Chapter twelve

5.9K 159 3
                                    

For me,a minute is just like take an hour.Kung naging interesado lang sana ako sa batang ito..marahil ay nasubaybayan ko ang kanyang paglaki.

Ngayon, habang nakatitig ako sa napakaganda at napaka-inosente nyang mukha..para bang pinagsisihan ko ang mga panahong lumipas.

Na kung saan hindi ko napagmasdan ng maigi kung gaano pala talaga sya kaganda.

Pareho kaming tahimik sa kasalukuyan.Nakatitig lang ako sa kanya ng mariin at pilit inaanalisa ang bawat kurti ng kanyang mukha.

Bagamat naka-side view ay hindi naging hadlang iyon para pasadahan ko ng paningin ang kanyang buong mukha.

Mula sa kanyang sentido..sa kanyang tainga na kahit wala man lang suot na earrings ay hindi parin naitatago ang ganda ng hugis nun.Sa kanyang pointed nose down to her jaw.

Fuck!kailan pa ako napapatulala nang dahil lamang sa isang babae?

Sa dinami-daming magagandang babae na nakasalamuha ko ay never akong nag-appreciate sa kanilang beauty.Parang normal lang sa akin ang mga ganoong mukha.Napapalamutian ng kung anu-anong kolorete sa mukha.Nakakapuwing na din minsan ang mga suot nilang naglalakihang jewellery sa katawan.

Siguro nasanay ako sa mga ganoon.But i realize it now..while staring at Glydyl's face.Hindi ko alam na umaapaw ang kanyang ganda sa kanyang ka-simplehan.

Natural na natural ang kanyang ganda.Hindi nakakasawang titigan.

Hindi ko napaghandaan ang bigla nyang paglingon sa akin.Matapang nyang sinalubong ang aking mga titig.Lagi syang ganito.Kahit na ramdam ko ang kanyang takot sa akin.Nagagawa parin nya akong titigan ng deretso sa aking mga mata.

Sa isip ko habang nakikipagtitigan ako sa kanya..walang lalaki na hindi mabibighani sa taglay nyang ganda.

Para akong kinabahan sa isiping iyon.Nagkaroon kaya sya ng manliligaw?Or,mayroon kaya syang boyfriend sa kasalukuyan?

Naikuyom ko ng mahigpit ang aking kamao.Kung mayroon man,hwag na hwag syang magpapakita sa akin kung hindi...hindi ko maipapangako kung ano ang magagawa ko sa kanya!

"Cress,nandito ka lang pala...kanina pa ako naghihintay sa'yo sa loob,akala ko babalik ka kaagad."

Napatuwid ako ng tayo at pasimple kong isinara ang pintuan para hindi masilip ni Samantha ang dalaga sa loob.

Kilala ko si Sam.Madali syang gumawa ng eskandalo lalo pa at hindi nya nagugustuhan ang nakikita.Ayoko nang madagdagan ang eksena na nangyari kay Glydyl kanina.

Kapag usapang babae kasi...inaaway ni Samantha ang lahat ng mga babaeng umaaligid sa akin.Hinahayaan ko lang naman sya sa kanyang ginagawa.Iniisip ko na tama nga iyon para makaiwas din ako sa tukso.Mahirap na.

"Oh,sorry!may hinahanap kasi akong gamit sa may passenger's seat kaso wala eh...baka naiwanan ko sa bahay.Natagalan ba ako?"

For the first time i lied to her.Pasimple nalang akong ngumiti para matabunan ang guiltiness na nararamdaman ko.

"Hindi lang natagalan...nakapag-dessert na ako't lahat wala ka parin.Kung hindi pa ako lumabas dito baka nagplano ka ng umuwi nang hindi ko man lang nalalaman."

Bagamat nakangiti..nababahiran parin ng pagtatampo ang kanyang boses.

"Sorry na nga,okay?"

Hindi ko alam kung bakit nakukulitan na ako sa kanya ngayon.Dati-rati naman ay okay lang sa akin ang lahat ng mga kinikilos nya.Pero ngayon?i think it's too much!

Magkaibigan lang naman kami,ah!bakit parang lahat ng galaw ko ay kailangan kong ipaalam sa kanya?

"Fine!i'll go ahead...thanks for the company."

Hindi ko napaghandaan ang kanyang pagtingkayad sa aking harapan para maabot nya ang aking pisngi.She kissed me on the cheek bago sya nagpaalam para tunguhin ang sariling sasakyan.

Hinatid ko muna sya ng tanaw bago ako umikot sa harapan ng aking sasakyan papunta sa driver's seat.

Hindi ko mawari kung bakit nakaramdam ako ng excitement habang binubuksan ko ang pintuan sa tapat ng driver's seat.Hindi naman ako ganito dati...but now,it's so weird of me to feel this way.

Kung kailan na nakapwesto na ako sa upuan at inaayos ko na ang aking seatbelt ay saka naman nagmamadaling binuksan ni Glydyl ang pintuan sa tapat nya.

Hindi ko napaghandaan ang kanyang ginawa kaya napamura nalang ako ng malakas at napahampas sa hawak na steering wheel  nang sundan ko ng tanaw ang papalayong dalaga mula sa kinapaparadahan ng aking sasakyan.

Paano nya nagawa iyon?ganoon ba sya kasuklam sa akin kaya hindi nya maatim na sumakay dito na kasama ako?

Ang ibang mga babae ay halos maglulumuhod na sa aking harapan mapasakay ko lang sa aking sasakyan tapos sya?tatakasan lang ako?

What the hell!

Inis kong pinaharurot ng takbo ang aking sasakyan.Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit feeling disappointed talaga ako sa mga oras na ito.

I put an effort to approach her..but what she have done?Nauubos na ang aking pasensya sa batang iyon,ah!

Matamlay kong inakyat ang hagdan.Nagpadagdag sa aking katamlayan ang katahimikan ng buong bahay.

I have the wealth..the fame...

Ano pa ba ang kulang sa buhay ko?

Napahinto ako sa paghakbang nang pihitin ko ang doorknob ng aking silid.

Biglang bumalik sa aking balintataw ang presensya ni Glydyl sa loob.

Fuck this!

Sa labas o maging sa loob man ng aking bahay ay panay ang panggugulo ng batang iyon sa utak ko!

Ito na yata ang pinakamalupit na naganap sa buhay ko..na hindi ko mahanapan ng kasagutan.

Pabagsak kong isinara ang pintuan ng aking kwarto bago pabagsak na humiga sa ibabaw ng aking kama.

God!what is the true meaning of happiness?

☆☆☆

Curse..in the name of loveWhere stories live. Discover now