Chapter twenty-seven

5.8K 160 4
                                    

"Lo-"

"Mommy!..."

Nawala sa hangin ang nais kong sabihin nang may boses babae akong narinig sa di kalayuan.Tuluyan ng nawala ang aking konsentrasyon nang marinig ko ang malakas na hagulgol ng iyak matapos ang katagang iyon.

"Bakit ganoon?bakit ang unfair ng buhay?ano paba ang kulang sa akin?bakit hanggang ngayon ay hindi parin nakikita ni Daddy ang kahalagahan ko?bakit malayung-malayo ang kalooban nya sa akin,Mommy?dahil ba hindi ako mahilig sa architecture,katulad nya?dahil ba hindi ko sinusunod ang kanyang yapak?"

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses pero hindi ko naman makita mula sa pwesto ko kung sino yung nasa kabila kasi natatakpan ng malaking puno at mga halaman ang banda roon.

Hayyy...kung kailan na maganda at masaya ang iku-kwento ko kay Lolo ay sya namang nagkaroon ng drama sa background ko.Next time na nga lang ako magkwento,sa susunod na pagdalaw ko.

Pasimple kong sinilip ang pambisig kong relo pero ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang mapagtanto ko kung anong oras na!

Waaaah!baka pauwi na ng bahay si Rolex!

Nagmamadali akong sumakay sa bisekleta at mabilis na pinatalilis iyon ng takbo.

Dahil sa pagmamadali ay hindi ko napansin ang umaatras na sasakyan sa direksyon na dinadaanan ko.

Nagpagewang-gewang ang bisekleta dahil sa sobrang pagkataranta ko.Saka ko lang namalayan ang aking sarili nang matumba na ako sa gilid ng daan.Mabuti nalang at madamo kaya hindi naman ako masyadong nasaktan at nasugatan.

Natanaw kong umibis mula sa driver's seat ang may-ari ng sasakyan.Bago pa sya nakalapit sa akin ay nagawa ko ng tumayo at maagap na inaayos ang bisekleta.

"Magpapakamatay ka ba!?"the familiar voice echoed in my ears.

Marahan kong inangat ang aking mukha at deretso ko syang tinapunan ng paningin.

Nagkagulatan kami nang makilala ang isat-isa.Napansin kong maga at mapula ang kanyang mga mata pero napalitan iyon ng talim nang titigan nya ako ng mariin.

As usual...lumabas na naman ang pagka-maldita nya.

"Ang liit lang talaga ng mundo,ano?kung saan ako nandoon ka!sinusundan mo ba ako?"

Naningkit pa ang kanyang mga mata lalo na at bumaba ang kanyang paningin sa aking leeg.

"Hindi po,Ma'am!nandito ako para dalawin ang puntod ng Lolo ko."mahinahon kong sagot.

Tinaasan nya ako ng kilay bago muling nagsalita.

"Ano,nakahanap kana ng bagong mapapasukan kaya ka umalis sa pearl restaurant?mas mataas ba ang sahod?mahihirap nga naman...mukhang pera!bakit,nasisilaw ka ba sa mga bigay ni Cress sa'yo?Kung alam ko lang na sa'yo lang pala mapupunta ang set ng white gold jewellery na yan nunca ko syang sasamahan sa pamimili.Ako ang namili n'yan kaya kilala ko dahil ang sabi nya sa akin,ibibigay daw nya sa tagaluto ng pagkain nya!so,ikaw pala 'yon...siguraduhin mo lang talaga na hanggang sa pagluluto ka lang!at binabalaan na kita ngayon palang...hwag na hwag kang mahuhulog sa kanya dahil magiging kawawa ka!napakabata mo pa para masaktan...dahil para malaman mo,may nagmamay-ari na sa kanyang puso.Alam kong matalino kang bata,kaya naiintindihan mo kung ano ang ibig kong sabihin."

Pinasadahan muna nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago inirapan.Ganoon lang iyon..iniwan nya akong nakatulala parin at ni hindi nakasagot.

Napahawak ako sa aking leeg at marahang sinalat ang pendat ng suot kong kwintas.Totoo kaya ang mga sinasabi ng malditang iyon?

Curse..in the name of loveWhere stories live. Discover now