Chapter thirty-seven

5.7K 191 4
                                    

Rolex's POV

Huminga ako ng malalim matapos kong pabalikin sa kani-kanilang pwesto ang mga bisita para ipagpatuloy ang kasayahan.

Sumilay ang ngiti sa aking labi nang balingan ko ang tahimik na si Glydyl.

"Wala kang imik..."

Kinintalan ko sya ng halik sa kanyang pisngi bago pinakatitigan ng mariin.Ni hindi ako makapaniwala na nagkaroon ako ng asawang napakaganda.

"Totoo ba iyon?o,drama mo lang?"nakanguso nyang tanong.

"Ang alin?"kunot-noo kong tanong.

"Yung ibinunyag mo ngayong gabi..."

"Ayan kana naman...alam mo ikaw,nagdududa na ako sa'yo!bakit ba parang takot na takot ka na malaman ng iba na mag-asawa na tayo?"

Tinaliman nya ako ng tingin bago siniko sa aking tagiliran.

"Pinag-iisipan mo ako ng masama?samantalang ikaw nga itong may ibang babae!"angil nya sa akin.

What the----may ibang babae?

"Anong ibang babae na pinagsasabi mo?"

Ni hindi ko nga naranasan na magkaroon ng girlfriend,magkaroon pa kaya ng ibang babae?

"Magkakaila ka pa?at sino yung babaeng kayakap mo kanina,huh?diba nga matagal na kayong may relasyon ng babaeng iyon?hwag na hwag kang magsisinungaling sa akin dahil nakita ko rin na magkasama kayo dati kaya useless lang ang mga rason mo na yan,Rolex!"

Alam kong may dahilan kung bakit sya nagkakaganito.Napansin ko na ang laging mainitin ng kanyang ulo nitong mga nagdaang araw.

"Ah,at anong dahilan kung bakit ka bumalik kanina?sana lumapit ka nalang para naipakilala kita sa kanya ng maayos.Kaibigan ko lang si Samantha.Matalik na kaibigan.At saka correction,hindi kami magkayakap kanina kundi nagsasayaw lang kami.Ayaw ko naman na mapahiya sya sa harapan ng mga kakilala namin kaya pinagbigyan ko nalang nang yayain nya akong sumayaw.Alam naman ng lahat ang pagiging magkaibigan namin."

Napakagat ako sa aking labi bago ko sya inilapit sa aking dibdib.

"Bakit ka nga ba umalis,huh?nagseselos ba ang asawa ko?pinagseselosan mo ba si Samantha?"lumapad ang aking pagkakangiti lalo pa at napansin ko ang pamumula ng kanyang pisngi.

Inirapan nya ako bago sumagot.

"Anong nagseselos ka dyan?mukha nya pagseselosan ko,hmp!at ikaw Rolex ha siguraduhin mo talaga na magkaibigan lang kayo ng babaeng iyon!"

"Kung hindi ka nagseselos...bakit ka nagagalit?"Yumukod ako at idinantay sa ibabaw ng kanyang  balikat ang aking  baba.

"Hindi ako nagagalit!"matigas nyang sabi.Napangiti naman ako bago muling sumagot.

"Bakit ka pagalit kung magsalita?"

"Hindi ako nagagalit."

Tuluyan na akong napangisi bago tuluyan syang niyakap.

"Ikaw lang ang babae sa buhay ko,Glydyl.Wala ng iba."taos-puso kong sabi.

Naramdaman ko ang marahang pagpulupot ng kanyang braso palibot sa aking baywang.Hayyy...kailan ko pa naranasan ang ganitong pakiramdam?ngayon lang yata.

*

*

*

Inakay ko sya sa likod ng bahay na kung saan nandoon ang malaking swimming pool.Pero nakakadismaya...andami din palang bisita sa may gilid ng swimming pool.

Curse..in the name of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon