Chapter twenty-six

6K 157 2
                                    

Glydyl's POV

Napasandal ako sa headboard ng kama habang nakatakip ng malaking kumot ang hubad kong katawan.

Ayoko mang sundan ng paningin ang bawat kilos ni Rolex habang nagbibihis sa aking harapan..but i can't help it.

Napataas ako ng kilay nang bigla syang dumukwang at inabot sa akin ang hawak na necktie.

"Tie it for me."

Napanguso muna ako bago tinanggap ang necktie.Pagkatapos nya akong pagurin tapos...uutusan pa nya ako?sobrang paglalambing na yun ah!

Inayos ko muna ang kumot sa aking dibdib bago ko sya hinarap.Pero hindi yata nakikisama sa akin ang kumot dahil bigla nalang iyon dumausdos pababa nang iangat ko ang magkabilang braso para ayusin sa leeg ni Rolex ang hawak kong necktie.

Nanlalaki ang aking mga mata nang tingnan ko ang sarili.Nakabalanda sa harapan ni Rolex ang hubad kong dibdib!Marahan kong inilipat sa kanya ang paningin at expected...nakatitig nga sya doon.

Hindi pa sya nakontento at bigla nalang tumaas ang magkabila nyang kamay palapat sa aking dibdib.He slowly pinched the top of it.

"Adorable!"he said as he chuckled.

Tinaliman ko sya ng paningin.Hindi pa sya nagsasawa sa paglalaro nyan?

"Pervert!"bulong ko.

Mabilis ko ng tinapos ang ginagawa para makaalis na sya kaagad.Nababahala ako na baka ano na naman ang maisipan nitong gawin mamaya.

Hindi pa nakaka-recover ang katawan ko mula sa natanggap na parusa mula sa kanya..baka uulit na naman sya!mahirap na.

"It's done!"

Kuha ko sa kanyang atensyon bago ko muling itinaas ang kumot para matakpan ang nakalitaw kong dibdib.

"Thank you."

Nakangiti nyang sabi sa akin bago nya inilapit ang kanyang mukha sa akin.Napapikit ako nang atakehin nya ako ng malalim na halik sa aking labi.Halik na puno ng sensasyon at emosyon.

Pinagdikit nya ang aming mga noo pagkatapos nya akong halikan.

"I...addicted to this."

Marahan kong naimulat ang aking mga mata at marahan din akong napakurap.Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.Masaya ako na gusto kong mapaluha.

Dati kasi pangarap ko lang ito.Bakit parang hindi parin ako makapaniwala na nangyari na ang pangarap na iyon?Bakit parang panaginip ko parin ang lahat?

Parang ang hirap isipin na totoo ang lahat ng ito!paano nangyari na bigla nalang syang nagbago sa kabila ng pagkasuklam nya sa akin?

Napalunok ako nang kintalan nya ako ng matunog na halik sa aking noo.

"Babalik na ako sa trabaho at magpahinga ka habang wala ako.Malawak ang hardin sa harapan at malaki din ang swimming pool sa may likuran.Bahala kana kung ano ang gagawin mo kapag nabo-bored ka dito sa loob ng bahay.Mas maigi din kung matulog ka.Nagkalat ang kasambahay dito sa loob ng mansyon.Mag-utos ka lang kung mayroon kang kailangan,okay?hwag na hwag kang aalis ng bahay..."

Napalabi nalang ako habang sinundan ng paningin ang kanyang pagtayo. Nakatingin parin ako sa kanya hanggang sa paglabas nya ng pintuan.Nilingon muna nya ako bago tuluyang ipininid ang pintuan.

Huminga ako ng malalim habang nakatitig parin sa likod ng pintuan.At marahan kong itinapat sa aking dibdib ang kabila kong kamay.God!yung puso ko nagtatalon yata sa tuwa!

Umahon na ako mula sa kama matapos ng ilang minutong pagkatulala.Inayos ko ang higaan naming dalawa.

Teka...bakit bago na naman yata itong bedsheet ng kama?ngayon ko lang yata napansin ah!hayyyys...grabe naman,mukhang nagpapadami yata ang trabaho ng mga kasambahay dahil sa pananatili ko dito.

Curse..in the name of loveWhere stories live. Discover now