Chapter thirty-nine

5.6K 176 4
                                    

Glydyl's POV

Ingay ng cell phone ang gumising sa akin kinabukasan.Tinatamad kong kinapa ang kinahihigaan ni Rolex pero empty na iyon.Wala sa sariling umusog ako sa kanyang pwesto para maabot lamang ang cell phone na nag-iingay sa may bedside table na nasa gilid ng kanyang kinahihigaan.

Haist!sino ba itong nambubulabog ng ganito kaaga?muntik ng maabutan ng tawag ang oras ni Rolex na kung kailan nakabaon pa sya sa akin.Napahagikhik ako ng tawa dahil sa naisip.Kailan pa ako naging pilya?Rolex na yun...nahawaan na ako sa pagka-addict nya sa---

"Hello?"

Masyadong sabog pa ang aking utak para ma-realize kung sino ang tumatawag at kung kaninong cell phone itong hawak ko.

Nadi-distract din ako sa ingay ng lagaslas ng tubig na nagmumula sa shower room.Sabado naman ngayon ah!bakit ang aga naman yata ni Rolex na gumising para maligo?

'Rolex,anak....'

Napakurap ako at tuluyan ng nagising ang aking diwa nang marinig ang sagot na nagmumula sa kabilang linya.Maagap kong nailayo mula sa aking tainga ang hawak na cell phone bago tiningnan ang pangalan na nag-appear sa screen ng phone.

Mama....

Mama?oh.my.god.

Nanginginig ang aking kamay bago muling inilapat sa tainga ang phone.This time ay naging mailap na ang aking mga mata.Binalot ako ng takot habang nakatutok ang paningin sa may pintuan ng banyo.

"Nasa banyo po si Rolex,Madam..."halos mapugutan ako ng hininga dahil sa pagtitimpi na hwag manginig ang aking boses.

'At sino ka?bakit nasa iyo ang cell phone ng anak ko?'

Hindi ko alam na nakakapanginig din pala ng katawan kapag nakakausap mo ang isang tao na malapit sa buhay ng lalaking mahal mo.

"Asawa po ako ni Rolex,Madam."wala sa loob kong sagot.

'Asawa?may asawa na pala sya...nakakalungkot,ni hindi ko man lang nasilayan ang mahalagang araw na iyon sa buhay nya.Kamusta na sya?'

Naramdaman ko ang matinding kalungkutan na bumabalot sa kanyang boses.

"Maayos naman po ang kalagayan nya.Hindi ko naman po sya pinapabayaan."honest kong sagot.

'Mabuti naman kung ganoon.Walang araw na hindi ko sya naiisip.Katunayan nyan,miss na miss ko na sya kaya lang ni minsan...hindi ko man lang narinig ang kanyang boses.Hwag mo sana syang pababayaan,hijah!hindi man kita nakikita...nararamdaman ko kung gaano mo kamahal ang aking anak.'

"Opo."

Na-end ko kaagad ang call nang hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos nang biglang magbukas ang pintuan ng comfort room.

Buong buhay ko ay hindi ako nakaramdam ng takot.Pero ngayon---pakiramdam ko ay nakagawa ako ng napakalaking kasalanan!

"May kausap ka?"bungad ni Rolex sa akin.

Gusto kong sumagot at kaagad na humingi ng paumanhin pero ni hindi ko magawang ibuka ang aking bibig para magsalita.Sa pagtataka ay kaagad ng nakalapit sa aking kinahihigaan si Rolex bago tinanggal mula sa aking kamay ang hawak kong phone.

Napadausdos ako sa ilalim ng kumot at nagtalukbong.Tanging mga mata ko lamang ang nakalabas para makita ko kung ano ang gagawin ni Rolex sa akin kung sakali.

"Fuck it!!why did you receive her call!?"

Sabay ng pagsinghal nya sa akin ang pagbato nya ng hawak na cell phone sa sahig.

Ang takot na kanina'y nararamdaman ko ay mas lalong lumala pa.Alam ko naman na nakakatakot kapag magalit si Rolex pero ngayon ko lang talaga napaniwalaan na totoo iyon.

Curse..in the name of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon