Chapter twenty-nine

5.6K 175 8
                                    

Glydyl's POV

Umikot ang eyeball ko habang nakatitig sa kanya.May pa-what the hell is this pa syang nalalaman!

Hindi ako tanga para hindi makilala kung ano yung pula na nakadikit dyan sa leeg nya!

Ano,umuwi-uwi pa sya dito!sana pala kinareer nalang nya ang pakikipag-romansa sa babaeng iyon!mabuti naman at hindi tinubuan ng pangil kaya hindi bakat ng ngipin ang nandyan!grrr!!!ang sarap pumatay ng tao!

Sa amoy palang..kilala na ng pang-amoy ko kung sino ang nagmamay-ari ng perfume na nakadikit sa kanyang damit.Ganyan din ang perfume na naamoy ko doon sa sementeryo noong nilapitan ako ni Samantha!

Nanggigigil ako habang nakatingin parin sa kanya.Ang galing um-acting!dapat pala nag-artista nalang sya kasi feel na feel talaga sa mukha nya ang pagka-disgusted habang pinupunasan ng tissue ang kanyang leeg na may bakat na lipstick ng malditang iyon!

Kaagad kong inilipat sa ibang direksyon ang aking paningin nang bigla nya akong lingunin.Sa isang iglap ay nakalapit na sya ulit sa akin.

Tumingala pa sya sa harapan ko at in-expose ang leeg.

"Patingnan nga...wala na ba?"

Aba't--hinayupak na ito!ginawa na talaga akong tanga at kinawawa dito!Pwede ba namang umakto syang parang wala lang sa harapan ko?

Matapos nyang pahalikan sa malditang iyon ang kanyang leeg tapos may mukha pa syang ihaharap sa akin at tanungin ng ganyan?ang kapal!!!

"Hindi ako salamin!"sabi ko sabay talikod.

Dere-deretso ang lakad ko papasok sa dining room habang nakabuntot naman sa akin si Rolex.

"Kumain kana at mauna na akong umakyat."Sabi ko habang nakatalikod parin sa kanya.

Napasinghap ako nang bigla nya akong yakapin mula sa aking likuran bago kinintalan ng matunog na halik sa aking leeg.Kinilabutan tuloy ako sa isiping nakipaghalikan sya sa iba while ago.

"Its not what you think..."napatanga ako dun sa sinabi nya.

"Wala akong sinabi.."nakanguso kong sagot.

Gagawin na naman akong tanga,eh!kitang-kita na nga ang ebidensya tapos may gana pa syang sabihin sa akin na 'its not what you think?' Kalokohan!

"Aakyat na ako at kumain kana."walang kagana-gana kong sabi.

Hindi na nya ako hinabol pa nang lumabas ako mula sa dining room.Mabibigat ang aking mga paa nang akyatin ko ang hagdan.

Hindi na nga ako normal na humahakbang eh..kundi malakas akong nagpapadyak habang hinahakbang ang hagdan.

Kainis!kainis talaga!!

Deretso kong hinubad ang suot na damit bago hinakbang ang pintuan ng banyo pagkasara ko pa lamang ng pintuan ng silid.

Kasabay ng pagdaloy ng tubig sa aking ulo pababa sa aking katawan na  nagmumula sa shower ay sya namang pag-alingawngaw ng boses ni Samantha sa aking utak.Bumalik sa aking alaala ang kanyang sinabi noong nagka-engkwentro kami sa sementeryo.

Napapikit ako ng mariin at napakuyom ng mahigpit sa aking kamao.Pagkatapos ng maraming minuto ng pagtitimpi ay bigla ko nalang iminulat ang aking mga mata.

Dinampot ko ang lalagyan ng shower gel at halos mabasag iyon sa aking kamay.Padarag kong sinabunan ang aking katawan na para bang doon ko binubuhos ang lahat ng sama ng loob ko.

Dati..inaabala ko sa pagguguhit ang aking sarili kapag nasasaktan ako.Pero ngayon,halos hindi ko na mahawakan ang pencil ko dahil sa pagkaabala sa ibang bagay.

Curse..in the name of loveWhere stories live. Discover now