Chapter 14

733 40 3
                                    

Sumunod na linggo, dahil tapos na ang Halloween Party, back to normal na naman ang lahat. Pero ngayong araw na 'to, isang hindi normal na bagay ang gagawin ko. Correction, namin pala . . . naming dalawa ni Jepoy. Pinaplano kasi naming pagselosin 'tong ex niyang si Kylie. Umepekto kaya?

"Good bye, Cess," paalam sa 'kin ni Jepoy matapos niya akong ihatid kunwari papuntang room namin.

Tulad ng inasahan ko, nagtinginan ang mga kaklase ko sa 'min.

"Sige, Jepoy. Mamaya na lang ulit," paalam ko rin sa kanya.

"Bye, Cess!" Nagpaalam na rin si Florante sa 'kin. "P're, ano 'yon, huh?" pabulong niyang tanong kay Jepoy habang naglalakad sila paalis nang may mapansin siyang kakaiba sa 'min.

"Basta," tanging nasabi ni Jepoy hanggang sa tuluyan na silang nakaalis.

Napatingin ako kay Kylie ngunit napansin kong parang wala lang sa kanya ang nangyari. Samantala, labis na lang ang pagkagulat ng mga kaibigan ko pero mas lalo na si Ziff.

Naglakad na ako papunta sa upuan ko.

"'Oy, beh. Ano 'yon, huh?" suspetsa ni Liza nang makadaan ako sa row nila.

"Mamaya, may sasabihin ako sa inyo." Ngumiti ako sa kanila para wala na silang maisip pang katanungan tungkol sa 'ming dalawa ni Jepoy.

Nang matunton ko na ang upuan ko ay napansin kong napakalagkit ng tingin ni Ziff sa 'kin. May gusto na naman 'tong sabihin malamang.

"Cess," sabi niya pagkaupo na pagkaupo ko mismo.

Sabi na nga ba, eh, may sasabihin siya.

"Oh?" tanong ko nang nakataas ang dalawang kilay.

"Ah, nothing." Inalis niya na ang tingin niya sa 'kin.

Ano kaya 'yon? Tatawag-tawagin niya 'yong pangalan ko pero wala naman pala siyang sasabihin?

Napatingin ako sa paligid ko at pinagmasdan ang mga kaklase kong tila may pinagbubulungan. At mukhang tungkol 'yon sa 'kin, pero hindi ko na lang sila pinansin. 'Di bale nang mag-isip sila ng kung anu-ano tungkol sa 'kin basta't ang mahalaga ay matulungan ko si Jepoy sa misyon niya—at 'yon ay ang makuha pabalik si Kylie.

"Andiyan na si Ma'am!" sigaw ng kaklase naming lookout palagi tuwing may dumarating na guro, dahilan para matahimik ang lahat at matigil sa pagbubulungan.

Napaka-epektibo talaga ng sentence na 'yon. 'Pag sinabing andiyan na si Ma'am ay tatahimik talaga silang lahat, eh. Mga estudyante nga naman.

Nagsi-ayos na ng pagkakaupo ang mga kaklase ko pagpasok ni Ma'am ng classroom. Si Ma'am Rosetta kasi itong tipo ng teacher namin na ayaw na may nakikitang magulo sa classroom.

"Okay. Good morning, class!" bati nito sa amin.

Katulad ng dapat na gawin ay nagsitayo kaming lahat at binati rin siya ng, "Good mooooorning, Ma'am!"

Bumuntong-hininga si Ma'am nang marinig niya ang tono ng pagbati namin. "How many times do we have to talk about this? Again!"

Sabi na nga ba, eh. Hindi niya nagustuhan 'yong paraan ng pagbati namin sa kanya. Para naman kasi kaming mga elementary student habang binabati namin siya.

Sa ikalawang pagkakataon, muli namin siyang binati ngunit sa kaparaanang tiyak na magugustuhan niya na. "Good morning, Ma'am!"

"Okay, that's far better. Sit down, everyone!" utos niya.

Hays, buti naman at nagustuhan niya na.

"Thank you, Ma'am!" sambit naming lahat.

Panimula ni Ma'am, "Okay, so we won't be having our lesson for today because—"

Your Face (Your Series #1)Where stories live. Discover now