Chapter eight

6K 173 4
                                    

Badtrip ako buong araw sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Mas lalo pa akong nairita nang isa-isahin kong tingnan ang mga drawing na ipinatong ng aking sekretarya dito sa ibabaw ng aking mesa.

What kind of architect are they?wala man lang kapote-potential itong mga gawa nila.

There's something missing...

Hinanap ko ang drawing ni Anderson.Isa kasi sa mga gawa nya ang napili ko last year.Yun ang design ng skyscraper na pinapatayo nila ngayon na naaayon sa aking gusto.

It was simple but unique.Pakiramdam ko ang design na iyon ay kakaiba sa lahat.

Lahat ng anggulo ay parang may meaning.Malalim at kaakit-akit.

Napabuga ako ng hangin habang tinititigan ko ang drawing ni Anderson.Malayo ito sa gawa nya noong nakaraan.

Wala sa loob na itinabi ko ang malapad na papel.Katulad ng iba ay hindi ko rin nagustuhan iyon.

Parang pangkaraniwang drawing lang iyan sa isa sa mga nagkalat na building dyan sa tabi.

Tumayo na ako at marahang inayos ang aking suot.Bisitahin ko ang site ngayon at gusto ko ring makausap si Anderson.

Nangako sya sa akin na mayroon syang ipe-present na kakaibang design ilang linggo na ang nakaraan.Hwag nyang sabihin sa akin na itong drawing nya ngayon ang tinutukoy nya?

What a waste of time..napapailing nalang ako habang tinapunan ng panghuling tingin ang mga nakabalandang papel sa ibabaw ng aking mesa.

*

*

*

Malayo palang ay natanaw ko na si Anderson habang nakatingala sa matayog na tower na pinapatayo nila sa kasalukuyan.

My tower.

Saglit ko ring tinapunan ng paningin ang napakagandang design ng skyscraper sa harapan bago ko ibinaling muli kay Anderson ang paningin.

Oh wait...he wasn't alone.

Bahagyang nakatagilid yung babae  mula dito sa kinaroroonan ko kaya  nahihirapan akong makita ang kanyang mukha.

Pinakatitigan ko ang babae.Mula sa balingkinitan nyang katawan.Napatitig ako sa lampas balikat na makintab at maitim nyang  buhok.

Bakit parang pamilyar sya sa akin?

What the-

Napakurap ako nang bigla syang lumingon at kitang-kita ko ang ganda ng kanyang pagkakangiti habang nakatingin kay Anderson.

Biglang sumikip ang aking dibdib nang makilala ko yung babae.

That kid...what is she doing here with Anderson?and with that pretty smile plastered in her lips?

Fuck!

Dahil sa inis ko ay bahagya kong ginilid ang pagkaparada ng aking sasakyan.Naapakan ko ng bigla ang brake nang may bagay akong nabundol.

Shit!Nagasgas na ang sasakyan ko!!

Inis akong bumaba mula sa driver's seat at mabilis na umikot sa harapan.

Isang lumang bisekleta ang naka-tumbling sa harapan ng aking sasakyan.

Napakuyom ako sa aking kamao bago tinungo ang kinatatayuan ng dalawa.

Ilang oras akong naghintay sa pagbabalik nya tapos nandito lang pala sya  sa territory ko at nagliliwaliw kasama pa ang architect na gumagawa nitong tower na pag-aari ko?

Curse..in the name of loveWhere stories live. Discover now