Chapter 20

524 25 4
                                    

Tatlong tao ang hindi ko inasahang makikita ko ngayon sa amusement park na 'to. Una, si Kylie, pero hindi ako sure kung siya nga talaga 'yon. Ikalawa, si Elaine, ang babaeng ayoko talagang makita. At ikatlo, si Celis. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na siya na nga 'tong nasa harapan ko ngayon. At mas lalong hindi ako makapaniwalang maaaring magkakilala sila ni Ziff.

"Is that really you?" tanong ni Ziff.

Ito rin sana ang gusto kong itanong kay Celis.

Nakatulala lang si Celis sa kanya. Animo'y gulat na gulat din ito nang makita nito si Ziff. Maya-maya pa ay agad din namang tumayo si Celis mula sa pagkakatumba, at hindi rin naman siya tinantanan ni Ziff.

"I have a lot of questions to ask you," ani Ziff.

"Tara na, Jenny. Umuwi na tayo," ani Celis. Akma sana niyang iiwan si Ziff kasama ang kaibigan niya ngunit agad din naman siyang pinigilan nito bago pa man sila tuluyang makaalis.

"Wait, don't leave." Hinawakan ni Ziff ang balikat ni Celis. Medyo nag-iba ang tono ng boses niya; 'yong tipong parang nagmamakaawa siya.

Hindi rin naman nagpatinag si Celis. "Please lang, Ziff. Tigilan mo na 'ko. Nakaraan na 'yon; tapos na. Hindi na tayo dapat nag-uusap pa." Tinanggal niya ang kamay ni Ziff sa balikat niya.

Nakaraan? Anong nakaraan ang tinutukoy niya? May nakaraan ba sila ni Ziff? Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako.

"I have waited so long for this moment," sambit ni Ziff.

"Ano ba? Pwede ba? Tama na!" sabi ni Celis, pagkatapos ay humarap siya sa kaibigan niyang si Jenny. "Ikaw naman kasi Jenny, eh. May pa-enjoy-enjoy ka pang nalalaman. 'Di na lang tayo dapat nagpunta rito." Patuloy pa rin niyang pinupunasan ang damit niyang natapunan ng ice cream.

"Aba, ba't parang kasalanan ko pa?" tugon naman ni Jenny sa mahinahong paraan.

B-Bakit? Bakit hindi ako makapagsalita? Napakarami kong katanungan ngayon. Nandito na si Celis sa harapan ko ngayon. Ano pa bang hinihintay ko? Bakit hindi ko magawang kausapin siya?

Hindi pwede, Cess. 'Wag na 'wag mong palalampasin ang pakakataong ito. Minsan lang 'to. Itanong mo na ang dapat mong itanong. Humakbang ka papalapit sa kanya. Isa. Dalawa. Tatlo. Go!

"A-Ah. K-Kayo po ba si C-Celis?" naitanong ko.

Bigla na lang natuon ang atensyon nilang tatlo sa 'kin pagkatapos kong magsalita.

"Hala! Kagulat, ah? Celis, pa'no ka nag-teleport diyan?" naibulalas ni Jenny.

Hindi nga siya nagbibigro. Mukhang nagulat nga talaga siya nang makita niya ako base sa reaksyon ng mukha niya. Pero sa tinagal-tagal kong nakatayo rito, bakit kaya ngayon niya lang ako napansin?

"Baliw. Nandito pa rin ako sa tabi mo, Jenny," ani Celis.

Lumingon si Jenny kay Celis. "Hala!" muling pagkagulat niya. "Nandito ka naman sa tabi ko ngayon!"

"Kanina pa ako nandito." Nakatingin lamang sa 'kin si Celis habang sinasabi niya ito.

"Eh, sino 'yong nasa harapan natin ngayon?" pagtataka ni Jenny.

"'Yon nga rin ang gusto kong malaman, eh," sabi ni Celis.

G-Grabe. Gano'n na ba talaga kami magkamukha ni Celis para mapagkamalan ng kaibigan niyang ako siya? Panahon na siguro para magpakilala ako.

Panimula ko, "A-Ah, sorry po kung nagulat ko kayo. A-Ako po si—"

"Cess, don't introduce yourself," pagpigil naman sa 'kin ni Ziff.

Your Face (Your Series #1)Where stories live. Discover now