Chapter twenty-one

6.3K 186 4
                                    

Glydyl's POV

Naalimpungatan ako sa pagtulog nang sumuot sa aking ilong ang amoy ng aftershave.Tinatamad kong iminulat ang aking mga mata pero napadilat akong bigla nang hindi inaasahang mukha ang bumungad sa aking harapan.

"Rolex,anong ginagawa mo dito!?"dahil sa gulat ay nasinghalan ko na naman sya.

"Anong ginagawa ko dito?it's our room kaya natural na nandito ako."Sagot nya na halatang pinipigilan ang ngiti.

"I mean..anong ginagawa mo kung bakit nakadukwang ka sa harapan ko!"

"Ah...wala lang.Sinusuri ko kung tumutulo ba ang laway mo kapag natutulog ka."

Tuluyan nang kumawala ang ngiti sa kanyang labi.Aba at pinagtripan yata ako ng masungit na'to ah!

Bumalikwas ako ng bangon at mabilis na kinuha ang unan para ihampas sa kanyang mukha.Pero hindi ko pa nga iyon naipapalo sa kanya ay namalayan ko na lamang ang aking sarili na nakakulong na sa kanyang mga bisig.

"Did you sleep well?thanks God!at nakakapagpahinga kana ng maayos ngayon."

Napalabi ako kasabay ng paghaplos ng kakaibang init sa aking puso.Nag-aalala sya para sa akin?

"Kailan ka pa dumating?"

Napakagat ako sa aking labi habang nakapatong ang aking baba sa malapad nyang balikat.

"Hindi ko matantya.Pero matagal na din siguro..nakita mo na at nakaligo na ako't nakabihis.Tapos,naayos ko na din sa loob ng walk-in closet ang mga damit mo.I-check mo nalang mamaya kung mayroon kang gustong baguhin sa pag-aayos."

Nailayo kong bigla ang aking katawan mula sa kanyang pagkakayakap.

"Bakit mo ginawa yun?Sana ginising mo nalang ako at ako na ang bahalang mag-ayos ng mga gamit ko!"

Shit!nakakahiya!nasaan na ang self-esteem ko?

"Tss...Ayoko nga!bakit kita gigisingin eh ang sarap kaya ng tulog mo."

Saglit akong natigilan nang bigla na namang magtama ang aming mga mata.

"S-sige mag-ayos na muna ako at bababa na.Kailangan ko pa kasing maghanda ng din-"Napatakip ako sa aking bibig.

"Amm...i mean,kailangan kong sabihan si Tita Fely na maghanda na ng dinner n-natin?ikaw,anong gusto mong dinner?"

Napakagat sya sa kanyang labi bago napapailing at tuluyan ng ngumiti.Napanguso tuloy ako nang wala sa oras.

Pinisil nya ang magkabila kong pisngi at pinanggigilan.

"Ikaw ang bahala..tutal kabisado mo naman kahit hindi mo na itinatanong sa akin."

Napakunot ang aking noo.Alam na nya na ako ang nagluluto ng mga pagkain nya?

"Anong ibig mong sabihin?"kinakabahan kong tanong.

"Alam ko na ang mga sekreto mo sa buhay,kid."

Nagtagis na naman ang aking mga bagang dahil sa narinig.Hindi naba mawala-wala sa kanyang isip ang pagtawag sa akin na kid?naiinis ako!ano ba ang gusto nyang gawin ko para malaman nya na hindi na talaga ako bata?

"At ang gusto kong gawin mo..ituro mo kay Manang Fely ang sekreto mo sa pagluluto.Ayoko kasi na nakikitang napapagod sa loob ng kusina ang asawa ko."

Saglit na namang nawala ang inis ko dahil sa sumunod nyang sinabi.

"Ayoko nga!hayaan mo na ako,Rolex!kahit sa pamamagitan man lang ng pagluluto..para kahit papaano ay mapagsilbihan kita."

Napatango-tango sya habang nakatitig parin sa aking mukha.Bumaba ang kanyang paningin sa ibabaw ng aking labi kaya kaagad kong iniwas ang aking mukha.

Curse..in the name of loveWhere stories live. Discover now