Chapter 2

1.5K 69 22
                                    

Hanggang ngayon, naaalala ko pa rin ang paraan niya ng pagkakasabi ng 'Excuse me?' at 'Who are you?' sa 'kin kanina. Nang dahil sa kanya, mas lalo lang naging masama ang tingin ko sa lahat ng mga pogi't magaganda sa mundo.

"What are you waiting for, iha?" sabi ni Ma'am. May pagtataka siyang nakatingin sa 'kin.

Nagising naman ako mula sa pagkatulala. "A-Ah, sorry po."

Hindi ko man lang namalayan na kanina pa pala ako nakatitig sa lalakeng 'yon.

Tinungo ko na ang upuang tinutukoy ni Ma'am at tumabi na sa lalakeng nagngangalang Ziff. Unang dinig ko pa lang sa pangalan ng lalakeng ito, 'yong word na zipper kaagad ang pumasok sa isip ko. Para kasing Ziffer ang datingan. Pft. Ewan ko ba kung bakit big deal sa 'kin 'yong pangalan niya.

Nagpatuloy na si Ma'am sa pagsusulat sa blackboard habang ang mga bagong kaklase ko naman ay para bang nagtitinginan sa may bandang likuran kung saan ako kasalukuyang nakaupo at si Ziff. Nagbubulung-bulungan din sila sa isa't isa. Ako kaya ang pinag-uusapan nila o itong lalakeng katabi ko?

"Hi."

May narinig akong pagbati mula sa katabi ko—teka muna, kanino ba kamo? Sa k-katabi ko?

Marahan akong lumingon sa kaliwa ko para kumpirmahin kung sa katabi ko nga talaga nagmula ang nakakapanindig-balahibong 'Hi' na 'yon. Bukod kasi sa kanya ay wala naman akong iba pang katabi dahil kaming dalawa lang naman ang nakaupo sa pinakadulong row. Alangan namang sa estudyante pa sa labas 'yon nagmula, eh, nasa 2nd Floor pa ang room namin.

Natigilan naman ako nang makita ko siyang nakatingin sa 'kin. Kung titingnan sa malapitan, tila napaka-inosente ng mga mata niya. Aakalain mo na lang talaga na nagka-amnesia siya dahil parang hindi man lang niya naalala 'yong ginawa niyang pagsusungit sa 'kin kanina.

"Um, hi," ulit niya, pero sa pagkakataong ito ay binigyan niya na ako ng isang matamis na ngiti.

Shems. Naka-drugs ba siya? Totoo ba 'tong nakikita ko? Parang kanina lang no'ng saksakan siya ng sungit, ah? Sandali lang, baka naman may iba pa siyang kausap bukod sa 'kin? Baka nakakakita siya ng mga bagay na hindi nakikita ng isang normal na tao?

"A-Ako ba?" Itinuro ko pa ang sarili ko at tumingin-tingin ako sa paligid ko para lang makasigurong ako nga talaga ang kinakausap niya.

"Yup," pagkumpirma niya naman. Mas lalo pang lumapad ang ngiti niya, dahilan para lumitaw ang dimples sa magkabila niyang pisngi.

Kumurap-kurap ako. "Um, 'di mo ba ako nakikilala?"

Amnesia boy lang?

Kumunot ang noo niya. "Sorry? Do we know each other?"

Seryoso ba siya? Gano'n na lang ba niya ako kabilis na makalimutan? Sa kabila ng lahat ng ginawa niya? O baka naman nananadya lang talaga siya?

"Ah, hindi," bawi ko naman sa sinabi ko. "Hindi pala tayo magkakilala."

Nakakabaliw siya. Promise.

"Sorry, ah? I'm not good at remembering people by their faces kasi, eh." Napakamot siya sa ulo nang malamya. "By the way, you sound like the girl who's asking me things a while ago. Perhaps, are you that girl?"

'Yon. Naalala niya na rin sa wakas.

"Ah, oo. Ako nga 'yon. Akala ko 'di mo na ako maaalala, eh." Sarkastiko akong ngumiti. "Ako 'yong babaeng hindi mo sinagot kanina. May pa-'Who are you?-Who are you?' ka pa ngang nalalalaman, eh. Siguro, napangitan ka sa 'kin, 'no, kaya 'di mo ako sinagot?"

"Huh?" aniya. "Who says you're ug—?"

"Okay, class, let's start our discussion now. Silence, please!" singit ng teacher namin na mukhang natapos na sa pagsusulat ng mga ile-lesson niya sa blackboard.

Your Face (Your Series #1)Where stories live. Discover now