Chapter twenty

6.3K 182 2
                                    

Rolex's POV

Claiming her as my wife is like the one of my greatest achievements in life.

Hindi ko mapigil-pigil ang ngiti na kumawala sa aking labi habang pauwi na kami ng bahay.

The contentment filled my heart without any hesitation.

Noon,hindi ko nararamdaman ang ganitong saya kahit na nga ba lahat ay pwede kong makuha kahit sa isang pitik lamang ng aking daliri.

Nilingon ko si Glydyl na tahimik lamang habang nakatitig sa daan.Hindi ko mawari kung ano ang dumadaloy sa kanyang isipan.

Alam ko...ang hirap makipag-deal sa isang bata.But..oh God!ni hindi ko maisip na lahat ginagawa ko mapaamo ko lang sya.

Commitment is the words that i hated the most!dahil ayoko ng sakit ng ulo at maraming iniisip.Pero heto ako ngayon...parang baliw na hindi na mapakali sa loob ng aking trabaho sa isiping baka tatakasan na naman nya ako.

Alam ng lahat kung gaano ka-importante sa akin ang oras ng trabaho ko.I don't waste my time for nothing.But look what happened?napasugod ako sa university na pinapasukan nya para lamang ma-confirm ko na maiuuwi ko ulit sya sa bahay.

Naalala ko kaninang umaga..halos sasabog ako dahil sa inis ko nang magising ako na wala na sya sa tabi ko.

Alam kong masama ang kanyang pakiramdam kaya gusto kong makinig sya sa akin na hwag papasok ngayong araw at magpahinga nalang sa bahay.

Pero nang marinig ko ang rason nya..kaagad akong naintriga.Naalala ko ang guhit ng skyscraper sa ibabaw ng mesa noong pumasok ako sa kanyang bahay.

Doon ko na-confirm na sya pala talaga ang gumawa nun.Naramdaman ko kung gaano kahalaga sa kanya ang kanyang pag-aaral at wala akong lakas ng loob para pigilan sya sa gusto nyang mangyari sa kanyang buhay.

She's too young at the moment.Marami pang achievements ang gusto nyang makamit sa abot ng kanyang makakaya.At ang tanging magagawa ko lang ay suportahan sya para maabot nya ang mithiing iyon.

Sa loob ng isang araw ay unti-unti kong nakilala kung anong uri ng pagkatao mayroon sya.

Gusto ko tuloy sabunutan ang aking sarili kapag manumbalik sa aking isip kung gaano katagal kong dinadala sa aking puso ang pagkasuklam ko sa kanya.

Noong marinig ko kanina ang kanyang reklamo na nagback-out ang mag'e-sponsor sa kanya?para akong nabigyan ng pagkakataon na mapalapit sa kanya ng husto.

Actually,gustong-gusto ko talagang makita ang mga design na gawa nya.Kaya pagkakataon ko na ito.

Kinausap ko na sya kanina na ihahatid ko lang sya sa bahay at babalik ako kaagad sa trabaho.Tinawagan ko na din si Manang Fely na palalabhan kaagad sa tagalaba ang lahat ng damit ni Glydyl na binili namin ngayon.Matutuyo na iyon hanggang mamayang gabi lalo na at may dryer machine naman sa bahay.

Naisip ko kasi na utusan nalang ang aking secretary na pumunta sa university na pinapasukan ni Glydyl mamaya at sya na din ang makipag-usap sa in charge ng event.

Kung sino man ang sponsor na nagback out na iyon.Malaking kawalan ang ginawa nya.Kahit hindi ko pa nakikita ang mga sample ng design ni Glydyl ay alam ko na kung gaano iyon ka-unique base narin sa nakita kong drawing ng skyscraper na nasa ibabaw ng mesa nya noong nakaraang araw.

Nagulat ako nang bigla nalang tumunog ang aking cell phone.Maagap kong sinilip iyon at kaagad kong si'nilent nang lumitaw ang pangalan ng caller.

Napatingin sa akin si Glydyl at kunot-noong napatanong.

"Sino?bakit hindi mo sinagot?"

Buong buhay ko ngayon lang ako kinabahan sa tanong nya.Noong nakaraan,gusto ko syang papagselosin..pero ngayon,iniingatan ko ang damdamin nya na hwag masaktan.Ayokong magkaroon ng dahilan para magalit sya sa akin.

Curse..in the name of loveNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ