Chapter 10

765 43 5
                                    

Hindi ko naman lubos-akalain na siya pala ang nasa labas ng bahay namin. Ang buong akala ko kasi ay si . . .

"Jepoy?" Kumunot ang noo niya.

"H-Huh?" ang sabi ko. Medyo lutang pa ako. Nabigla kasi talaga ako sa kanya.

Samantala, lumapit sa 'ming dalawa si Jepoy na mukhang nakabihis na ngayon. Hawak niya rin ang plato na pinaglagyan ng biko kanina at mukhang malinis na ito.

"Oh, eto na plato n'yo. Nahugasan na 'yan. Salamat sa biko," sambit niya.

Inabot niya na ang plato sa 'kin habang si Ziff naman ay nakatitig nang masama sa kanya.

"And who are you?" tanong ni Ziff sa kanya.

"A-Ako?" Itinuro ni Jepoy ang sarili niya. "Ah, bagong kapitbahay niya. Schoolmate mo rin. Malamang 'di mo 'ko kilala kasi—"

"Are you close with Cess?" usisa ni Ziff na akala mo ay pagmamay-ari ako.

"Cess? Sino 'yon?" pagtataka ni Jepoy. "'Yon ba 'yong bagong reyna ng mga panget sa school natin?"

Ouch.

Tumikhim ako ng dalawang beses sabay sabi ng, "Um, ako 'yon, Jepoy. 'Di mo ba ako kilala?"

"Watch your mouth, bro," seryosong sabi ni Ziff. Parang mas big deal pa sa kanya 'yong sinabi ni Jepoy kaysa sa 'kin.

"Ah, ikaw pala 'yon. Okay. 'Ge, alis na 'ko," paalam ni Jepoy sabay iwan na sa 'ming dalawa ni Ziff.

Nakasunod pa rin ang mga mata ni Ziff kay Jepoy habang bumabalik ito sa kanilang bahay. Para bang may iniisip siya tungkol kay Jepoy. At kung ano man 'yon, siya lang ang nakakaalam no'n.

"Ziff, anong ginagawa mo rito?" panimula ko ulit. "Paano mo nalaman kung sa'n ako nakatira?"

Ibinalik ni Ziff ang tingin niya sa 'kin. "Ah, tiningnan ko 'yong files mo sa office ni Daddy."

Oo nga pala, anak nga pala siya ng direktor ng school namin.

"At ano namang ginagawa mo rito?" tanong ko ulit.

"Um, can we talk?" paghingi niya ng permiso.

"Hindi pwede. Bye," may pagmamadali kong sabi sabay sara agad ng gate.

"Cess, please. My driver is waiting for me in my car. I've only got minutes to kill. Talk to me . . ." pagsusumamo niya.

Hindi ako sumasagot sa kanya. Pinakikinggan ko lang ang mga sinasabi niya habang nakasandal ako sa gate namin. Hindi tulad ng kina Jepoy, silyado ang gate namin kaya hindi niya siguro alam na nakatayo pa rin ako rito. Sa totoo lang, medyo naaawa ako sa kanya, pero mas naaawa ako sa sarili ko.

"Cess, are you still there? Don't worry, my mom doesn't know that I'm here tonight! I told her that I'll go to Elaine's house! But here I am! So please, spare me a minute!" pagmamakaawa niya.

Ano kayang nangyayari sa lalakeng 'to? Nagawa niya pa talagang magsinungaling sa mom niya? Baliw na ba siya? Bakit sa lahat-lahat ng babae sa mundo, bakit ako pa ang napag-trip-an niya? Bakit?

Makalipas ang ilan pang minuto, hindi pa rin siya tumitigil sa pagsigaw. Hangggang sa lumapit na lang sa kanya ang driver niya para sabihin na, "Sir, halika na po. Nalaman na po ni Madam na wala ka kina Ma'am Elaine. Sinabi ko na lang po na pumunta ka lang muna ng mall para mamili ng mga bulaklak saglit."

"Okay, Kuya Bert. Mauna ka na po sa kotse," tugon naman niya.

"Sige po, Sir," pagsunod ng personal driver niya.

"Okay, Cess. I'm going!" sambit niya. "I don't know what Mom told you that day but you don't really have to be this way! Let's be friends again, okay? Don't mind my mom!"

Your Face (Your Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon