Chapter 30

425 26 0
                                    

Nanginginig ang buong katawan ko nang dahil sa sobrang takot. Dulot nito, nabitawan ko pa nga ang hawak-hawak kong plato. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng ganito. Napakaraming dugo. Napakalangsa ng amoy. Pero . . . pero . . . si . . .

"Je—Jep—"

Pinilit kong igalaw ang nanginginig kong mga binti para lang makalapit sa kanya kahit takot na takot ako. Medyo lumalabo na rin ang paningin ko dahil sa mga luha na bumabalot sa mga mata ko. Nang makalapit na ako sa kinalalagyan niya ay napaluhod ako sa sahig.

"J-Jepoy!" maluha-luha kong sabi. Ngayon ko lang nabigkas nang maayos ang buong pangalan niya.

Natataranta na ako, nababalisa, hindi alam ang gagawin. Ayoko namang isiping wala na siya, dahil hindi pwede. Hindi siya pwedeng mamatay. Hindi maaari!

Sinubukan kong hawakan ang kabilang pupulsuhan niya sa pagbabaka-sakaling hindi pa huli ang lahat. At kung hindi ako nagkakamali, buhay pa siya! Mayroon pa siyang pulso! Tumitibok pa ang puso niya!

Nang mapag-alaman kong hindi pa pala huli ang lahat para sa kanya ay may pagmamadali akong naghanap ng panyo sa drawer niya. Hindi pa rin ako tumitigil sa paghagulgol. Halungkat dito, halungkat doon. Lahat ay gagawin ko para lang maisalba ang buhay niya.

Pagkatapos kong makakita ng isang scarf ay agad akong bumalik sa kanya at inalam ang kalagayan niya. Mukhang humihinga pa rin siya pero medyo mahina na, kaya naman, nang makita ko ang pupulsuhan niyang may gilit ay agad ko itong binalutan ng panyo, para man lang kahit papa'no ay mapabagal ang pagtagas ng dugo mula rito.

"Jepoy, kumapit ka lang diyan," mangiyak-ngiyak kong sabi bago ko siya iwan.

Kahit medyo nahihilo ay nagmadali pa rin akong tumakbo papunta sa bahay namin para lang humingi ng saklolo. Hindi ko kasi kayang dalhin si Jepoy sa ospital nang mag-isa lang.

"M-Ma . . . P-Pa . . ." Nanginginig pa rin ako.

"Jusmiyo, Cess! Anong nangyari sa 'yo?" pagkagulat ni Mama. "Bakit duguan ka?"

Hindi pa rin pala sila natatapos sa pagkain ng mga handa para sa Noche Buena.

Nagmadaling lumapit si Papa sa 'kin at hinawakan ang duguan kong kamay. Kumunot ang noo niya. "Ganda? Bakit, huh? Anong nangyari?"

"W-Wala pong nangyari sa 'kin, p-pero, si—si—" Pakiramdam ko'y mauubusan ako ng hininga dahil pa rin sa nasaksihan ko kani-kanina lang. "S-Si—si Je—d-dugo—s-sa sahig—maraming dug—"

Lumapit na rin si Mama sa 'kin. "Umayos ka nga ng pagsasalita. Pa'no ka namin maiintinihan niyan?"

"Anak, kumalma ka," utos ni Papa.

Nang dahil sa sinabi niya ay bigla akong nahimasmasan. Napagtanto kong walang magandang maidudulot kay Jepoy ang pagkataranta ko, kaya naman, sinubukan kong huminga nang malalim at kumalma.

"S-Si Jepoy po, puntahan po natin siya sa bahay nila. Duguan po siya ngayon dahil tinangka niyang magpakamatay," malinaw ko nang paliwanag.

"Ano?" pagkagulat nilang dalawa.

Dali-dali rin naman silang sumama sa 'kin at kumaripas ng takbo papunta sa bahay nina Jepoy. Nang makita ni Papa ang katawan ni Jepoy ay maingat niya itong binuhat patungo sa loob ng jeep namin at nag-drive na. Matatagalan pa kasi kung tatawag pa kami ng ambulansya—baka ma-traffic pa sa EDSA—eh, mukhang 'di na kakayanin pa ni Jepoy na magtagal. Kaunting-kanunti na lang talaga at mauubusan na siya ng dugo.

"Pa, pakibilisan po!" sigaw ko kay Papa nang dahil sa takot na baka'y biglang bawian ng buhay si Jepoy ano mang oras.

"Oo nga! Jusme!" ani Mama na natataranta na rin.

Your Face (Your Series #1)Where stories live. Discover now