikilala ang mga tao..lalo na at hindi mo naman sila kaanu-ano.

Sa mundong ginagalawan ko...walang ibang nakikita ang lahat kundi ang trabaho.Walang magtatanong sa'yo kung maayos ka lang ba?

Marahil...mapapansin ka lang kung sakaling nakandahusay kana sa sahig at wala ng malay.

Kaya sa sitwasyon ko ngayon kahit ang sama-sama ng pakiramdam ko ay kinakaya ko pa din.

Sabi nila pamilya lang talaga ang mag-aalala sa'yo..ang magtatanong kung kamusta kana?maayos ka lang ba?

Dahil wala naman akong pamilya kaya walang nakakapansin sa akin.Walang magtatanong...at walang magsasabi na magpahinga ka muna,parang pagod na pagod ka.

Marahan kong pinunasan ng likod ng aking palad ang magkasunod na luha na lumandas sa aking pisngi.Mabuti nalang at nagkataon na naghihiwa ako ng sibuyas.Kaya may mairarason ako kung sakaling may magtatanong kung bakit ako lumuluha.

Sampung taon pa lamang ako nang sumubok ako sa pagluluto.Natagpuan ko lang naman ang diary ni Lola na syang pinaka-iingatan ni Lolo.

Sa loob ng diary nakasulat ang ibat-ibang uri ng putahe.Mga lihim kung paano mapapasarap ang pagkain sa pagluluto.

I tried it once at ihinain ko kay Lolo.Kinabahan pa ako nang bigla syang mapaluha sa kabila ng mga ngiti at pagniningning ng kanyang mga mata.

'Nakuha mo ang husay ng iyong Lola sa pagluluto.Ipatikim mo ito kay Rolex minsan para mahalin ka nya at hahanap-hanapin nya ang lasa na tanging ikaw lang ang nakakaalam.Minahal ko ang iyong Lola dahil sa husay nya sa pagluluto.At walang imposible na ganoon rin ang maramdaman ni Rolex sa'yo,Apo...kapag matitikman nya ang pagkain na niluto mo.'

Mali si Lolo..maaaring nagustuhan nga nya ang pagkain na niluluto ko para sa kanya pero hindi iyon ang naging daan para magbukas ang kanyang puso para sa akin.Bagkus kinasuklaman pa nya ako ng sobrang-sobra!

"Glydyl!"

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang tawagin ako ni Sir Zalez.Marahan ko syang nilingon at gayon na lamang ang aking pagtataka nang malingunan kong napaka-seryoso ng kanyang mukha.

"Yes,Sir..."kinakabahan kong sagot.

Napahawak muna sya sa kanyang sentido bago muling nagsalita.Anong nangyari?masama din kaya ang kanyang pakiramdam?

"Magbihis ka at mag-ayos tapos pumunta ka sa VIP TABLE. Bring your things with you."

Tuluyan ko nang nailapag ang kutsilyo na hawak ko bago ako humarap sa kanya.

"Sir,may isang putahe pa po na hindi ko natatapos-"

"Leave it there.Please move now,Glydyl...don't waste your time."

Saglit pa akong napakurap at pilit na inulit sa aking isip ang kanyang sinabi.

"Dapat nandoon kana bago pa magsampung minuto,nakuha mo ba?konting bilis lang...for the sake of this restaurant."Dagdag pa nya na ikinayanig ko.

S-sampung minuto?

F-for the sake of this restaurant?

Oh god!what happening!?

Pagtalikod ni Sir Zalez ay bigla nalang akong nataranta.Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko.Parang nawala yata ang aking pagkahilo dahil naging tuliro ang aking utak.

Wala akong matatapos in less than ten minutes.Kaya pagkahubad ko sa gloves na suot ko ay mabilis ko na din hinubad ang suot na apron at tinanggal ang suot kong hair net.Tinungo ko ang kinalalagyan ng aking backpack na kung saan naroon ang damit na pagbibihisan ko at iba pang importanteng gamit ko.Mabilis ko iyon isinakbit sa aking balikat bago ako lumabas ng kusina.

Curse..in the name of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon