Chapter five

6.6K 203 2
                                    

I knew already that Cress Rolex was prim and proper.Siguro dahil sa kanyang katayuan sa buhay kaya sya ganyan.

Kung ano ang sasabihin nya..dapat sumunod ka nalang.Kasi kapag tinibag mo ang kanyang pasensya ay talagang makakatikim ka sa kanya ng matinding punishment.

Kaya naman noong sinabi nya na babalik ako sa lugar ko at magiging quits na kami,sumang-ayon ako kaagad kahit na nga ba labag iyon sa aking kalooban.

Mahal ko sya,oo...pero ni wala sa aking bokabularyo na magmakaawa sa kanya para kupkupin ako dahil sa ikinasal na kami at iyon ang kagustuhan ng kanyang Lolo.

Mahirap man ako...pero ni hindi ko maatim na ipakita sa kanya ang kahinaan ko.Gusto ko,nakikita nya ang katatagan ko!

Kaya ang nangyaring eksena sa loob ng restaurant ay malaking kahihiyan para sa akin.Parang inapakan ng paulit-ulit ang aking pride lalo na at nagkataong nandoon din si Rolex.

Ganito man ako pero hindi ko matanggap na kinakaawaan ako.Hindi ko matanggap na kaya nya ako sinundan dito sa labas dahil sa nakakaawa kong hitsura!

Pilitin kong ikubli ang tunay kong nararamdaman  hwag lang akong mamulubi ng atensyon para lamang mapansin nya ako.

Kilala ko sya...sya yung lalaking ayaw tinatalikuran at ayaw sinisigawan nang sinuman.

Kaya hindi na ako nagulat nang sa pagtalikod ko ay padarag nyang hinuli ang aking braso.Sa lakas ng pagkakahila nya ay muli akong napaharap at pasubsob na tumilapon ang aking katawan sa kanyang matitipunong dibdib.

Malakas kong itinukod ang kabila kong kamay sa ibabaw ng kanyang dibdib para mailayo ko ang aking katawan mula sa pagkakadikit sa kanyang matitipunong dibdib.

Ayokong isipin nya na sinasamantala ko ang pagkakataon para maidikit ko sa kanya ang aking dibdib.

Ayokong iparamdam sa kanya na isa din ako sa mga babaeng nababaliw sa kanya.

Hindi pa ito ang tamang pagkakataon na maramdaman nya ang matinding pagkakagusto ko sa kanya.

Ngayon..kung kailan na pilit ko pang inaangat ang aking sarili mula sa kahirapan.Gusto ko..saka lang nya mapapansin ang feelings ko sa kanya kung kailan na marating ko na ang rurok ng aking pangarap.

Sa mga panahon na kung saan mayroon na akong maipagmalaki.Kahit konti mapapantayan ko na sya.Hindi ko man mapantayan ang katayuan nya sa buhay,kahit yung pagiging kilala nalang pagdating sa architecture.

Gusto ko kasing ipamukha sa kanya na mali ang iniisip nya tungkol sa pagkatao ko.Mahirap man ako pero ni minsan ay hindi sumagi sa isipan ko na gamitin ang kanyang kayamanan para umunlad ako.

Gusto kong ipamulat sa kanya na kaya kong abutin ang aking pangarap kahit wala ang tulong ng iba.

Napatigil ako sa ginagawa nang bigla nyang hulihin ang kabila kong kamay at pinagsalikop iyon sa isa pang hawak nya.

Tumaas ang isa nyang kamay at mabilis na sinalo noon ang aking baba.Marahan nyang itinaas ang aking mukha kaya napatitig ako sa kanyang nagbabagang mga mata.

"Hindi pa ako tapos magsalita kaya hwag na hwag mo akong tatalikuran!"

Nakakapangilabot ang kanyang boses kaya hindi ko maiwasang hindi panginigan ng katawan.

"Wala naman po kasi akong sasabihin."

Muling nag-init ang loob ng aking mga mata.

"Fuck..."

Pabulong nyang sinabi iyon pero malinaw na malinaw sa aking pandinig.

"Do you know what time is it?hindi mo ba inisip na maaaring ikapahamak mo ang pagala-gala sa kalye sa ganitong oras?"

Hindi ko alam kung bakit paborito nyang words ang pagala-gala na yan.

"Nagta-trabaho po ako at hindi gumagala."malumanay pero mariin kong sabi.

"Nagta-trabaho ng gabi?"kumunot ang kanyang noo.

"Wala pong dahilan para ikwento ko sa inyo ang mga pinagagawa ko sa buhay ko.Ikaw na din ang may sabi na wala na tayong pakialaman sa isat-isa!kaya...pwede po ba pakawalan nyo na ako?nangangalay na po ako sa katitingala sa mukha nyo."

Kitang-kita ko ang pagtagis ng kanyang bagang dahil siguro sa pagtitimpi ng inis nya buhat sa aking sinabi.

"Ang hirap talagang makipag-usap sa isang bata."

Naningkit ang aking mga mata dahil sa narinig.

"Hindi na ako bata,Rolex!"bulyaw ko sa kanya.

Umangat ang kabilang sulok ng kanyang labi.Yun ang napansin ko bago pa nya pinakawalan ang aking baba.

"I'll take you home."

Bigla akong nagpanic kaya malakas kong nahila ang magkabila kong kamay na hawak nya.

"Ayoko!kaya ko namang umuwi na mag-isa,Rolex!"

"Glydyl!"may pagbabanta sa kanyang boses.

"Hwag mo akong obligahin...ayokong magkaroon ng utang na loob sa'yo!"

Marahas syang napa-facepalm.

"Ang tigas din ng bungo mo eh,noh?"

Malakas akong napatili nang walang babala nya akong hinapit sa aking baywang.

Napakapit ako sa kanyang damit dahil kung hindi ko gagawin iyon ay baka mabuwal ako dahil angat nya ang aking katawan gamit ang kabilang braso lamang.

Mabilis nyang binuksan ang passenger's seat nang marating namin ang kinapaparadahan ng kanyang sasakyan.

Pilit nya akong pinapasok doon kaya napahiga ako sa upuan habang nasa labas pa ang aking kalahating katawan.

Nakaangat ang aking ulo habang naghahanap ng makakapitan ang aking mga kamay.

Pilit kong inangat ang aking katawan pero nagtaka ako dahil sa bigat ng katawan na nakadagan sa akin.

Napalunok ako ng mariin kasabay ng panlalaki ng aking mga mata.Halos mabiyak ang aking dibdib sa sobrang kabang nararamdaman ko dahil sa walang kurap na pagtitig ni Rolex sa akin.

Para kaming nahipnotismo sa isat-isa.

"T-tama po kayo...I'm s-still a kid."I'm stuttering.

Mapanganib ang ginawa nyang pagngisi.

"Kanina lang,sabi mo hindi kana bata.."napakagat sya sa kanyang pang-ibabang labi.

"Kanina iyon!ang importante ay yung ngayon!"angil ko sa kanya.

"Hmm...gusto kong patunayan."

Bigla akong nataranta nang mapansin kong bumaba ang kanyang paningin sa aking labi.

"P-patunayan ang alin?"napakurap-kurap pa ako habang pilit na ipinilig ang aking ulo.

Pero gayon na lamang ang aking pagkagulat nang bigla nya akong sinunggaban ng mapusok na halik sa aking labi.

Sa una'y marahan lang ang pagdampi ng kanyang labi sa akin.Pero sa muli nyang pag-atake sa aking labi ay halos mapugutan ako ng hininga.

His kiss were so rough and hungry.Or,did i feel right?ano ba kasi ang pagkakaalam ko sa kung anong klaseng halik itong pinaparanas nya sa akin?

Unang karanasan ko ito na halikan..as in yung labi sa labi!

Kapwa kaming humihingal nang bigla nyang ihinto ang kanyang mapusok na panghahalik sa akin.

Puno ng emosyon nya akong tinitigan sa aking mga mata pagkuway bumaba na naman ang kanyang paningin sa aking labi.Wala sa loob na pinaglapat ko ang aking labi at ikinubli iyon sa kanya.

For the first time ay nakita ko sa malapitan ang pantay-pantay nyang ngipin dahil bigla nalang syang napangisi nang makita ang aking ginawa.

"Tama ka...you're still a kid."

Napakuyom ako sa aking kamao.

"Damn you!"Bulyaw ko sa kanya dahil sa sobrang inis ko.

☆☆☆

Curse..in the name of loveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang