Chapter 27

434 21 1
                                    

Bigla akong kinilabutan nang marinig kong may isa pa palang regalo para sa 'kin. Sino ba naman ang hindi kikilabutan do'n, eh, Secret Admirer daw kuno?

Tumingin sa 'kin si Ma'am. "Valdosa, para sa 'yo yata 'to?"

"Ay, Ma'am, natanggap ko na po 'yong regalo ko," ang sabi ko naman.

"Hala. Eh, hayaan mo na! Sa 'yo nakapangalan, eh. Kunin mo na lang," sambit niya.

Dahil nagtataka rin ako kung anong laman ng regalong para sa 'kin ulit kuno ay agad akong tumayo at kinuha ito mula kay Ma'am. Tiningnan ko ang sulat sa isang maliit na card na nakasabit dito at napansin kong halos kaunti lang ang pinagkaiba ng sulat-kamay na ito sa sulat-kamay na nasa sticky note noong isang araw. Dito ko na napagtanto na marahil ay isang tao lang ang pinagmulan nito. At kung sino man ito, gusto ko sanang malaman kung bakit niya ito ginagawa.

Moving on . . .

Syempre, hindi makukumpleto ang Christmas Party kung walang pa-games. Noong una'y hindi pa ako nakikipag-participate dahil wala pa akong gana. Pero no'ng dumating na ang time na paper dance na ang lalaruin namin ay bigla na lang akong niyaya ni Ziff.

"Cess, let's join! Come on! Be my partner," anyaya niya sa 'kin.

"Ayoko, nakakahiya," pabebeng tugon ko naman kahit parang gusto ko naman talaga.

"Is that so?" aniya. "Okay, then."

Ito namang si Ziff, 'di man lang ako pinilit!

Maya-maya pa ay bigla na lang lumapit si Elaine kay Ziff. "Ziff, do you want to pair up with me?"

Dahil dito'y binawi ko na ang mga sinabi ko kay Ziff kanina-kanina lang. "Ay, Ziff, tara na?"

Kumunot ang noo ni Ziff sabay tipid na ngumiti. "I thought you were—"

"Hindi na pala ako nahihiya." Tumawa ako nang pilit.

Salamat kay Elaine, nawala na ang pagkapabebe ko.

"That's good!" ani Ziff.

"Tsk." Napataas ng kilay si Elaine sa 'kin at napangisi. Pagkatapos nito ay umalis din naman agad siya. "Sandra, where are you? Tayong dalawa na lang ang mag-partner. May ilusyonada kasing isa rito."

Alam kong ako ang pinariringgan niya pero dinedma ko na lang siya, baka kasi ay magkagulo na naman, eh. Christmas Party pa man din.

"Pumunta na sa gitna ang mga sasali," utos ni Ma'am.

Nagsitayuan na ang lahat ng mga gustong sumali. Syempre, hindi na rin nagpahuli pa sina Lyn, Lei, Laura, at Liza. Siya nga pala, sumali rin 'yong grupo nina Elaine. At higit sa lahat, sumali rin kaming dalawa ni Ziff.

Nang makapwesto na ang lahat ng mga sumali sa tig-iisang newspaper para sa bawat pares ay sinimulan nang patugtugin ang kantang Twerk It Like Miley.

Hey, girl this you song

Let's see that badonkadonk

I'mma try to do the things that you don't

Baby, it's yo party

I just wanna play . . .

Napapatawa na lang ako habang pinagmamasdan si Ziff na aakalain mo talagang isang robot dahil sa sobrang tigas ng katawan kung sumayaw. Hindi lang pala siya palpak sa pagkanta, pati rin pala sa pagsayaw. Buti hindi natu-turn off 'yong mga babaeng nagkakandarapa sa kanya? Sa bagay . . . ako nga, eh, 'di pa rin natu-turn off. Ako pa talaga ang may ganang ma-turn off sa 'ming dalawa, huh? Wow, Cess, ang ganda mo!

Your Face (Your Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon