Chapter three

6.5K 201 0
                                    

Matapos kong maihanda sa dining table ang dinner na niluto ko para kay Rolex ay mabilis na akong nagpaalam kay Tita Fely.

"Sigurado ka bang ayaw mo munang kumain,Glydyl?"

Si Tita Fely at parang hindi na nagsasawa sa katatanong sa akin everytime na magpapaalam ako sa kanya pagkatapos kong ipaghanda ng kanyang pagkain ang kanilang boss.

"Salamat nalang po,Tita.May trabaho po kasi ako ngayon kaya kailangan kong magmadali para hindi po ako mahuli sa pagpasok."

"Okay,kung ganoon...mag-ingat ka."

Tumango lang ako at tuluyan nang lumabas.

*

*

*

Magiliw akong sinalubong ni Sir Zalez pagkapasok ko pa lamang sa loob ng kusina ng restaurant. Sya ang manager nitong restaurant na pinagtatrabahuan ko.

Sakto kasing kapapasok din lamang nya sa loob nang dumating ako.Tinitingnan nya siguro kung maayos ba ang lahat.

Pagkatapos kong magsuot ng hairnet at apron ay mabilis na akong nagsimula sa aking daily routine sa pagluluto.

Sa totoo lang..nagrereklamo na ang katawan ko dahil sa pagod.Pero hindi ako pwedeng magreklamo.Kailangan kong magtrabaho para kumita ng pera.

Kinakaya ko nalang kahit gaano pa kahirap.Wala akong magawa,gusto ko mang magpahinga kahit isang gabi lang sa loob ng isang linggo ay hindi nila ako pinapayagan.

Huminga ako ng malalim nang sa wakas ay matapos na akong magluto.

Tinanggal na ng mga kasamahan ko mula sa kaldero at inayos sa lalagyan nito ang mga pagkain pagkatapos kong sabihin na okay na ang lahat.

Napasandal ako sa pader habang naghihintay ng iba pang utos mula sa nakakataas sa akin.

God!kailan ba matatapos ang mga paghihirap na ito?

Kailan pa ako magkaroon ng maayos na buhay?

"Glydyl,magbihis ka at mag-ayos..hindi pumasok si Ellen ngayong gabi kaya nagkulang tayo ng waitress.Marami pa namang customer."Utos sa akin ni Sir Zalez nang bigla syang sumilip sa may pintuan.

"Yes,Sir!"maagap ko namang sagot.

Matagal na din akong hindi nakakapag-serve kasi hanggang kusina lang naman talaga ako.Kaya hindi na ako magtaka kung bakit nakaramdam ako ng kaba sa isiping makikiharap ako sa mga costumer.

Kaya ko 'to..ako pa!pampalakas-loob ko sa aking sarili.

Matapos akong magbihis ng bagong uniform ay mabilis ko na ding inayos ang aking sarili.Saglit ko pang tinitigan ang aking sarili at pasimpleng ngumiti.

Hmm...pretty!

Para akong timang dahil ina-appreciate ko ang aking sarili sa may harapan ng salamin.

Ano namang masama doon,diba?marami naman talaga ang nakapagsasabi na maganda daw talaga ako at may hubog ang aking katawan kahit sa edad na labing-walo.

Yung iba nga,akala nila nasa twenties na ako.

Matapos ang sampung minuto ay ihinanda ko na ang aking sarili para lumabas mula sa dressing room.

Halos malula ako nang mamataan ko kung gaano kadami ang taong kumakain sa bawat table.Hindi naman kalakihan itong restaurant at hindi rin naman ganoon kasikat pero nakapagtataka kung bakit dinudumog ng mga tao.

"Glydyl,ikaw na ang magdadala ng order na'to.Table #3."

Nakangiti ko namang kinuha ang malaking tray na inabot sa akin ni Elisa at mabilis ko nang tinungo ang table #3 para ihatid ang kanilang order.

Curse..in the name of loveWhere stories live. Discover now