Chapter twenty-five

6.1K 172 6
                                    

Rolex's POV

Napakuyom nalang ako sa aking kamao nang pabagsak nyang isara ang pintuan sa may passenger's seat pagkapasok nya sa loob.

Ano ba ang ikinagalit nya doon?eh,ano kung hinalikan ko sya dito sa harapan ng mga estudyanteng ito?

Hindi naman malalim ang pagkakahalik ko sa kanya,ah!naglapat nga lang ang mga labi namin.

Ito na nga ba ang sinasabi ko!ang hirap makipag-deal sa isang bata..sumasakit ang ulo ko kung paano ko sya pakikisamahan.

Bago ako umikot sa may driver's seat ay mapanganib ko munang tinapunan ng paningin ang mga iilang estudyante na nakatingin sa akin.

Para bang pinapahiwatig ko sa kanila na hwag na hwag nilang gagalawin ang asawa ko dahil kung hindi malilintikan talaga sila sa akin!

Marahan ko nang binuksan ang pintuan bago ako maayos na pumwesto sa may driver's seat.Nilingon ko muna si Glydyl bago ko ikinabit ang seatbelt ko.

Naka-side view sya mula sa aking pwesto at ni hindi man lang nya ako tinapunan ng paningin.

Marahan kong pinadausdos ang aking kamay pababa sa kanyang kamay.Pero maagap nyang pinalis ang kamay ko kaya napunta iyon sa ibabaw ng kanyang hita.Napakagat ako sa aking labi bago ko marahang pinisil ang kanyang hita.

"Rolex,ano ba!"

Singhal tuloy ang inabot ko.Napapailing nalang ako bago ko binuhay ang makina ng sasakyan.

Ang init ng ulo.Daganin kita dyan eh!para huhupa yang init ng ulo mo..tss.Tingnan ko lang kung hindi sya mapasigaw habang nagwawala sa ilalim ko.

Bigla nalang akong napangisi dahil sa naisip.

Pero teka...bakit ba sya nagalit sa halik ko?hindi kaya napipilitan lang talaga si Glydyl na pakisamahan ako?hindi kaya  mayroon naman talagang nagmamay-ari sa kanyang puso na kasing-edad din nya?

'My inspiration was him.'

Bigla kong naalala yung nakasulat sa gilid ng drawing na nakita ko sa ibabaw ng lamesa noon.

Fuck!sino ang tinutukoy nya?at bakit para akong sinasakal sa isipin na baka mayroon syang ibang gusto?

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa steering wheel at wala sa loob na pinasibat ko iyon ng takbo na sobrang tulin.Gasgasero akong mag-drive lalo na at masama ang loob ko.

Natauhan lang ako nang maramdaman ko ang mainit na palad ni Glydyl.Hinawakan nya ako sa aking braso bago sya tarantang nagsalita.

"Rolex,dahan-dahan naman sa pagdrive!baka mabangga tayo!"halata sa kanyang boses ang pagpanic.

"Hindi kana galit?"Tanong ko habang concentrate parin sa daan ang atensyon.

"H-hindi na!"

"Kahit na hahalikan kita kahit saan ko gusto?"tanong ko ulit.

Humigpit ang kanyang mga kamay na nakahawak sa aking braso.

"Ano ba kasi ang dahilan kung bakit ka nanghahalik?"

Imbes na sumagot ay iyon ang itinanong nya.Mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo.

"Asawa kita at pag-aari na kita kaya pwede kong gawin kung anuman ang gusto kong gawin sa'yo kahit kailan at saan ko gusto!"

Mahabang katahimikan ang namayani bago ko dinugtungan ang aking sasabihin.

"Bakit ba ayaw mo?siguro may inililihim ka sa akin!natatakot ka bang makita ng lalaking gusto mo na hinahalikan kita!?"I gritted my teeth habang inaantay ko ang kanyang sagot.

Curse..in the name of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon