Chapter four

6.4K 203 5
                                    

Sa buhay na ito ay hindi ko man lang inisip na manlinlang ng tao o magmakaawa para bigyan ako ng atensyon o paglaanan ng pagmamahal.

Ano man ang mayroon ako ngayon ay pinaghirapan ko iyon.

Nagiging chef ako sa restaurant na ito nang manalo ako sa cooking contest at nagkataon na nagiging judges ang may-ari nitong restaurant.

Nag-offer sya ng trabaho sa akin na kaagad ko namang tinanggap dahil kailangan ko iyon para maitaguyod ang aking pag-aaral.

Ang trabahong ito ang tumulong sa akin para umusad ako sa buhay.

Mahirap man at nakakapagod pero kinaya ko iyon.Inisip ko na hindi naman madali kapag naghahanap ka ng pera.Nagpapasahod naman sila ng maayos.Madali akong makontento.

Ngayon buo na ang aking disisyon bago ako magpaalam sa lalaking kaharap ko.

Hindi ko kailangan ang dobleng sahod.Ang kailangan ko ay yung tapat na paglingkuran ang tao na syang dahilan kung bakit hindi ako naghihirap ngayon.

Kung hindi ako nakapagtrabaho sa restaurant na ito..anong buhay kaya mayroon ako ngayon?

Inantay kong matapos kumain yung lalaki bago ko naisipang magpaalam.

"Sir,tutal tapos na po kayong kumain..siguro naman pwede na akong bumalik sa aking trabaho?"

Puno ng kuryusidad ang kanyang mukha habang nakatitig sya sa aking mukha.Tinatanya kung ano ba talaga ang tunay kong saloobin.

"Tatawag nalang po ako kung napag-isipan ko na ng maigi ang tungkol sa offer nyo."kimi akong ngumiti.

Nabanaag ko sa kanyang mukha ang matinding disappointment.Disappointment saan?dahil hindi nya kaagad nakuha ang sagot ko?ano ba kasi sa akala nya?na kaagad akong maeengganyo sa doubled salary na pinarinig nya?

Tsk!hindi ako ganoon kababaw mag-isip!

"Aasahan ko ang tawag mo..."

He pressed his lips bago pilit na ngumisi..para tuloy akong kinilabutan sa ganoong gesture nya.

I know he's handsome pero hindi parin nya nalalamangan kung gaano kakisig si Cress Rolex my love.

Marahan na akong tumayo pero ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang bigla nalang may dumating na babae at walang babala na dinampot nya ang baso na may lamang juice bago nya pagalit na binuhos iyon sa aking ulo.

"YAN ANG NARARAPAT SA BABAENG MALANDI NA KATULAD MO!"

Mariin akong napapikit.Hindi dahil sa paglandas ng malamig na tubig mula sa aking ulo pababa sa mukha at tuloy-tuloy sa aking dibdib at balikat..kundi,dahil sa pagkapahiya gawa ng lakas ng sigaw nung babae.

Nangilid ang mga luha sa bawat sulok ng aking mga mata nang bahagya kong imulat iyon.Nakatuon sa akin ang atensyon ng lahat.

Mga mapanghusgang mata ay ngayon nakatutok sa akin..napuno ng bulong-bulungan ang loob ng restaurant.

"What the  hell are you doing!?we're talking about business and nothing else!!"

Napaatras ako at hindi ko na pinansin ang biglang pagbulyaw nung lalaki doon sa babaeng dumating.

Huli na ang lahat...napahiya na ako..nasira na ang dignidad ko sa mata ng nakasaksi dito ngayon.

Huminga ako ng malalim para kumalma ang aking sarili.Sa huling pagkakataon ay muli kong nilingon ang table nila Rolex.

There!i saw him standing and staring at me intently.Mas lalo akong napahiya sa sarili nang mapagtantong isa si Rolex sa nakasaksi sa nangyaring kahihiyan kong ito.

Curse..in the name of loveحيث تعيش القصص. اكتشف الآن