Chapter 22

459 28 10
                                    

Nagsitayuan na silang apat pagkatapos nilang marinig ang bell.

"Teka lang, Laura. Sabihin mo muna sa 'kin," pakiusap ko.

"Naku, friend, tumayo ka na diyan at baka mapagalitan pa tayo ng susunod nating subject teacher!" ang sabi naman ni Laura. "Kilala mo naman si Sir Guerrero, 'di ba?"

"Oo nga, beh. Tara na!" yaya naman ni Liza.

"Sige na, please?" pagmamakaawa ko talaga.

Sabi naman ni Lyn, "Cess, bakit 'di mo na lang kasi itanong nang direkta kay Ziff? For sure siya ang mas makakasagot sa mga katanungan mo."

"S-Si Ziff?" Natulala ako bigla.

Mukhang malabong mangyari 'yon sa ngayon. 'Di ko nga alam kung galit pa ba siya sa 'kin o kung ano. Basta, sobrang nahihiya talaga ako sa kanya. Wala na nga yata akong mukhang maihaharap pa sa kanya, eh.

"'Wag na nga lang." Tumayo na ako at agad na sumunod sa kanila papuntang room.

Sumapit na lang ang uwian nang hindi kami nagkakausap ni Ziff. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko parang iniiwasan niya ako. Kanina kasi, habang nagtuturo ang teacher namin, ay sinubukan ko na naman siyang kausapin ngunit isang seryosong tingin at katahimikan lamang ang ibinigay niya sa 'kin. Pagkatapos no'n, hindi na ako naglakas-loob pa na kausapin siya.

Nauna nang umuwi ang mga kaibigan ko dahil kung minamalas nga naman, ngayong araw pang ito ako napasama sa cleaners. Siya nga pala, kasama ko ring naiwan si Ziff sa room ngayon. By row kasi ang cleaners, kaya 'yon . . .

"Ano ba 'yan? Bakit ba tayo ang naglilinis nito, eh, meron naman tayong janitor?" reklamo ng isa kong kaklase.

"Oo nga! Para saan pa at naging private school 'tong Trover High?" reklamo naman ng isa pa.

Mayroon pang isang dumagdag sa mga reklamo nila.

"Ew! Ew! Ew! So gross!" pag-iinarte nito habang diring-diring hinawakan ang balat ng pinagkainang chocolate bar.

Pagsisipain ko 'tong mga 'to, eh. Aba, akala mo kung sinong kaygaganda. Palibhasa mga anak-mayaman. Para pagpulot lang ng basura, eh.

"'Oy, 'oy, 'oy! May reklamo kayo?" saway sa kanila ni Class President. "Hiyang-hiya naman si Ziff sa inyo, eh, 'no? Partida, anak pa 'yan ng may-ari ng school, pero ni kahit isang reklamo may narinig ba kayo?"

Yumuko lamang si Ziff at napakamot sa ulo niya nang marinig niya ito. Napangiti naman ako sa kanya dahil sa kinilos niya. Nang makita niya ako ay agad din naman siyang umiwas ng tingin. Tsaka ko lang napagtanto, nagbago na nga talaga ang pakikitungo niya sa 'kin.

Makalipas ang ilang minuto . . .

"Ayan na, Pres, huh? Kita mo ba? Tapos na akong mag-ayos ng mga upuan!" pagmamayabang ng isa naming kaklase.

"Ako rin!" dagdag naman ng isa pa.

"Oh, siya, pwede na kayong umuwi," sambit ng Class President namin.

"Yey!"

Nagsimula nang magsi-alisan ang mga kaklase ko kasama na rin si Ziff.

Paalis na rin sana ako nang biglang nakita ng Class President namin ang basurahan na nakalimutang itapon ng isa kong kaklaseng naka-assign para dito. Kaya naman, bago pa man ako makalabas ng pinto, ako agad itong una niyang sinabihan.

"Cess, 'yong basurahan, huh?" paalala niya. "Ikaw na ang bahalang magtapon ng mga laman niyan."

Shems. Ang malas ko.

"A-Ako? P-Pero—" Gusto ko sanang magreklamo kaso 'di ko alam kung paano.

"Sige, uwi na 'ko," paalam niya. Mabilis siyang naglakad paalis.

Your Face (Your Series #1)Where stories live. Discover now