Chapter thirty-eight

5.8K 195 4
                                    

Bilang ama..nababanaag ko ang matinding pag-aalala na nakarehistro sa mukha ni Don Milano nang salubungin nya ako habang karga ko sa magkabilang braso si Glydyl.

Balak nya sanang hawakan ang aking asawa pero naramdaman ko ang pagbaon ni Glydyl ng kanyang mukha sa aking dibdib.Kaya wala akong nagawa kundi ang iiwas sya sa matanda.

Nagtagisan kami ng titig bago ako tuluyang humakbang papalayo sa kanya.

"Mr Rafonso-"

"Ako na po ang bahala sa kanya at hwag kayong mag-alala."putol ko sa kanyang sasabihin.

Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng bahay bago umakyat sa hagdan para tunguhin ang aming silid.

Dumeretso ako sa loob ng banyo bago ko marahang ibinaba si Glydyl.

"Maayos ka lang ba?may masakit ba sa'yo?"basag ko sa katahimikan.

Umiling lamang sya habang nakatitig sa kawalan.Hinanap ko ang zipper ng suot nyang gown para mahubaran sya pero pinigilan nya ako.

"Ako na Rolex.Ayusin mo na ang sarili mo.Magbihis ka kaagad at bumaba ka ulit.Hwag mong pabayaan ang mga bisita sa baba."

"Damn it!halos mamatay na ako sa pag-aalala sa'yo tapos mga bisita parin ang iniisip mo?Ano ba kasi ang nangyari?paano ka nahulog sa swimming pool?"

Wala akong balak na pagtaasan sya ng boses pero hindi ko talaga maawat ang aking sarili.

"Wala.Masyadong mahaba lang itong suot kong gown,naapakan ko yung laylayan kaya na-out of balance ako."sabi nya sabay iwas ng paningin.

Mabilis kong hinawakan ang kanyang baba at muling pinaharap sa akin ang kanyang mukha.

"Yung totoo,Glydyl."

Sa loob ng mahigit isang buwan naming pagsasama ay kilalang-kilala ko na sya.Alam ko kung kailan sya nagsisinungaling at kung kailan hindi.

"Sinabi ko na nga diba?ang kulit mo!"nakanguso nyang sagot.

Basta tumutulis ng ganito ang kanyang nguso,alam ko na---

"Glydyl."may pagbabanta na sa aking boses.

"Oo na magkekwento na!may biglang dumaan sa likuran ko at nabundol nya ako kaya hayun tumilapon ako sa tubig."

Napakuyom ako ng mahigpit sa aking kamao.

"Nabundol o kusa kang tinulak?"

"Hindi ko alam...abala kasi ako sa pakikinig sa mga kwento ni Elaine kanina.Kaya nagulat nalang ako dahil namalayan ko nalang ang aking sarili na hindi na makagalaw sa ilalim ng tubig kasi nabuhol yung laylayan ng gown sa paa ko."

"Nakilala mo ba kung sino?"

Tanong ko kahit alam ko na kung sino ang makakapagtangka na gumawa nun sa kanya.

"May oras paba akong lumingon para kilalanin kung sino iyon?eh muntik na nga akong hindi makahinga dahil sa nilamon na ako ng damit ko sa ilalim ng tubig?mag-isip ka nga!"pinandilatan pa nya ako.

"Okay...okay...sige tanggalin mo na yang damit mo para makabihis kana.Hindi pwedeng lamigin ang baby ko."

Namilog ang kanyang mga mata dahil sa narinig.

"A-anong baby ang pinagsasabi mo?"

See?wala pala talaga syang balak na sabihin sa akin,huh!

Lumabas ako mula sa banyo at tinungo ang drawer sa may ilalim ng towel rack.Tinanggal ko mula doon ang pinulot kong pregnancy test na tinapon nya noong nakaraang araw.

Curse..in the name of loveWhere stories live. Discover now