Chapter forty-two

6K 178 2
                                    

Rolex's POV

Hindi ko alam kung ilang oras na ako sa ganitong posisyon.Nakasandal ang likod sa headboard ng kama habang nakayakap sa aking baywang ang braso ni Glydyl at nakadantay naman sa ibabaw ng aking hita ang kanyang paa.

Mahimbing ng natutulog ang aking asawa.Marahan kong hinawi ang ilang hibla ng kanyang buhok na bahagyang tumakip sa kanyang pisngi.Napagod siguro.Bahagya akong napangiti bago ibinaling sa hawak na cell phone ang buong atensyon.

Three days ago.I texted my mother.

<Ma,i call you when i am ready.>

Kauna-unahang mensahe na pinadala ko sa kanya sa loob ng labing-walong taon.I feeling guilty,though...

Sa unang araw ng pag-alis nya noong sampung taon pa lamang ako ay hindi naman sya nakalimot na tumawag sa amin ni Lolo.Ako lang naman itong ayaw kumausap sa kanya.

'Kausapin mo na kasi...mayroon ka pang nalalaman na 'I'll call you when i am ready!' kailan naman daw iyon?kung magkakaapo kana?mabuti pinapatulog ka pa ng konsensya mo!Mama mo parin sya,Rolex...at hindi mo maalis ang katotohanang iyon.Ako nga,kung pwede ko lang kausapin ang namayapa kong ina...baka hindi lang minsan sa isang segundo....kaya lang paano naman?wala na sya.'

Lumipad kaagad sa ibabaw ng bedside table ang aking paningin nang paglabas ko mula sa banyo ay yun kaagad ang ginawang pambungad ni Glydyl sa akin.

Paano nya nabasa ang message kong iyon samantalang nasa library ako nang magsend ako ng message para kay Mama?At kung hindi ako nagkakamali,nilagyan ko ng password ang aking cell phone.At ako lang ang nakakaalam ng password na iyon.

Marahan akong lumapit sa kanyang kinahihigaan pero maagap syang nakapagtalukbong ng kumot.

'I'll dreaming last night about the message you sent..kaya alam ko.'

Napatili sya ng malakas nang ibinagsak ko ang aking katawan sa ibabaw ng kumot na kung saan nasa ilalim parin sya at nagkukubli.

'Yung totoo.'i warned her.

'Rolex,ano ba!yung baby natin hindi na makahinga!!'

Bigla akong nataranta sa kanyang sinabi pero hindi ko pinahalata.

'Pinakialaman mo ba ang cell phone ko?paano mo nabuksan,huh?huh?'

Kiniliti ko sya nang kiniliti hanggang sa mapahiyaw na sya ng malakas dahil sa malakas na tawa.

Sa wakas inilabas na din nya ang kanyang ulo mula sa ilalim ng kumot bago seryosong napatingin sa akin.Kinabahan tuloy akong napahinto sa pangingiliti sa kanya.

'Kausapin mo na ang Mama mo,Rolex!sige ka...baka maisipan kong iiwanan kang mag-isa.Tatakasan ka namin ng anak mo,hmp!'

Alam kong biro lang nya iyon pero kinabahan parin ako sa kanyang sinabi.

Huminga ako ng malalim nang manumbalik sa realidad ang aking pag-iisip.Muli kong tinitigan ang hawak na cell phone.

After a deep sigh..i found myself dialling my Mom's number.

'Hello?'

Biglang nanlamig ang aking mga kamay nang dumaan sa aking pandinig ang malamyos na boses na iyon.

Kahit gaano man katagal ang panahong lumipas...hindi rin pala nagbabago ang boses ng isang tao...or,marahil...hindi ko naman talaga nakalimutan ang boses ni Mama.

'Rolex,anak?ikaw ba yan?'medyo gumaralgal ang kanyang boses.

Bumalik sa aking alaala ang luhaan nyang mukha nang mamatay si Papa.

"Ma."

Napalunok ako ng mariin.Hindi ko akalain na parang nagkaroon ng bikig sa aking lalamunan nang banggitin ko ang kataga na kaytagal ko na ding hindi nasasambit.

Kasunod nun ay malakas na singhap mula sa kabilang linya ang narinig ko.

'I miss you.Oh god!i miss you so much,anak!!'

Biglang nag-init ang bawat sulok ng aking mga mata nang marinig ko ang paghikbi ni Mama.

'Kamusta kana?'

Nag-ipon muna ako ng lakas ng loob bago sumagot.

"I'm fine Ma.I'm...doing fine."

Naramdaman ko ang ganitong kapanatagan not until..my wife came in my life.Sya ang dahilan ng lahat ng ito.

'I'm so glad to hear that from you,anak...how's your wife doing...masaya ka ba sa piling nya?at kamusta na din ang Lolo mo?'

"Kailan mo balak bumalik ng Pilipinas?para makita mo si Lolo at para makilala mo ang asawa ko...and one more thing,Ma...magkaka-apo na din kayo.My wife was pregnant at the moment.Sana...sana kahit man lang yung anak ko,ang dahilan ng pagbalik mo dito?"

Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin matapos kong sabihin iyon.

'Anak,kung pwede lang sana...why not,diba?pero kasi...hindi na ako papayagan ng asawa ko na bumalik ng Pilipinas.I'm sorry,okay?'

Ito na nga ba ang sinasabi ko.Ang ayokong marinig.Ayoko ng disappointment..pero ano pa nga ba ang magagawa ko?Noon pa man,mas pinili na nya ang kanyang pangalawang pamilya.May dahilan pa ba para magtaka ako ngayon?

"Ayos lang iyon Ma..ang importante masaya kayo sa buhay nyo.Alagaan nyo sanang mabuti ang sarili nyo.Sige po Ma...ibababa ko na po ang tawag.Palagi po kayong mag-iingat."

Marahan kong ipinatong ang hawak na cell phone sa ibabaw ng bedside table bago ako napadausdos para umayos ng higa sa tabi ni Glydyl.

Isinubsob ko ang aking mukha sa kanyang leeg.Doon hinayaan kong lumandas ang aking luha.

Takte!bakit nga ba ako umiiyak?

"Are you sleeping,wife?"

Walang sagot.Niyapos ko ng mahigpit ang kanyang katawan habang nakabaon parin sa kanyang leeg ang aking luhaang mukha.

"Mabuti nalang,nandito ka...kung hindi,baka hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa sarili ko."

"Rolex,ano ba?para kang bakla!bakit ka umiiyak?"

Napatigil ako sa pag'e-emot at marahang inangat ang mukha.Nakapikit si Glydyl pero halata kong nagpipigil sya na hwag mapangiti.

"Bakla pala,huh?"

Hinawakan ko ang kanyang kamay at marahang idinantay sa natutulog kong halimaw.

Napangisi ako nang bigla syang napamulat ng mata.Kaagad nya akong pinandilatan sabay bawi sa kanyang kamay.

"Rolex,nakailang beses kana,ah!"singhal nya sa akin.

Napakagat ako sa aking labi bago naghanap ng isasagot.

"Eh,ano kung gusto ko pa?"hamon ko sa kanya.

"Magpatulog ka,hoy!!"

Natatawa akong niyakap syang muli bago ko kinintalan ng halik sa kanyang labi.

"Matulog kana nga,dahil bukas ng gabi...mayroon kang katatagpuin ng pinaka-importanteng tao na maging bahagi na ng iyong buhay kapag makilala mo na sya."

Bigla syang napanguso.

"Maliban kay Lolo ikaw lang naman yata ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko,Rolex!kaya pwede ba hwag mo nga akong idamay dyan sa pagda-drama mo!"

"Hindi ito biro...basta prepare yourself for tomorrow."

Nagtataka syang napatingin sa akin.Akala ko makipag-debate na naman sya sa akin pero ang kasunod nun ay paghikab nya ng malalim bago marahang napapikit.

Masyado lang syang inaantok para komprontahin ako.

Bukas,makikilala mo na ang iyong ama...wife.Matatanggap mo man o hindi,karapatan mo ding malaman kung ano ang totoo.

☆☆☆

Curse..in the name of loveWhere stories live. Discover now