Chapter ten

6.2K 163 4
                                    

"Alam mo ba na masarap ang spaghetti nila dito?"

Tumaas ang kilay ko habang nakatitig kay Samantha.Kanina na sya nakapili ng order pero panay parin ang buklat nya sa menu.

Hmm...next time yayain ko nga syang magdinner sa bahay.Ewan ko lang kung hindi nya hahanap-hanapin ang luto ni Manang Fely.

Inikot ko ang paningin sa loob ng restaurant habang inaantay ang aming order.

Light meal lang naman ang sa akin dahil kumain na din ako kanina bago pa ako umalis.Kakain lang ako ng konti para hindi magtatampo itong kaibigan ko.

Marahil ay masarap nga ang foods nila dito base sa dami ng mga customer na nakikita ko.

Halos lahat kasi ng mesa ay okupado.Hindi naman mumurahin ang bawat serve nila kaya hindi ko maisip na marami ang kumakain dito dahil sa mura ito.

And knowing Sam?She's a rich woman!never syang kumakain sa mga pipitsuging restaurant lang.

"Lagi ka bang kumakain dito?"curious kong tanong.

"Tatlong beses palang.Pinagbigyan ko lang naman ang makulit kong pinsan na wala nalang ibang binibida sa akin kung hindi yung mga foods dito.So,na-curious ako..i tried it once hanggang sa binabalik-balikan ko na ang pagpupunta rito."Mahaba nitong lintanya.

Muli kong dinampot ang menu na nasa ibabaw ng table pero bago ko pa iyon mabuklat ay nakuha ang aking atensyon sa pamilyar na boses.

"Good evening Sir-Madam...heto na po ang inyong order!"

Magkasabay kami ni Samantha na nag-angat ng mukha.At ganoon na lamang ang aking pagtataka nang mabungaran ang mala-anghel na mukha sa aking harapan.

Iisipin ko sana na sinusundan nya ako dito but seeing her with the attire that she wearing right now while holding a tray kung nasaan nandoon ang order namin ay bigla akong na-confused.

In an instant...nakita ko kung gaano kaganda ang kanyang ngiti.Ngiti na ngayon ko lang nasilayan sa kanyang labi everytime na kaharap ko sya.Ngiti na gusto kong ipagkait nya sa iba.Ngiti na gusto kong sa akin lang nya ilalaan.

Pero unti-unting nawawala ang magandang ngiti na nakapuskil sa kanyang labi nang makilala nya ako.I don't know
what is her problem.Na kapag ako ang kanyang kaharap ay para bang kailangan ko pang bayaran ang mga ngiti nya para ipagkaloob lang nya iyon sa akin.

Ibinaling nya kay Samantha ang paningin.Nababanaag ko sa kanyang mukha ang matinding curiosity.

Gusto kong magbunyi nang makita ang kanyang expression.Tulad ng iba,baka pinag-isipan nyang girlfriend ko si Samantha.

Hindi ko alam kung bakit nasisiyahan ako kapag nalaman kong nagseselos si Glydyl.

At sa anong dahilan naman kung bakit kailangan kong magsaya sa kaalamang iyon?

"Ano pa ang tinatanga-tanga mo dyan?we're hungry,ilapag mo na yang order namin!"

Pati ako ay nagulat nang bigla nalang singhalan ni Samantha ang nakatangang si Glydyl.

Kilala ko si Sam.Ayaw na ayaw nyang nakikita kapag nakatitig ako sa iba particularly sa ibang babae.Hindi naman ito ang unang beses na ginawa nya..pero bakit parang hindi ko nagustuhan ang kanyang inasal ngayon?

I hate it when she acted like that.Pakiramdam ko hindi sya professional.

"Opo Ma'am...I'm sorry po!"

Parang piniga ang aking puso sa hindi ko alam na kadahilanan.Bakit nga ba ako naaapektuhan?

Is it because she scared to lose her job...kaya ganyan sya kakumbaba kung umasta?

Curse..in the name of loveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt