Chapter 7

841 59 8
                                    

Matapos ang mga sinabi niya ay may isang bagay na pumasok sa isip ko. Iba siya sa mga lalaking nakilala ko. Iba siya sa mga dating kaklase ko. Ngunit kahit na gano'n pa man, hindi pa rin no'n mababago ang katotohanan na . . .

"Hala, gabi na!" naibulalas ko nang bigla akong matauhan.

"Um, yeah. Ngayon mo lang napansin?" tanong ni Ziff.

"Ikaw kasi, eh. Sige na, Ziff. Alis na 'ko," paalam ko. "Ikaw, 'di ka pa ba uuwi?"

Napansin kong nagbago bigla ang emosyon ng mukha ni Ziff matapos ko siyang tanungin.

"I don't wanna go home," tugon niya habang nakasimangot.

"Huh? Ba't naman?" pagtataka ko.

"She'll surely get mad at me when she sees my face. No, she'll probably get mad at everyone who's involved," paliwanag niya.

"S-Sino?" tanong ko.

"Wala . . ." Ngumiti siya. "Sige na. Mauna ka na. Gusto mo ba ihatid pa kita sa bahay ninyo?"

"Hala. Ano ka ba? 'Di na kailangan," pagtanggi ko agad. "Ito naman."

"Are you sure? Hindi ba't parang delikado kasi gabi na?" paniniguro niya.

"Naku, 'wag kang mag-alala, walang magtatangkang mang-rape sa 'kin! Sa itsura ko ba namang 'to?" Napatawa ako nang kaunti sa sarili ko.

"Okay, then. If that's what you want, then so be it," sabi niya.

Alas syete na nang gabi nang makauwi ako sa bahay namin. Sa labas, nadatnan ko si Mama kasama ang mga kaibigan niya habang nag-uusap-usap sila. Nang makita nila akong dumating ay sandali silang natahimik at nagtinginan sa 'kin.

"'Oy, mare, ano ba 'yan? Bakit ngayon lang umuwi 'yang anak mo?" tanong ng isang kaibigan ni Mama habang nakatitig sa 'kin nang masama.

"Oo nga, Mel," dagdag naman ng isa pa.

Dahil dito, napatingin nang masama sa 'kin si Mama at sinabing, "Hoy, Cess! Ang landi-landi mo! Bakit ngayon ka lang? Huh?"

Expected ko naman na 'yon ang sasabihin niya kaya hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso na agad ako ng pasok sa gate. Habang naglalakad ako palayo sa kanila ay narinig ko pa nga ang mga usapan nila.

"Ano ba 'yang anak mo? Ang panget na nga ng itsura, ang panget pa ng ugali! 'Ta mo? Inalisan ka lang."

"Hoy! Correction lang, 'Day: Hindi ko anak 'yan! Napulot ko lang 'yan sa basurahan!"

Dahil nasaktan ako sa mga pinagsasabi nila, agad na akong pumasok sa loob ng bahay. Alam ko namang panget ako pero sadyang napakasakit lang talaga na marinig ang mga pangungutya mula sa sarili mong ina at sa harapan pa mismo ng mga kaibigan niya.

"Nandito na po ako." Hinubad ko na ang suot kong sapatos at pagkatapos ay pumunta ako sa kusina para makita si Papa. Nadatnan ko naman siyang kasalukuyang naghahain ng mga pagkain sa lamesa. Matapos niyang ipatong ang isang plato sa lamesa ay lumapit na ako sa kanya at nagmano. "Mano po, 'Tay."

"Bless you," ang sabi niya. "Oh, siya, tamang-tama lang ang dating mo." Tara, kain na tayo. Hayaan mo na 'yong mama mo. Malamang hindi 'yon kakain kasi tuyo ang ulam."

Tahimik akong naglakad papunta sa kabilang parte ng lamesa at umupo sa upuan.

"Pa . . ." panimula ko.

"Oh, bakit?" tanong ni Papa.

". . . 'di n'yo man lang po ba itatanong kung bakit ginabi ako ng uwi?" tuloy ko.

Napayuko ako nang dahil sa hiya. Nangako kasi ako kay Papa na hindi ako gagabihin ng uwi ngunit hindi ko ito tinupad.

Lumapit sa 'kin si Papa at hinawakan ang balikat ko.

Your Face (Your Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon