Chapter 31

436 20 0
                                    

Biglang nagbago ang tingin ko sa kanya. Kung noong una'y nakikita ko siya bilang isang babae na nagpasilaw sa pera, ngayon nama'y nakikita ko sa kanya ang isang mapagmahal na anak na handang gawin ang lahat para lang sa pamilya niya—kahit na iwanan pa ang minamahal niya.

Nahihiya tuloy ako sa sarili ko nang dahil sa mga naitanong ko kanina. Hindi man lang ako nag-isip nang mabuti bago ako magbitaw ng mga salita. Tsk! Ang tanga-tanga ko talaga.

Matapos ang mga pangyayari ay bumababa na ako sa 4th Floor papunta sa kwarto ni Jepoy at ibinigay kay Mama ang mga ibinilin niyang pagkain sa 'kin. Sunod ay tumingin ako kay Jepoy. Mukhang mahimbing pa rin ang tulog niya. Kailan kaya siya magigising?

"'Oy, Cess, uuwi rin ako agad mamaya pagkatapos kong kumain kasi walang bantay sa bahay. Ikaw na muna ang maiwan dito, ah?" habilin ni Mama.

"Ah, sige po. Okay lang po sa 'kin," tugon ko.

At dumating na nga ang oras na kinailangan nang umuwi ni Mama kaya ako na lang ang natirang bantay ni Jepoy. Dahil wala akong magawa, pinunasan ko na lang ang mga kamay at paa niya gamit ang basang bimpo, hanggang dumating sa punto na umabot na ako sa pagpunas sa mukha niya. Sandali naman akong napatigil sa pagpunas nang may mapansin ako sa mukha niya.

Makakapal ang mga kilay niya, mahahaba ang rin ang mga pilikmata, tapos may pagkamatangos din ang ilong, at higit sa lahat, mapupula ang mga labi niya. Ngayon ko lang ito napagtanto . . . Pogi naman pala siya, eh. Masyado lang talagang panira 'yong sandamakmak niyang acne sa mukha. At siguro, kung gugupitan lang ang ubod ng kapal niyang buhok ay mas magiging kaaya-aya siyang tingnan.

Hays, bakit niya kaya pinabayaan ang sarili niya nang dahil lang sa isang babae? Ako tuloy 'yong nasasayangan sa kanya. Kung naghanap na lang sana siya ng ibang babae bukod kay Kylie, eh, 'di sana hindi na siya umabot pa sa ganito.

Ipinagpatuloy ko na ang pagpunas sa mukha niya. Laking gulat ko naman nang biglang marahang bumukas ang mga mata niya.

"J-Jepoy?"

May pagkabagal niyang inilibot ang tingin niya sa paligid, siguro'y nagtataka siya kung nasaan siya ngayon at kung bakit buhay pa rin siya. Sa huli ay napatingin siya sa 'kin.

"O-Okay ka na ba?" may halong pagkatuwa kong tanong. Hindi ko man lang siya nagawang sampalin gaya ng balak ko kapag nagising siya.

"C-Cess?" mahina niyang sambit.

"Oo, ako 'to," medyo naluluha kong tugon.

Walang hiya siya. Alam niya bang pinag-alala niya ako nang sobra?

"B-Bakit ako nandito? Sino ang nagdala sa 'kin dito? 'Di ba't tinapos ko na ang buhay ko?" usisa niya sa nanghihinang boses, kasabay nito ay ang pagtulo ng luha niya. Nang ibaling niya ang tingin niya sa pupulsuhan niyang binalutan ng gauze ay saka niya lamang napagtanto na hindi siya nagtagumpay sa pagkitil sa sarili niyang buhay. "A-Ano 'to?"

Sagot ko naman, "Ah, nakita kasi kitang nakahandusay sa kwarto mo kagabi lang. Mabuti na lang talaga at—"

"At sinong nagsabi sa 'yong gawin mo 'yon?" Pinagtaasan niya ako ng boses at may halong galit siyang tumingin sa 'kin.

"H-Huh? Ang alin? Ang iligtas ka? Bakit naman hindi?" Pinilit kong ngumiti.

Hindi ko maintindihan kung bakit tila walang siyang bahid ng pagsisisi sa nagawa niya sa sarili niya. Gano'n na lang ba talaga siya kadesididong mamatay? Nakakainis siya! Bakit ba siya ganito?

"Hindi mo naman dapat ginawa 'yon, eh! Buhay ko 'to! Bakit ba nangingialam ka?" mangiyak-ngiyak niyang sigaw. "Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko! Hindi ikaw ang nasasaktan, kaya bakit mo 'yon ginawa?" Marahas niyang hinawakan ang magkabila kong balikat at ginalaw-galaw ito kahit na hindi pa siya tuluyang makabangon sa higaan niya.

Your Face (Your Series #1)Where stories live. Discover now