Chapter 17

592 31 10
                                    

Kung siya na nga 'yon, ano na kaya ang kalagayan niya ngayon? Napakaraming katanungan ang bumabagabag sa isipan ko. Hindi ko pa naman kasi lubusang kilala si Celis, at mas lalong hindi ko alam ang kwento niya. Basta't ang tanging alam ko lang ay sinasabi ng mga kaibigan kong kamukha ko raw siya.

"Ganda, okay ka lang ba?" Napansin ni Papa na kanina pa ako nakatitig sa may labas.

Tumingin ako kay Papa at sumagot ng, "H-Huh? Ah, opo."

"Para po," sambit naman ng isang babaeng natira sa jeep kanina nang marating niya na ang destinasyon niya.

Hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makita ang itsura niya tulad ng naunang babae. Isang misteryo tuloy sa 'kin ang pagkakakilanlan nila.

Mga bandang hapon na nang matapos ang pasada namin ni Papa. Pagkatapos nito ay agad din naman kaming umuwi. Pinauna na akong papasukin ni Papa sa loob ng bahay dahil pupunta pa raw siya sa kumpare niya. Bago ako pumasok ay umagaw sa pansin ko ang isang kotse na naka-park sa labas lang din ng bahay namin. At kung hindi ako nagkakamali, mukhang kay Ziff ito . . .

Teka, kay Ziff? At ano naman kayang ginagawa nito sa tapat ng bahay namin?

Pagpasok ko sa loob ng bahay, wala akong kamalay-malay sa madaratnan ko. Pagbukas na pagbukas ko kasi ng pinto ay bumungad sa 'kin si Mama na kinakausap ang tila isang pamilyar na lalakeng nakatalikod.

Shems. Mukhang may kutob na ako kung sino siya.

"Oh, andito na pala si Cess, eh," ani Mama sa lalake nang makita niya ako, pagkatapos ay muli siyang tumingin sa 'kin. "Kanina ka pa hinihintay ng bisita mo."

Napatulala na lang ako nang lumingon na sa 'kin ang lalake. Hindi nga talaga ako nagkamali ng kutob. Sabi na nga ba, siya na naman!

"Z-Ziff?" Kumunot ang noo ko.

"Hi, Cess," bati ni Ziff sa 'kin sabay ngiti.

Dali-daling tumakbo si Mama papunta sa 'kin. Hinawakan niya ang braso ko at tumalikod kami kay Ziff.

"Hoy, Cess! Hindi mo naman sinabi sa 'kin, may manliligaw ka na pala?" pabulong niyang sambit.

H-Huh? Anong nangyayari? Hindi ko maintindihan.

"Manliligaw?" pagtataka ko. "Sino?"

Marahang lumingon si Mama kay Ziff. Gusto niya sigurong iparating na ito nga ang manliligaw ko.

Anong kahibangan na naman ba 'to?

"Ano ka ba, Ma? Kaibigan ko lang 'yan," paliwanag ko sa pabulong din na paraan.

"Kaibigan?" ulit niya. "Kaibigan lang? Kurutin ko dede mo, eh! Kaibigan ba 'yan? Nakapambihis? May dala-dalang—?"

Nakita kong tumayo si Ziff hawak-hawak ang dala niyang bouquet of flowers at lumapit sa 'min.

"Flowers for you." Inalay niya sa 'kin ang mga bulaklak.

Na naman?

"A-Ano 'yan?" tanong ko kahit obvious naman.

Pinalo ako ni Mama sa may balikat sabay sabi ng, "Anong ano 'yan? Bulag ka ba, Cess? Malamang bulaklak! Kunin mo na. Dali!"

"Ma naman, eh," ang sabi ko. Muli akong tumingin kay Ziff. "Umuwi ka na lang, Ziff. Please lang."

"Hoy, Cess! Ang ganda mo, ah? Eh, kigwapo-gwapo nitong nanliligaw sa 'yo tapos tinatanggihan mo lang?" Lumapit si Mama kay Ziff at kinuha ang bouquet of flowers na hawak-hawak nito. "'Oy, Ziff. Pagpasensyahan mo na 'tong anak ko, ah? Nagpi-feeling maganda, eh."

Your Face (Your Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon