Chapter thirty-two

5.8K 161 6
                                    

Magkahalong kaba at excitement ang aking nararamdaman nang makapasok ako sa malaking pintuan ng main exhibition hall.

Sa wakas dumating na din ang araw na pinakahihintay ko.Noon,panaginip ko lang ang lahat ng ito.Ang makatunton sa lugar na ito na tanging mayayaman lamang ang makaka-afford ay isa lamang pangarap.

Pero ngayon,habang inililibot ko sa malawak na espasyo ang aking paningin na kung saan ibat-ibang uri ng mani-obra ang naka-display...alam ko sa sarili ko,hindi lamang ito isang panaginip.Ang matagal ko ng pinapangarap ay ngayon nagkatotoo na.Alam kong ito ang reality.

Halos malula ako sa daming tao sa aking paligid.Nakakabingi ang halakhakan ng bawat isa habang pinupuri ang bawat disenyo na naka-hilera sa bawat pwesto nito.

Saang banda kaya nakalagay yung akin?Nagpalinga-linga ako sa paligid habang inaantay ang taong nag-sponsor sa akin na nangangalang Miss Lory.

Ihinatid kami ng school bus papunta dito.Actually,hindi lang naman ako ang napili mula sa university namin.Marami kami.May tig'i-isang representative mula sa first year hanggang fourth year college.At sobrang pasasalamat ko dahil isa ako sa napili mula sa second year college.

Mabuti nalang at may isang Miss Lory na nagtyaga sa akin nang talikuran ako ng malditang Samantha na yun!kung hindi,wala ako dito sa loob ng main exhibition hall na ito ngayon.

Paatras akong humahakbang habang manghang-mangha sa mga nakikita kong magandang design.

Napatigil lang ako nang mayroong matigas na bulto akong nabunggo.

Mabilis akong humarap para makita ko kung sino ang nabangga ko mula sa aking likuran.Wala sa sariling napalingon din ang nakatalikod na matangkad na mama.

Tuluyan na syang napaharap kaya naman naaninag ko kaagad mula sa kanyang tindig na isa syang respetadong tao.

Saglit na nagtama ang aming mga mata at hindi ko maintindihan kung bakit bigla nalang akong sinalakay ng matinding kaba sa aking dibdib habang nakatitig sa kanyang mga mata.

He's a stranger to me pero bakit pakiramdam ko ay kilala sya ng buo kong pagkatao?mayroon bang ganoon?

Na kahit ngayon mo lang nakita ang isang tao..kapag nagtama ang inyong mga mata ay mararamdaman mo na parang mayroon kayong connection sa isat-isa?

Kumurap ako at para maalis sa aking mga mata ang mga nakikita ko ngayon sa imahe ng lalaki.Pero kahit nakailang beses na akong napakurap ay ganoon at ganoon parin ang nababanaag ko sa kanyang mukha.

Bakit...bakit ko nasasalamin sa kanya ang aking hitsura?Ahhh...namalik-mata lang siguro ako.

"Pasensya na po,Sir!hindi ko po sinasadya na mabangga kayo."hingi ko ng paumanhin.

Napakagat ako sa aking labi nang mapansin ko na hindi parin nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha.Seryoso parin syang nakatitig sa akin.Mas lalo tuloy akong kinabahan.

"Glydyl Assi?"

Isang mabining boses mula sa likuran ang kumuha sa aking atensyon.Marahan akong lumingon at kasunod nun ang banayad kong paglunok.Isang matangkad na may slender body ang babaeng bumungad sa akin.Hindi naman sya ganoon kaganda pero nababanaag ko sa kanyang tindig ang pagiging smart at pagka-edukada.

"Opo..ako nga po."

Maagap kong sagot kahit na naglalaro sa aking utak ang tanong na kung paano nya ako nakilala samantalang ngayon ko lang sya nakita.

Sumilay ang magandang ngiti sa kanyang labi matapos nya akong pakatitigan ng mariin.

"Ako nga pala si Miss Lory.Tayo na at igigiya kita sa magiging pwesto ng mga design mo.Naka-arranged na lahat ang mga gawa mo.Good luck!"nakangiti nyang sabi bago ibinaling doon sa lalaki ang paningin.

Curse..in the name of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon