Chapter forty-one

6.3K 198 4
                                    

Glydyl's POV

Isang matandang babae ang sumalubong sa amin ni Ninong Andy nang pumarada ang sasakyan sa loob ng malaking bakuran.

Nakaramdam ako ng inggit nang matanaw ko ang biglang pagsugod ni Ninong Andy sa matanda at pagyakap nya dito bago kinintalan nya ito ng halik sa noo.

Ni minsan ay hindi ko naranasan ang mayakap ng isang ina.Kung buhay pa sana si Nanay.

"Glydyl,halika dito..ipakikilala kita sa Nanay ko.."baling sa akin ni Ninong.

Kimi akong ngumiti bago marahang lumapit sa kanilang kinatatayuan.

"Nay,sya po ang sinasabi ko sa inyo na inaanak ko.Si Glydyl po."

Magiliw akong binalingan ng matanda.

"Naku,napakagandang bata naman ito,Andy!"

Gusto kong mapanguso nang wala sa oras dahil sa narinig.Pwede namang napakagandang dalaga nalang,eh!bata pa talaga ang nabanggit ni Lola?

"Kamusta po kayo,Lola...kayo din ang ganda-ganda nyo din po!"

Inilapit ko sa kanya ang aking mukha para makintalan sya ng halik sa noo.

"At sya din po ang asawa ng boss ko."

Kasabay ng paglingon ko kay Ninong Andy ang pag-ubo ni Lola ng malakas.Siguro nagulat din sya buhat sa narinig.

Napahagod tuloy ako sa likod ng matanda para mahimasmasan.

Matapos ang mahabang introduction ay saka pa kami inaya ni Lola papasok sa loob ng bahay.Pero imbes na sumunod sa matanda ay mas pinili kong manatili sa labas ng bakuran para magmasid.

Napaangat ako ng mukha sa matayog na niyog na nasa dulo ng bakuran.

Oh my god!gusto kong kumain ng buko!!

Sumunod sa akin si Ninong Andy kaya nagkaroon ako ng pagkakataong magtanong.

"Paano mo nalaman na asawa ako ni Rolex?"tanong ko habang iniikot ang paningin sa paligid.

"Nandoon ako noong kaarawan ng kanyang Lolo.Ang daya mo talaga..akalain mo iyon ni hindi ko alam na boss ko na din pala ang inaanak ko?"

Sasabad pa sana ako sa kanya pero bahagya syang lumayo sa akin habang hawak ang kanyang cell phone pagkatapos nya akong tanungin kung dala ko yung cell phone ko.

Nilingon ko sya para tawagin pero busy yata sa kausap nya.Isinenyas ko yung puno ng niyog.Nang hindi parin nya ako pinapansin ay malakas ko na syang tinawag at sinabing umakyat sya sa puno ng niyog dahil gusto kong kumain ng buko.

Napansin kong mabilis na nyang isinilid sa kanyang bulsa ang hawak na cell phone bago nya ako muling nilapitan.

*

*

*

Mabuti na lamang at hindi ako binalot ng katamaran kaya natulungan ko si Lola sa pagluluto.

"Hayyy...ang galing mo naman palang magluto!ang mga dalagitang kasing-edad mo ay wala man lang ibang natutuhang gawin kundi ang maghawak ng cell phone at puro paganda!tamang-tama kahit na napakabata mo pa para mag-asawa ay marunong ka namang mag-alaga sa iyong asawa.Siguro,mahal na mahal ka ng asawa mo.."

Napatigil ako sa ginagawa at napatingin kay Lola.Mahal na mahal ako ng asawa ko?hmm...I'm not sure Lola.

"Ilang taon na ba ang asawa mo Ineng?Hindi naman siguro sya magiging boss ng anak ko kung kasing bata mo din,ano?"

"Matanda po sya ng sampung taon sa akin,Lola."maagap kong sagot.

"Naku!bakit mo naisipan na magpatali kaagad?dahil ba mayaman sya?dahil ba may hitsura?siguro guapo talaga eh,noh?ang ganda mo kasi..."

Curse..in the name of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon